54

1.8K 34 0
                                    


Accidentally Married to Mr. Famous

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 54

[Third person's Pov]
Hindi na siya nagtanong pa kay nicole basta nong marinig niya lang na nasa hospital si jane ay agad na siyang tumakbo papunta sa kotse niya...
Gusto niyang magsaya at matuwa dahil kahit papano ay nakatulong ng malaki si nicole sa kanila ni jane..bakit ba kasi siya nagpadalos dalos noon sana inisip niya muna ng ilang beses bago magpakasal kay jasmine...
"Shiit!!!!nicole ano daw ba ang nangyari kay ate jane mo?" mabilis na pinapatakbo ni karl ang sasakyan.. kung pwede niya lang liparin ang hospital ay ginawa na niya.
"Hindi ko po huhuhu alam kuya." sinulyapan siya nito sa rearview mirror..hindi siya makatingin ng diretso sa binata at hindi rin siya mapakali halatang balisa kaya alam ni karl na nagsisinungaling ito..
"Damn!!!nicole SABIHIN MOOOO..anong nangyari sa asawa ko bakit nasa hospital SYA!!!"... sigaw ni karl sakanya tapos biglang inihinto ang sasakyan...
Nagulat ang dalaga sa naging reaksyon ng kapatid.
"Ahmmm..kwan..kuya. ..huhuhu nag suicide daw si ate jane huhuhu..bilisan mo na po ang pagdadrive please" nag uunahan ng pumatak ang nga luha ni nicole na kanina pa niya pinipigilan..
"Shiiiit!!!!!". mabilis na pinaandar nito ang sasakyan at pinaharurot na ang pagmamaneho.
"Tawagan mo si dad oli...sabihin mo na na nasa hospital ang asawa ko" sabay tapon nito ng cellphone sa kapatid..
Sa nanginginig na kamay ay tinawagan niya ang ama.
"Pa....papunta na daw...huhuhu si dad kuya malapit na daw po...huhuhu" patuloy parin ang iyak ni nicole...
Alam niya ang totoong kalagayan ng ate niya jane...alam niyang wala na ito...paano niya sasabihin sa kuya niya ang totoo?..
Sige lang sa pag maneho si karl...sobrang kinakabahan siya dahil alam niyang seryoso na ang mga nangyayari..alam niyang sa point ng buhay niya ay ngayon lang naging seryoso ng sobra ang kapatid..
101% siyang sigurado na hindi ito nagsisinungaling..
"God please parang awa mo na iligtas mo ang mag ina ko.." panalangin niya habang nagdadrive.
Patakbo silang magkapatid na pumasok sa hospital.
"Kuya dito" nauna ng tumakbo si nicole.nakita kasi nila ang daddy nila na pumasok sa isang room. nauna lang ito ng konti sa kanila..
Pagbukas ng pinto ay nakita nilang nakaupo si lenny sa silya at nakataas ang paa..ang tsinelas nito ay nasa baba...yakap na yakap nito ang tuhod
.si mommy naman nila ay namumugto ang mga mata...tapos si daddy nila ay nakaupo sa silya..tahimik lang na nakatingin kay karl...
"Na...nasaan ang asawa ko mom".... kinakabahan na sabi niya habang tinitingnan ang hospital bed...isang puting kumot ang nasa kama at halatang may tinatakpan na katawan ng tao.
"Natutulog ba si jane mom?..a..ayaw po ba niyang pa estorbo?galit pa po ba siya sa akin?"... pilit niyang kinakalma ang sarili pero nag uumpisa ng pumatak ang mga luha niya...
Nakita niyang iyak ng iyak si nicole..napaupo na ito sa may pintuan at napahikbi...
"Sige mom..labas po muna tayo...ayaw pa estorbo si honey...baka magalit ang baby namin.ayaw po kasi niya ng maraming tao habang natutulog" ..tahimik silang lahat sa kwarto at mga hikbi ang naririnig lalo na kay nicole..
"Kuya!". pinigilan siya ni nicole sa braso...lalabas na sana ito.pilit niyang iniisip na natutulog lang ang asawa.
"Kuya!!!huhuhu gisingin po natin si ate jane...baka makasama huhuhu sa kanila ni baby ang sobrang tulog...huhuhu...bawal yon e".. pilit siyang ngumiti sa kuya niya...nagbibigay ng assurance na okey lang ang lahat..
Lumapit ang magkapatid sa kama samantalang tahimik lang na umiiyak ang dalawang babae sa gilid at nakatulala parang hindi sila nag eexist sa mundo...yong tipong nauna na silang tumakas sa realidad...
Si nicole na ang dahan dahang nagbaba sa kumot..umaasang natutulog lang ang ate jane niya o di kaya ay iba ang bangkay na makikita...
Nang buksan nila ang nakatakip ay tumampad sa kanila ang mukha ni jane nakapikit ang mga mata...ang putla putla na nito at nangingitim na rin ang labi.....
"Ate!"... mahina niyang sambit at napaupo sa sahig.iyak ngbiyak..
"Hon...ney?gising na...uwi na tayo...diba ayaw mo dito sa hospital?..sabi mo mas lalo kayong magkakasakit ni baby kapag magpapa checkup kayo"... pilit na pinapalakas ni karl ang sarili...
"Pagod kaba hon???pasensya kana ha...nitong mga nakaraang araw masyado ko kayong binigyan ng problema ni...ni...be....baby"... tumulo na rin ang mga luha niya...
"Mom,dad?nicole lenny tara labas muna tayo...ayaw...ayaw..ng asawa ko ang maingay...iluluto ko muna siya ng sinigang na hipon..." naglakad siya papunta sa pinto...
"Karl?...hijo-------"
"I said labas tayo mom!!!!ayaw ng asawa ko ang maingay!!!!"... binuksan niya ang pinto.
"Kuya!!!!" tumakbo si nicole at niyakap siya...
"Kuya huhuhu...si ate jane wala na...wala na si ate jane huhuhu".. sambit nito na umiiyak habang niyayakap ang kuya mula sa likuran...
Kumawala na ito kay nicole at agad na tumakbo sa asawa...
"Hon...honey..gising na...iuuwi ko na kayo ng anak natin" niyuyogyog na nito ang asawa pero hindi parin ito nagigising...
"Putang ina naman jane..gumising ka!!!!!ano ba..gising kayo ni baby uuwi na tayo.." ...hinawakan nito ang kamay ng asawa...
"Honey...please....may good news ako sayo...hindi totoo ang kasal namin ni jasmine...magkakaroon na tayo ng happy ending diba yon ang gusto mo?honey?". kinuha niya ang panyo sa bulsa niya at pinahidan ang mga luha...
Buong buhay niya naging matapang siya...buong buhay niya lahat ng problema ay kinakaya niya..hindi niya ipinapakita na mahina siya..kahit noong iniwan siya ng pinakamamahal niya sa oras mismo ng kasal niya ay naging kalmado siya..
Pero sa mga oras na to...ngayon niya lang to ginawa..ang umiyak at magpakita ng kahinaan sa harap ng pamilya at lalong lalo na ng mga magulang niya...
"Hon...gising na please wag naman kayo ni baby na magbiro ng ganyan..hanapan ko kayo ng hipon..maraming maraming hipon..lagi na akong nandyan sa tabi mo...magagawa na natin ang request ni baby.." iyak parin siya ng iyak..kapag kasi gising si jane ay agad itong magmulat dahil kabisado niya ang pag uugali ng asawa pero ngayon iba...hindi manlang ito nagmulat...
"Ano gusto mo hon???kamoteng kahoy pa?...please gising na kayo ni baby..parang awa nyo na oh!!!".... niyakap na nito ang asawa pero kahit anong gawin niya ay nakapikit parin ito...
"Mahal..kita...mahal na mahal kita jane...kayo ng baby ko...mahal ko kayo...alam mo yon,.kayo lang ang kasiyahan at buhay ko.."... niyakap siya ng kapatid.pati na rin si daddy at mommy niya ay lumapit din sa kanya.
si lenny naman ay umiiyak din sa nakikita niyang reaksyon ng asawa ng kaibigan...kahit ganito ka pasaway silang mag bestfriend ay may totoong nagmamahal din sa bessy niya at napaka swerte nito kay karl...
Naupo na sila...si karl ay naupo sa sahig..iyak pa rin ng iyak.hanggang ngayon ay hindi matanggap ang nangyari sa mag ina niya....
"Ugggghh...." sinuntok nito ang isang machine sa gilid ng kama..pati oxygen tank ay sinipa niya.
"Bakit???bakit jane????" ...sigaw niya habang patuloy sa pagtatapon ng mga gamit...
Akala ba niya gusto nito na maging masaya?paano niya matutupad ang pangakong magkakaroon sila ng isang napaka masayang pamilya kung ito mismo ang kusang sumuko.
"Bakit nyo nagawa sakin to hon???bakit nyo ako iniwan ni baby?..." nakita niyang lumabas ang mommy niya siguro hindi na nito kayang makita siya na nagkakaganyan...hindi kasi sanay ang pamilya niya na nagkakaganito siya.
"Honey please..diba sabi gagawa pa tayo ng maraming baby?please naman oh...nagmamakaawa ako sayo...hindi ko kaya..hindi ko talaga kaya hon..God please ibalik mo na ang mag ina ko.." ...umaasa patin siya na gigising si jane at babangon..
Mula ng makilala niya ang asawa niya ay doon siya naging masaya.
Si jane ang laging nagpapangiti sakanya.si jane ang laging nandyan para sakanya.si jane ang nagturo kung paano e enjoy ang buhay
.si jane ang nagbibigay ng lakas noong namomroblema siya sa kompanya..si jane ang naging inspirasyon niya sa lahat ng bagay pero bakit ngayon ito pa mismo ang kusang bumitaw?hindi ito ang jane na nakilala niya..
.ang totoong jane na minahal niya ay matatag..may paninindigan at higit sa lahat may takot sa Diyos..pero bakit?bakit ganito ang kahinatnan ng buhay nila..
"Hon?okey na e....o...okey na ang lahat?sana konting oras lang...konting oras lang ang hinintay mo.diba sabi ko sayo aayusin ko?diba sabi ko sayo magtiwala kalang sa akin?hon???nagawa ko na...naayos ko na honey...kaya please naman oh gumising kana.uwi na tayo sa bahay ni baby."... lahat ng gamit ay naitapon na niya..nagkakasugat na nga siya sa kamay dahil may mga test tubes din siyang nabasag....
"Excuse me sir..kukunin na po namin ang bangkay." sabi ng dalawang lalaki na kakapasok lang...may dalang stretcher at naka uniform ng Porras funeral homes....

A/N;
ahm..salamat po sa nagbabasa..
Sna po.suportahan niyo parin ang story nato hanggang sa maisulat ko ang salitang End.next update?bukas baka burol na ni jane??????hehehe peace po tayo...abangan nyo nalang po shalamat..

Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon