Accidentally Married to Mr. Famous
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 22
"O, bessy, kain ka na ng dinner. Tapos na kaming kumain," pagkapasok ko sa cottage, busy ang dalawa sa kakalaro sa laptop nila.
'Di man lang ba ako tatanungin ng mga ito kung saan ako galing? Mag-aalas diyes na kasi. Ang akala ko pa naman,
tatawagan o hanapin nila ako.
"Bessy, mabuti na lang, alam mo pa ang daan pauwi, noh? Gabi na kasi. Kung saan-saan ka pa nagpupunta," pero ang mata ni Lenny ay nasa laptop pa rin. Busy sa paglalaro ng plants versus zombies.
Hinayaan ko na lang sila. Alam naman palang mahina ang sense of direction ko, hindi man lang ako hinanap ng mga ito. Pagkatapos kong kumain ay natulog na ako. Sobra akong napagod!
Alas sais na ng umaga nang magising ako. Ang dalawa? Ayun, tulog pa. Masyadong napuyat kagabi dahil sa kaka internet. Si Nicole, naglalaro ng COC. Si Lenny naman, nanood pa ng korean movies.
Magkatabi sila sa iisang kama kasi dalawa lang ang kama nitong cottage. Solo ko naman ang isang kama para raw kapag pumunta si Karl ay sa akin ito tatabi. Kung anu-ano ang iniisip ng mga ito.
Nag-order ako ng breakfast ko. Bahala ang dalawang 'yan mag- order ng para sa kanila.
Mayamaya pa ay nandiyan na ang pagkain.
Java rice, tocino, omelette at coffee. Hindi ako sanay na tinapay lang kada umaga. Dapat may rice talaga.
Magkakape nga lang ako sa labas. May small terrace naman ang cottage na ito kaya masarap kumain dito sa labas. Nakikita ko ang malawak na dagat. Ang ganda ng view!
Lintik na view na 'yan! Ang aga, aga. Paglabas ko kasi sa terrace, sakto namang nandito pa talaga sa harap ng cottage namin nagso-shooting sina Karl, ha.
Wow, coincidence?
Masyado naman yatang mapait yang lintik na coincidence na 'yan! Napatingin siya sa akin. Ako naman, kunyari wala lang akong nakita. Dedma dedmahan lang ang peg.
In fairness, ang sarap ng food kahit simple lang ay iba ang lasa. Ang tocino, malasa tapos ang itlog na 'to ay parang malinamnam. Ay ewan, tama na nga 'yang pagdescribe ng pagkain.
Wala, e. Pagkain na lang ang pinagtuunan ko ng pansin. Alangan naman itong mga nasa harapan ko?
" Cut!" Hindi ko na kailangang hulaan kung sino ang sumigaw ng cut. Malamang, director.
"Okay. Iyong scene naman ay iiyak ka Roxanne kasi iiwan ka ni Karl..." paliwanag ng director.
"Sana nga talagang iwan na 'yan ng tuluyan," bulong ko habang kumakain.
"Cut! Ano ba, Roxanne? Damihan mo naman ang luha mo. Heavy drama nga 'to, gurl. Damdamin mo..." hahaha bakla pala ang director na 'to.
"Kayong mga cameramen. Ayusin niyo 'yang trabaho ninyo!' Sita pa niya sa dalawang cameramen na nag-uusap.
Tapos 'yong makeup artist ni Roxanne, todo naman sa pagretouch sa kaniya. Sus, kaya pala sila gumaganda, e ang kapal kapal ng makeup. Pero kapag nasa tv na, parang wala lang. Hindi mo mahahalata ang makeup nila.
"Next scene, maghalikan kayo. Iyong ramdam niyo ang pagmamahal pero may sakit kasi iiwan niyo na ang isa't isa..." lahat sila napatingin sa akin. Paano, sinipa ko ang upuang nasa harapan ko.
"Lintik na... bakit may pusa rito?" reklamo ko tapos kunwari hinahanap ko ang pusa sa ilalim ng mesa kaya bumalik na sila sa pagso-shooting ulit.
Letse na kiss, kiss na 'yan!
Tiningnan ko ng masama si Karl. Iyong tipong: " Subukan mo lang! " Wala na talaga! Sira na ang umaga ko.
"Puwede bang i-skip na lang natin 'yang kissing scene na 'yan?" naiinis na sabi niya. Mabuti naman at na gets niya ang ibig kong sabihin. Kagabi, may paselos-selos pa siyang nalalaman.
"Hindi puwede, darling, dahil iyon ang magbibigay ng kulay sa story natin. Last scene mo na kasi ito. Mamamatay ka na next scene, 'di ba?"
Aba, naglandi pa ang bakla! Pasimple pa pero nakahawak sa braso ng asawa ko sabay pisil.
"Ay, direk, may next scene pa pala si Karl? Puwede po bang sumali sa movie niyo? Ako na lang po ang papatay sa kaniya kung puwede?" napangiwi si Karl sa sinabi ko. Isang kiss lang, talagang papatayin ko 'to pag-umuwi kami sa Maynila.
Napataas ang kilay ng bakla pero hindi ako pinansin. Aba, dedma ang beauty ko. Baka iniisip na bystander lang ako. Asawa ko kaya 'yang nilalandi nila.
"Alam mo namang hindi ako tumatanggap ng ganiyang scene direk. Wala sa contract 'yan.
Isa pa, guest lang naman ako rito sa movie. Kung ayaw niyo, magba-backout na lang ako..." 'Yong role kasi dito ni Karl ay ex ni Roxanne na namatay dahil sa car accident daw sabi ni Nicole.
"Huh? Naku, 'wag. Kukuha na lang tayo ng ka-double mo.. ." natarantang sabi ng bakla. Malakas ang hatak ni Karl sa mga viewers kahit na guest lang siya sa mga pelikula.
"Morning, Ate. O-order din kami ng food," bati ni Nicole. Nasa likuran niya si Lenny. Gsing na pala ang dalawang ito.
"Wow, dito pala ang shooting nila. Tara, nood tayo, bessy..." masayang sabi ni Lenny.
"Okay, guys? Tapos na tayo rito. Ang pagkamatay ni Karl, bukas na lang. Sa kalsada kasi iyon..." sabay palakpak ng bakla. May banggaan ba ng sasakyan na nasa himpapawid o sa dagat? Kailangang sabihin na sa kalsada talaga?
"Next scene, doon naman tayo sa dagat. Roxanne at Selena? Mag two piece na kayo. Doon ninyo makikilala si Leo. Kunyari, malulunod ka Roxanne tapos sagipin ka niya. Nabasa niyo naman siguro ang script, 'di ba?" tapos nagsiligpit na sila para pumunta sa tabing-dagat.
"Hmp! Direk? Puwede ako na lang ang maglulunod sa dalawang 'yan?" Pagbo-boluntaryo ni Nicole. Hahaha! Meanie rin ito.
"Ano ba'ng problema niyong dalawa, ha?" nakapamewang na tanong ng director sa amin. Lahat ng mga staffs nila, nakatingin na sa amin. Pati sina Leo at Karl.
"Ahm, direk, pasensiya ka na. Gusto lang kasi nitong dalawang kaibigan ko na maging extra sa pelikula niyo," to the rescue si Bessy sa amin. Ang mukha kasi ni Nicole ay parang super sayan sa dragonball. Nakatayo na ang mga buhok.
Umalis na ang mga ito. Hindi na kami lumabas. Wala ako sa mood. Gano'n din si Nicole dahil baka makasalubong na naman niya ang mga hayop na 'yon!
"Bessy? Na upload mo na ang pictures natin kahapon? I-tag mo sa akin. Ang ganda pa naman ng view. Painggitin natin sina Marivic," na ang tinutukoy niya ay 'yong tatlo naming kaklase.
"Ay, oo nga, Ate Jane. Hehehe! Sa akin din. Ang ganda pa naman ng kuha natin doon," segunda naman ni Nicole.
Ang galing nila. Makapagsalita ng " natin" as if na kasama ako sa photos. Tigapicture lang nila ako kahapon. Kung hindi ko pa nakita si Twilight, 'di pa ako magkaroon ng remembrance sa lugar na ito.
"Wala. Wala ako sa mood mag- upload," tipid na sagot ko tapos naupo sa sofa. Manood na lang ako ng tv. Tutal, mag-aalas tres na naman ng hapon.
"Huh? Bakit wala?" Sabay na sigaw ng dalawa. Wala na bang magandang puwedeng mangyari sa buhay ko kapag kasama ko ang dalawang ito? Bakit nagkaroon ako ng kaibigan na ganito? Sa akin na nga ang camera pero halos lahat ng photos ay sa kanila tapos 'pag hindi ko ma-upload, sila pa ang galit?
"O, ayan ang cam. Kayo ang mag- upload!" Ayun, busy na sila sa pag facebook. Ako naman ay nanood lang ng tv.
"Bessy, Nicole? Gala tayo, nakakainip dito! Sayang naman ang bakasyon natin kung hindi natin ma-enjoy," yaya ni lenny na sinasara ang laptop.
" Oo nga, Ate Jane. Tara, labas tayo sa resort para hindi natin makasalubong dito sina Leo at Kuya. May nakita akong stall ng mga bleng bleng doon sa daanan malapit lang dito," tuwang tuwa na sabi ni Nicole.
"Kayo na lang. Matulog na lang ako rito,"
nakakapagod gumala. Bukas na lang ako gagala. Gusto ko rin magpahinga.
"Tayo na lang, Nicole. Kung sabagay, maglabing-labing pa 'yan sila mamaya rito ni Karl. Hehehe! Give time rin sa kanila," si Bessy, kinikilig.
"Ano'ng sabi mo? Hindi kaya! Tara na nga! Kung anu-ano pa ang sinasabi mo. Saan tayo gagala?" kapag itong dalawa ang kasama ko, mabi-buwesit talaga ako!
Nagpahatid kami sa tricycle driver tapos naglakad lakad sa sinabi nila na mga stalls.
BINABASA MO ANG
Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom)
HumorPara sa short film lang naman ang pinunta ni Jane sa simbahan kaya siya naka-wedding gown pero hindi niya akalain na sa lahat ng babae, siya pa ang aksidenteng pinakasalan ni Karl Montenegro. Sikat, mayaman at higit sa lahat ay may-ari ng Westbridge...