53

1.7K 37 0
                                    


Accidentally Married to Mr. Famous

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 53

Mabilis na tumatakbo ako papasok sa loob ng bahay.
"Nicole? Bakit umuwi ka? Anak naman, ginagawa mo na atang Divisoria ang Pilipinas at US ah." Nakasalubong ko si Mommy, pababa siya ng hagdan.
"Andito po ba si Kuya? Saan ka pupunta, mom?" nakabihis kasi ito at halatang nagmamadali rin.
"Ando'n. Nagmumukmok sa kuwarto, ayaw akong kausapin. Puntahan ko ang maganda kong daughter- in- law. Magpapa-checkup kami, baka kung ano ang mangyari sa aking apo," masayang sabi ni Mommy...
"Apo?" ulit ko sa sinabi niya.
"Yupz. Hindi mo alam? Sabi ng kuya mo,  buntis daw si Jane pero nag-away sila kaya nakiusap na ako na lang daw muna ang bahalang bumisita sa mag- ina niya. Sige, diyan ka na nga. Kausapin mo 'yang kuya mo kung ano ang problema nilang mag- asawa.." Mabilis na umalis si Mommy.
Si Ate Jane, buntis?Magkakapamangkin na ako? Yehey! may baby na kami sa family. Happy ending na. Naunahan pa ako ni Kuya, ang daya. Si Leo kasi ang arte. Dapat ako ang nauna e.
Siguro hindi sinabi ni Kuya kay Mommy ang tungkol sa kasal nila ni Ate Jasmine, takot na mapagalitan. Hmmmp! Alam kaya ni Mommy ang tungkol sa kasal.
Pagpasok ko sa kwarto ay nakahiga si Kuya. Halatang umiiyak ito dahil namumugto ang mga mata.
"Ano ba Nicole? Isarado mo nga 'yang kurtina" naiinis na sabi ni Kuya.
"Bumangon ka na nga riyan at puntahan ang mag-ina mo!" Dapat nando'n 'to sa tabi ni Ate Jane e..
"Alam na niya ang tungkol sa kasal namin ni Jasmine, at hindi ko alam kung paano masosolusyunan to.." parang wala sa sariling sabi niya at naupo sa gilid ng kama.
Naupo ako sa tabi niya..
"So? Kung kasal kayo, ano ngayon?" naiinis na tanong ko. Hindi ko naman inakala na manggulo pa ang ambisyosang Jasmine na iyon.
"Hindi mo ba naintindihan? Kasal kami bago pa si Jane. Kerida ko lang si Jane. Magiging bastardo ang anak namin!" Napahilamos siya sa mukha. Litong- lito kung ano ang dapat gawin.
Well, firstime ko siyang makita na ganito. Sa lahat kasi ng bagay o problema ay nabibigyan niya ng solusyon sa mahinahon at mabuting paraan. Kung hindi ko alam ang totoo ay siguro kahit ako maiinis din sa sitwasyon nila..
"Duh! Kasal? Hindi kaya.." I rolled my eyes. E, sa hindi naman talaga e.
"Huh? Anong ibig mong sabihin na hindi, Oli?" nagtataka nitong tanong sa akin. Pinag-aaralan pa ang mukha ko kung seryoso ba ako o hindi pero alam ko umaasa pa rin siya na sana nga ay totoo ang sinasabi ko.
"Di kayo kasal ng bruhang 'yon. For short, si Ate Jane pa rin ang legal na asawa mo at tunay na Mrs.Montenegro." Tnga lang siya para maniwalang kasal nga sila. As in duh?
------------ Flashback-----
Andito ako ngayon sa office ni Tito. Kukunin ko na kasi ang mga papers na pina-legalize ni Mommy para sa company namin.
Isusumbong ko 'yon kay Daddy. Ako pa ang inutusan na kunin dahil magbo-ballroom daw sila ng mga amega niya. Kapag malaman 'yon ni Daddy, tiyak mag- aaway ang mga 'yon.
"Good morning, Tito. O, kuya, anong ginagawa niyo rito?" naiinis na tanong ko. Katabi kasi nito ang bruhang si Jasmine. Kahit kailan hindi ko 'to gusto ang babaeng to. Napakalandi!
"Andito ka na lang din, Nicole, ikaw na ang mag-witness sa kasal ng kuya at Ate Jasmine mo," sabi ni Tito sa akin..
"Whaatttt? Kasal? Kuya naman!" Biglang nag- init ang tainga ko sa narinig.
"Ikakasal na rin naman kayo two months from now a. Hindi makapaghintay?" Ano ba ang arte ng dalawang 'to? Sigurista talaga! Pera lang naman ang habol niya kay Kuya e.
"Pwede ba, Oli, makisabay ka na lang. Gusto lang namin na makasigurado," masayang sabi ni Kuya. Siya pa talaga ang atat na makasal kay Jasmine ha. Ang dami daming babae bakit dito pa sa hitad na 'to? Kung sinu-sino na ang nakakama nito e.
"Sige na po, Tito. Umpisahan n'yo na po," excited na sabi nitong babae. Hindi man lang ininda ang pagtutol ko.
Ayun, wala akong nagawa kaya ako ang naging witness ng kasal nila. Nagpa-picture pa kami sa secretary na pumasok. Pinagsisihan ko pa tuloy kung ba't ako pumayag na pumunta dito. Dapat si Mommy na lang. Baka sakaling hindi pa natuloy ang kasal nila...
Nauna nang umuwi ang newly wed daw. Magha-honeymoon. Puwe! As if wala pang nangyari sa kanila. Sa kati pa naman ba ng babaeng 'yon, malamang laging nagpapakamot kay Kuya.
"Tito? Nasaan na po ang papers na pinapakuha ni Mommy?" tanong ko sa kaniya habang busy sa pinepirmahan. Nakita ko ang marriage contract nina Kuya sa table..
"Diyan lang sa table kunin mo na lang."
"Tito? Totoong kasal na po si Kuya?Legal na po ba talaga?" tanong ko dito. E, baka kasi joke lang ang kasal kanina. O 'di kaya nananaginip lang ako.
"Oo, kasal na sila kapag ma-register ko na ang marriage contract nila sa NSO ay automatic legally married na sila." So ibig sabihin, hindi pa talaga sila legal na kasal dahil hindi pa niya na submit ang papers nina Kuya.
"Ahmmm... Tito? Pupunta po ako sa NSO ngayon kukuha po ng death certificate ni Mommy. Ako na lang po ang magdadala niyang kay Kuya." Pagpresinta ko. Sana naman ay pumayag siya.
"Anong death certificate? Buhay pa ang mommy mo ah," natatawang sabi ni Tito..
"Ayyy. Ano ba 'yon? Birth certificate po pala, sorry. Huwag mo na lang pong sabihin kay Mommy na minamadali ko siya." Kapag andito 'yon, mapapatay niya talaga ako.
"Sige, ikaw na ang magdala niyan. Busy rin kasi ang secretary ko. Oli, ingatan mo 'yan ha. Huwag mong iwala."
Umuwi na ako bitbit ko ang pinakuha ni Mommy pati na rin ang kina Kuya..
Dali-dali akong pumunta sa office ng maganda kong ina.
"Momm y? Sina Kuya at Ate Jasmine, kasal na." Pasalampak ako na naupo sa harapan ni Mommy. Gusto kong umiyak. Ayaw ko talaga ang babaeng 'yon.
"O? Ano naman ngayon?" parang balewala na tanong nito.
"Tulungan mo ako. Ayoko talaga mommy e." Hindi ko matanggap na ang Jasmine na 'yon ang magiging sister-in-law ko. Ang saya-saya ng family namin tapos papasok siya?Okay lang sana kung mabait siya, ang kaso malandi.
"Wala ka nang magagawa. Desisyon ng kuya mo 'yon. Akin na 'yang papers ko."
Inabot ko sa kanya.
Ipinakita ko na rin ang bitbit kong marriage contract..
"Tutulungan mo ako o isusumbong kita kay Daddy na ako ang pinakuha mong mag-isa roon kay Tito tapos nag ballroom ka lang."
Napatigil siya sa ginagawa.
Ayaw ni Daddy na umalis akong mag- isa kasi baka ano raw ang mangyari sa akin. Isip bata pa raw ako. Tss.
"E di ipagawa mo roon sa school of undergrad," suggest niya sa akin..
"Ano po 'yon mommy? Ang school of undergrad? Mayroon ba no'n? Saan 'yon?" Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
"Sa Recto. Umuwi ka na nga! Ang dami- dami kong ginagawa Oli." Pagtataboy niya sa akin.
"Anong meron sa Recto, Mommy?Paano pumunta roon?" Narinig ko na yon e. Lugar 'yon.
"Sakay ka ng LRT, baba ka ng R.Papa ba 'yon? Pagbaba mo, magtanong ka na lang do'n. Basta.magtanong ka na.lang sa guard ng LRT kung anong station ang Recto para makasigurado ka. Pagawaan 'yon ng mga fake na ID, certificate at kung anu-ano pa." Halatang tinatamad mag-explain si Mommy.
"Hmp! Doon namlang ako uuwi kina Leo, Mommy. Bibigyan ka namin ng apo." Paalam ko sa kanya bitbit na ang marriage contract nina Kuya.
"Bahala ka. Bilisan niyo lang ang paggawa." Kitams? Okay na okay kay Mommy si My Loves ko.
Dahil desidido talaga ako sa gagawin ko ay pumunta ako roon mag- isa. Firstime kong sumakay ng LRT. Nakipagsiksikan pa ako at pagbaba ko? Chaaaaaraaaaannnn! Wala na ang iPhone ko..
Grabe, parang totoo ang mga pagkagawa nila. As in kuhang- kuha pa nila ang perma ni Kuya at Jasmine. Pati na rin ni Tito. At may stamp pa sila ng NSO para ma authenticate ha. Ang galing!
Ito pala ang sinasabi nilang school of undergrad? Kaya ang daming nakalusot dahil sa mga fake na ID at certificate.
Ibinigay ko kay Kuya ang fake certificate nila at ang original? Pinunit ko at itinapon sa basurahan.
- --------End of flashback--------
"Totoo ba 'yon, Nicole?" masayang tanong ni Kuya at niyakap ako.
"Thank you, Nicole. Thank you," Naiiyak na siya dahil sa saya.
Kring!
Kring!
Kumalas ako sa yakap ni Kuya at sinagot ang tawag ni Ate Lenny. Biglang nanlamig ang buong katawan ko.
"Kuya si Ate Jane! S-Si Ate Jane nasa hospital,".naiiyak na sabi ko. Mabilis na kaming tumakbo ni Kuya papunta sa kotse.
Nagpa-panic na siya at mabilis na nagda-drive samantalang ako tahimik na umiiyak dito sa likod ng kotsem ayokong sabihin muna kay Kuya..
Paano ko mabibigyan ng happy ending ang dalawa? Kung ang pagkakarinig ko sa sinabi ni Ate Lenny kanina ay patay na si Ate Jane?

A/N;
Kung mali po.ang snbi ko about sa pagpa legalize o process ng marriage contract..yaan nyo na ..sa mundo nina karl at jane ganon un...hehe peace..

Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon