46

1.4K 42 1
                                    


Accidentally Married to Mr. Famous

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 46

Ilang oras ng nakaalis ang totoong asawa ni Karl.
Heto pa rin ako sa kuwarto, nagliligpit ng gamit habang yumutulo ang mga luha. Wala na yatang katapusan itong mga luha ko e.
Dati si Darwin, ngayon naman si Karl. Si Karl na mas minahal ko. Si Karl na mas nagtiwala ako. Si Karl na nagpasaya sa akin. Si Karl na akala ko ay totoong tao.
Nakita ko ang box sa mesa. Ang box na muntik ko nang buksan noon kaso nakatulog ako. Kinuha ko ito at naupo sa kama. Napaiyak ako lalo sa nakita ko. Tama nga ang nasa panaginip ko noon.
Ahas nga ang laman nito. Mga ahas na buhay at nakakapagsalita. Mas napahikbi ako sa nakita ko. Si Karl at ang babae. Ang saya-saya nila inaakbayan nito si Jasmine.
Nakikita ko ang saya sa mga mukha nila lalo na ni Karl. Nasa gitna silang dalawa. Sa tabi ni Karl si Nicole at sa tabi ni Jasmine ay ang isang matanda. Siguro ito ang judge na nagkasal sa kanila at itinaas pa nila ang dalawang kamay na may wedding ring.
Bakit ganito? Wala naman akong ginawang masama? Wala namang masama na magmahal ng taong gusto mo. Bakit niloko nila ako? Wala naman akong kasalanan sa kanila.
"Hon? Ano'ng nangyari? Bakit ka umiiyak?" nagtatakang tanong ni k
Karl nang buksan niya ang pinto.
"Hon? What's wrong?" Dali-dali itong lumapit sa akin.
*slap* kaliwang pisngi
*slap* kanang pisngi..
Nagulat siya sa ginawa ko.
"Totoo ba ang nasa picture na 'to?Totoo ba ang mga sinabi ng babaeng iyon kanina? T-Totoo ba?" mahinahon kong tanong at ipinakita ang picture sa kanya.
"Please, Karl, aminin mo sa akin na hindi totoo na biro lang ang lahat. Please, hindi ito totoo, 'di ba? Hindi mo ako niloloko, 'di ba? Ako naman talaga ang asawa mo, 'di ba? Ako lang ang... A-Ang asawa mo, 'di ba? Paniwalaan naman kita e," todo iyak na sabi ko.
"I-I'm sorry," mahina at nakayuko niyang sabi. Sa sagot niya, napaupo ako sa kama dahil hindi ako makapaniwala.
I'm sorry? Ibig sabihin, totoo ang nalaman ko? Matagal na akong niloloko ng asawa ko?
"Bakit Karl? Bakit mo ginawa sa 'kin 'to?" Akala ko, ubos na ang mga luha ko pero heto, mas lalo pa yatang dumami ngayong nasa harap ko na ang taong mahal ko pero niloko lang ako.
"Nagtiwala ako sa 'yo, Kar! Minahal kita! T-Totoong minahal kita! B-Bakit mo ako niloko? B-Bakit?" Tinapon ko ang mga pictures sa kaniya. Tumayo ako at pinaghahampas siya.
"B-Bakit ikaw pa? B-Bakit ikaw pa ang n-nanloko sa akin?" Tuloy lang ang paghampas ko sa dibdiba niya. Nakatayo lang siya at hinahayaan ako sa ginagawa ko. Alam kong nasasaktan na rin siya pero wala 'yan sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Bakit mo n-nagawa sa akin to, Karl? W-Wala naman akong kasalanan sa inyo ni Nicole ah! A-Akala ko mahal mo rin ako? A-Akala ko totoo kang tao? A-Akala ko iba ka! Iyon pala ay mas masahol ka pa sa kanila! " Napaupo ako sa kama at napasandal.
Hinang-hina na ako. Physically at emotionally, pagod na ako. Sana sinuntok na lang niya ako, mas makakaya ko pa 'yon.
"H-Hindi ko g-ginusto, hon, maniwala ka. M-Mahal kita at alam mo 'yon," Umiyak na rin siya.
"Hindi ginusto? Putang ina mo, Karl! Gago ka pala e! Una pa lang, alam mo na tapos ngayon sabihin mo na hindi mo ginusto? Fuck shit lang, noh?" Talagang mumurahin ko 'to! Kulang pa 'yan sa ginawa niyang panloloko!
"Alam kong m-mali ako. A-Alam kong kasalanan ko pero t-tinago ko lang iyon ay dahil ayokong mawala ka. S-Siguro selfish ako. Sarili ko lang ang iniisip ko pero Jane, lahat ng sinabi at pinakita ko sa iyo ay totoo."  Lumapit siya sa akin at hahawakan sana ang kamay ko pero tinabig ko..
"Huwag mo akong hawakan, Karl! Galit ako sa 'yo! Hinding-hindi kita mapapatawad, tandaan mo yan!" Pinahid ko ang mga luha ko. Tumayo ako at naglakad papunta sa cabinet. Aalis na ako sa bahay na 'to!
Para ano pa na mag-stay ako? Noon pa man ay wala na akong karapatan. Nakikitira lang pala ako sa isang bahay ng mga sinungaling na tao!
"Honey, ayusin natin 'to. Inaayos ko naman ang annulment e. Hon, please." Nakabuntot siya sa likod ko pero tahimik na inililigpit ko ang nga damit at inilagay sa maleta.
"H-Hon, please, 'wag mo a-akong iwan, p-parang awa mo na.." Siya naman ngayon ang umiiyak. Habang nilalagay ko ang damit sa maleta ay kinukuha naman niya at itapon sa sahig.
"Please, l-lahat gagawin ko Jane, u-utang na loob, p-parang awa mo na, aayusin ko ang g-gusot, 'wag ka lang umalis. H-Hindi ko talaga kaya. Honey naman."
Tuloy lang ako sa ginagawa ko, gano'n din siya. Ako naglalagay ng damit sa maleta, siya naman tigakuha at tapon sa sahig.
"Tama na, Karl, puwede ba? Hayaan mo na ako. At utang na loob din, paano ko maayos ang damit ko nito?" Naubos na niya kuha ang mga damit ko at kung saan-saan itinapon..
"Please Jane, h-huwag kang umalis. M-Maayos natin 'to, magtiwala ka lang. P-Parang awa mo na oh." Pinahid niya ang mga luha niya. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking umiiyak sa harap ko. Alam ko nasasaktan din siya pero hindi naman yata na magsama pa kaming dalawa.
"Matagal mo na pala akong niloloko! Kayo ng kapatid mo! Hanggang kailan mo balak sabihin sa akin na isa lang akong kerida? Isa akong mang- aagaw? Karl naman! Sa buong pagsasama natin, akala ko akin ka! H-Hanggang kailan mo b-balak itago?" Nag-umpisa na namang tumulo ang mga luha ko. Pati na rin ang tiyan ko kumikirot na. Siguro dahil wala pa akong kain mula kanina.
"Kung sinabi ko ba sa 'yo noon, hindi mo ba ako iiwan?" Mahina at nakayukong tanong niya.
Hindi ko masagot ang simpleng tanong niya. Kung noon ko pa nalaman iiwan ko ba siya? O hayaan ang sarili ko na maging kabit lang niya?
Malamang iiwan ko nga siya dahil hindi ako ganoong klaseng babae. Hindi ko pinangarap na maging kabit. Hindi ako isang bata na marunong mang-agaw ng laruan ng ibang kalaro.
Kahit mahal ko pa si Karl ay handa akong magparaya dahil iyon ang dapat at tama. Kung pagmamay-ari na siya ng iba, bakit aagawin ko pa?Maaring masakit pero alam kong makakaya ko at makaka-move on ako.
Matagal nga lang. Ayokong mamuhay sa mundo ng may kaaway. Takot ako sa karma. Higit sa lahat, takot ako sa Diyos.
"Iiwan mo rin ako, di ba? Kaya hindi ko sinabi ay gusto ko munang ayusin. Pinagsisisihan ko na nagpakasal ako sa kaniya. Oo, aaminin ko, minahal ko siya noon. Noong hindi pa kita nakilala." Tapos niyakap niya ako.
"I'm sorry, I'm really sorry. I know it's hard for you but please, don't leave me. I need you, honey. P-Parang awa mo na, 'wag mo akong iwan."  Iyak pa rin siya nang iyak. Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit. Gusto kong tumakas na kami sa mundong ito pero hindi puwede dahil hindi siya sa akin at dapat lang na isauli ko na sa totoong nagmamay-ari.
Para akong kandila na unti-unting nauubos. Nanlalambot ang tuhod at naninikip ang dibdib ko. Lalo pa at yakap ako ni Karl, ng taong minahal ko pero sinaktan lang ako.
Everything went black
Paggising ko, puro puti ang nakikita ko. Alam kong nasa hospital ako dahil na rin sa amoy gamot.
"Thanks God, you're awake!" masayang sabi ni Karl. May naka kabit na IV fluid sa akin. Umaga na pala. Ang tagal kong nakatulog.
"Hon, stop that--hey, don't pull, honey," nataranta niyang sabi ng pilit kong tinatanggal ito. Galit ko siyang tiningnan. Akala nito nakalimutan ko na ang ginawa niya? Ang mga kasinungalingan niya?
"Good morning! Oh, 'wag mong tanggalin yang IV fluid mo." Pigil din ng doctor sa akin. Medyo kumalma na ako kahit papa'no. Nakakahiya naman na mag-wild ako sa harap nila..
"Tita, how is she?" nag-aalalang tanong ni Karl.
"Oh, she's fine. Ingat lang tayo. Bawal sa kaniya ang umiyak, mapagod at magtrabaho ng sobra. Mabuti na nga lang at medyo malakas ang kapit ng baby ninyo," nakangiti niyang sabi..
"Baby/Baby?" sabay naming sabi ni Karl..
"Don't tell me, hindi ninyo alam? She's pregnant. Three month's pregnant, Karl," sabi nitong tita niyang doctor...
"HONEY!' sigaw ni Karl.
Everything went black again.

A/N;
Hala nakalimutan ko...hindi pala ganito ka drama ang story na to PROMISE....sorry naman..hehehe peace yow...

Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon