41

1.6K 40 0
                                    


BATI na kami ni Karl kaya end of our silent war na. Wala, eh. Napilitan ako. Mas pipiliin kong lunukin na lang ang pride ko kaysa mabitin.

Mag-aalas-siyete na ng umaga pero wala pa rin si Mang Kanor. 8:00 AM pa naman ang pasok ko pero minsan kasi sobrang traffic.

Tinawagan ko na si Mang Kanor dahil sa pag-aalala. “Hello, Mang Kanor? Saan na po kayo?”

“Pasensiya na po, Ma’am Jane. Medyo traffic lang po dito. Malapit na po ako,” paghingi niya ng paumanhin.

“Gano’n po ba? Sige. Goodbye na po. Ingat sa biyahe,” paalam ko sa kanya.

Baka mamaya kung ano pa ang mangyari sa kanya dahil sa pagmamadali. Bawal gumamit ng cell phone habang nagmamaneho. Ang dami ng naaksidente sa ganyang ugali ng mga tao.

Ayoko namang sumabay kay Karl dahi ayoko na ngang ma-issue.

“Wala pa ba si Mang Kanor, hon?” tanong ni Karl habang inaayos ang butones ng polo at pababa ng hagdan.

’Wag na lang kaya akong pumasok? Hindi pala puwede, may long quiz kami sa first subject ko. Sayang naman. Ipapasa ko pa ’yong ne-research ko kahapon sa library.

“Puwede ring ’wag na tayong pumasok ngayon,” sabi ni Karl habang ngingiti-ngiti.

“Ano ba’ng sinasabi mo riyan?” tanong ko sa kanya.

“Kanina ka pa kasi nakatulala na parang gusto mo na akong kainin. Kung sabagay, sabi mo nga kagabi, yummy ako!” pang-aasar niya. Tumawa pa ito nang malakas.

“Heh! ’Wag mo nga akong buwisitin dahil ’pag nabuwisit ako sa ’yo, Karl Montenegro, hindi talaga kita papansinin!” kunwaring galit na sabi ko.

“Okay, hindi na. Alam ko naman na seryoso ka kapag makikipag-silent war ka. Ang hirap mong suyuin,” sabi nito at napakamot pa sa batok niya.

“Mabuti alam mo!” Alam ko naman kasi na hindi siya titigil hanggang hindi kami magkakaayos. Mahal kaya ako ng asawa ko pero inaabuso ko naman yata ’yon.

“Wala pa pala si Mang Kanor. Sige, sasabay na lang ako sa ’yo,” sabi niya at naupo sa tabi ko.

“Huh? May sasakyan ka naman, ah. ’Wag ka nang makisabay,” pagtanggi ko. Kung ano-ano na naman ang naiisipan nito. Hindi por que okay na kami ay aabusuhin na niya ang kabaitan ko.

Narinig ko na ang busina ng sasakyan ni Mang Kanor.

“Wala ’yong kotse ko. Kinuha ni Leo kanina habang tulog ka pa. So, let’s go?” yaya niya sa akin. Asar!

Wala na akong nagawa kaya heto, magkasabay kami papasok.

“Mang Kanor, dito n’yo na lang po ako ibaba sa 7-eleven,” pakiusap ko nang malapit na kami na kami sa school. Tutal, late na rin naman ako, dito na lang ako baba. Nag-text na rin kasi si Lenny na dumating na raw ang prof pero nag-CR muna.

“No, doon mo na lang siya ibaba sa school. Masyado na siyang late,” sabat ni Karl.

Tiningnan ko siya nang masama pero patay malisya lang ang loko.

’Ayun, nagbangayan na kaming dalawa kung saan ako bababa. Walang pinanigan sa amin si Mang Kanor. Sa bandang huli, hindi itinigil ni Mang Kanor ang sasakyan dahil isesesante raw siya ni Karl kapag ibinaba ako. Kaya nagalit na naman ako.

Nang makarating kami sa labas ng school, as usual, marami pa ring mga estudyanteng nakatambay. Dati sa labas ako ng gate bumababa pero dahil kasama ko ’tong asawa ko, pinasok ni Mang Kanor ang sasakyan.

Malapit sa open field ang parking. May ilang mga bench din na malapit na parking na tinatambayan ng students. Tanaw rin ng mga nasa second, third, at fourth floor ang parking kapag tumingin sila sa baba.

Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon