21

1.8K 54 0
                                    


Accidentally Married to Mr. Famous

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 21

Nakakaasar ang dalawang 'yon! Wala man lang akong pictures kaya ang ginawa ko ay nag selfie, selfie na lang ako. Ano ba 'yan, hindi ko naman kayang picturan ang sarili ko na naka whole body.
"Hi miss, Okay lang ba sa 'yo na ako na lang ang magpi-picture sa 'yo para hindi ka na mag selfie, diyan?" nakangiting sabi ng lalaki habang palapit sa akin. Waahh ang guwapo niya!
Hala, siguro naka move on na ako? Nakaapreciate na kasi ako ng guwapo? 'Di ba, kapag bitter ka, lahat ng lalaki ay sa tingin mo pangit?
"Kanina pa kasi kita nakikita na nagse-selfie, e." Hindi naman ako makasagot kasi noong malapit na siya ay namukhaan ko na.
"Kyaah... Twilight?" tapos niyakap ko siya.
"Twilight, ikaw nga! I missed you... Long time no see...".ang saya ko. Nakita ko siya rito. Kaibigan ko siya noong highschool ako..
"Akala ko, hindi mo na ako makilala. Kanina pa kita tinatawag, e." Nakangiting sabi niya. Yiiieeee... ang guwapo talaga niya!
"Sus, puwede ba kitang makalimutan? Mr. Twilight Hemingway?"
Siya 'yong heir ng Hemingway company. Sikat din ang family nito sa business world. Magkakilala ang daddy niya at ang papa ko kaya naging friends kami. Dati nga, sa akin pa 'yan nagtatanong kung paano magkagusto ang babae sa kaniya?
"Uy, kamusta na kayo nu'ng friend mo? Kayo na ba?" naupo muna kami rito sa bench.
"Ahhh... ehhh... engaged na nga kami..." napakamot siya sa ulo niya tila nahihiya pa.
"Talaga? Wow, congrats! Sa wakas, kayo na rin. Binata ka na. Hehehe!" Masaya ako para sa kaniya. Ang torpe din kasi ng isang ito.
"Actually, hindi niya alam na may gusto ako sa kaniya." naguguluhan naman ako sa isang 'to.
"Ano 'yon? May gusto ka sa kaniya tapos engaged na nga kayo pero hindi niya alam? Ang gulo mo!" Ang dami, dami kong problema tapos dagdagan pa ng isang ito. Ang gulo!
Sana hindi ko na lang 'to nakita! Dagdag pa sa palaisipan ko. Joke lang. Na miss ko talaga ang lokong 'to.
"Arranged marriage lang ang nangyari sa amin para sa kapakanan ng company namin..." malungkot na sagot niya sa akin. Ouch! Akala ko pa naman, nagmamahalan sila.
"One sided lang pala ang story niyo... Ikaw, mahal mo siya pero ang tanong?mahal ka rin ba niya?" ayan na naman, makaka-relate na naman ako sa isang 'to. Bakit ba lahat ng sitwasyon at lahat ng pagkakataon, parang tungkol sa akin.
"Hindi ko rin alam. Ang manhid nga niya, e. Matagal ko na siyang gusto pero kung sinu-sino ang naging boyfriend niya. E, nandito lang naman ako..." ayan na naman. Nagda-drama na siya.
Huhuhu! Akin 'to, e. Moment ko 'to. Bakit mukhang aagawan pa ako ng eksena?
"Sus, sa guwapo mong 'yan? Hindi siya magkagusto? Nagpapakipot lang 'yon," crush ko rin kasi ito noon. Ang bait niya sa akin.
"Hoy, Winter!" sigaw ng babae habang palapit sa amin. Okay lang naman ang mukha. Maganda rin kaso siyempre, babae rin ako kaya mas maganda ako sa kaniya. Hahaha!
" Sino siya?" bulong ko sa kaniya habang papalapit na ang babae na nakasalubong ang kilay.
"Siya 'yong fiancee ko," sagot niya sa akin. Ito pala ang kasama niya rito. At ako naman ay nakaisip ng isang napaka bright idea.
Ting!
"Babes? Sino siya?" paglalambing ko kay Twilight tapos humawak pa ako sa braso niya. Hmm... ang bango pala ng lokong 'to. Nakaone point ako.
"Winter? Sino siya?" tanong ng babae nang makarating na sa amin. Mukhang kakainin ako ng amasonang 'to, a. Wala raw gusto kay Twilight e kung umasta, mukhang inagawan ng tinapay.
"Ah... wala, Buwan. Kakilala ko noon. Family friend. Si Jane pala," ito naman si Twilight, hindi maka gets na pinapaselos ko lang ang babae.
Ang talim ng tingin niya sa kamay ko na nakawak sa braso ng fiance niya.
"Excuse me, would you mind if I borrow my WIFE?" nagulat ako nang biglang may nagsalita sa likuran ko... si Karl. Ano ba ang ginagawa niya rito? Hinawakan ako ng mahigpit sa braso tapos hinila at naglakad ng mabilis. Waahh... itinakas niya ako. Hindi na nga ako nakapagpaalam?, e. Naiwang nakatunganga at nagtataka si Twilight at ang fiance niya.
"Nakakainis ka! Bakit mo ako hinila? Kita mong may kausap pa ako, e!" singhal ko sa kaniya. Hindi pa rin ako pinapansin. Diretso lang sa cottage niya.
"Ano ba, Karl! Bitiwan mo 'ko!" Lokong 'to! Parang walang naririnig. Pagdating namin sa cottage nila ay naabutan namin sa sofa si Leo. Nanonood ng slamdunk. Dire-diretso naman niya akong hinila papasok sa kuwarto at isinara.
"Ano'ng ginagawa mo roon? At sino ang lalaking 'yon? Bakit babes ang tawag mo sa kaniya?" sunod-sunod na tanong niya. Firstime kong nakitang galit ito. Kadalasan kasi, kapag may problema ay mahinahon lang siya.
"Kaibigan ko noong high school ako tpos ka nang magtanong? Babalik na ako sa amin. Hinahanap na ako nina Nicole at Lenny," akmang bubuksan ko na ang pinto pero hinawakan niya ako sa braso.
"Kaibigan? E, bakit kung makakapit ka roon parang gustong gusto mo siya, a." Gano'n na ba ako kagaling umarte kanina at pati ito, napaniwala ko?
"Kaibigan ko nga lang 'yon. Kasi ganito 'yon ang-- teka lang, bakit ba ako nag i-explain sa 'yo? Nagseselos ka ba, Karl?" Diretsahan kong tanong sa kaniya. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin.
"Aminin mo nga, Karl. Nagseselos ka ba?" ulit na tanong ko. Ang tagal sumagot, e.
"Hmp, diyan ka na nga... " tatalikod na sana ako kaso hinawakan niya muli ang braso ko. Nagkakalasog lasog na yata ang buto ko. Kanina pa 'to hawak ng hawak sa akin.
"Oo. Nagseselos ako. Selos na selos ako..." mahinang sabi niya. Dug... dug... dug... dug... sabi ng heart ko.
Ang lakas na naman ng pagtambol niya.
Si Karl? Nagseselos? Ibig bang sabihin nito ay may pagtingin din siya sa akin? Ilang minuto na katahimikan ang namayani sa aminng dalawa. Hindi ko naman alam kung ano'ng sasabihin ko. Basta ang alam ko, nagseselos daw siya.
"Babes? Nandiyan ka ba sa kuwarto?" tawag ni Roxanne sa labas.
"Ah, Roxanne, wala siya diyan. Namasyal siya." Narinig kong sagot ni Leo.
"Gano'n ba? Sige, hanapin ko muna. Hinahanap ka na pala ni Selena," na ang tinutukoy nito ay ang retokada quenn. At lumabas na ang bruha!
"Nagseselos ka pala, ha!" galit na sabi ko kay Karl.
"Totoo naman. Nagseselos ako. Bakit ba kasi ang sweet, sweet mo roon tapos sa akin, galit ka. Ano ba ang kasalanan ko?" siya pa itong may ganang mainis? At talagang itatanong pa sa akin ang kasalanan? Ako ba ang gumawa ng katarantaduhan niya?
"Ewan ko sa iyo!" sabi ko na lang. Gusto ko na talagang lumabas.
"Wala nga kaming relasyon ng babaeng 'yon. At kung ang iniisip mo na magkasama kami noon ay 'yon ang pag sign ng contract ko sa movie na 'to. At iyong iba, nagkataon lang na ang daddy niya ang isa sa clients namin kaya nando'n din siya," mahabang paliwanag niya sa akin.
"Nakita ko kayong naghahalikan kanina!" galit na sabi ko. Ano ang akala nila sa beach? Motel? Walang tao sa paligid?
"'Yon naman pala. Nakita mo na hinalikan niya ako. Siya ang humalik sa akin pero tinulak ko naman siya, 'di ba?" nahihirapan na siyang mag-explain. Iyong tipong iniisip niya kung ano ba ang dapat niyang sabihin para maniwala ako?
"Ah, so, kung hindi ko kayo nakita, hindi mo siya itutulak, gano'n? Tapos mag-i-enjoy kayo sa kiss ninyo?" kaya lang pala niya tinulak dahil nakatingin ako? Ang kapal talaga ng mukha!
"Oh, ano'ng ngingiti-ngiti mo diyan?" makakapatay na ako sa sobrang inis tapos siya, tatawa tawa pa. Problema nito?
"Don't tell me, nagseselos ka, honey?" ang lapad lang ng ngiti niya.
"E, paano kung sabihin ko sa 'yong, oo. Nagseselos ako?" Bakit ko naman i-de-deny sa kaniya? Sa iyon naman talaga ang nararamdaman ko.
"Talaga? Nagseselos ka??" Malambing na sabi niya sa akin tapos sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko.
"Waah... ewan ko sa 'yo! Magsama kayo ng Roxanne mo!" Tinulak ko siya at tumakbo palabas sa cottage. Tawa pa nang tawa ang loko. Mabuti na lang, wala na si Leo sa sofa.

Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon