35

1.6K 36 0
                                    


Accidentally Married to Mr. Famous

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 35

Papunta na kami ngayon ni Mang Kanor sa school. Dahil firstday ngayon ay nagpaganda ako, tapos bago pa ang damit sapatos at bag ko. Siyempre bili ng asawa ko. Magkasama na kami ni Karl sa iisang kwarto. Doon sa kwarto niya. Maaga pa 'yon umalis kanina. Kukunin lang daw niya ang bagong sasakyang regalo ng dad niya.
"Hi, Jane, ganda mo ngayon ah. Malaki ba sahod ng sugar daddy mo?" Pang-aasar ni Aron kasama si Darwin na nakaupo sa upuang nasa gilid ng hallway.
6:45 pa lang. May 15 minutes pa akong magpahinga. Mamaya kasi mga 7 ay may flag ceremony kami tapos assembly na rin kasi opening ng pasukan at ipakilala ang mga bagong guro.
Wala namang bago. Gano'n pa rin
ang mga kaklase ko. Sina Marivic at Gina. May mga ilang nag-stop. Siguro na drop out o financial problem at may mga tranferee rin galing sa ibang Universities.
"Bessy, na miss kita!" Sigaw ni Lenny na patakbong lumapit sa akin. Talagang dito ako sa harapan nina Gwen nakatayo kaya naglakad na lang ako para doon na hintayin sa classroom.
"Bessy, wait! Kmusta ang honeymoon ninyo ng asawa mo?" Talagang sinigaw pa niya kaya napatigil ako.
ang mga estudyante naman lalo na ang barkada nina Gwen at Darwin ay sabay sabay nag napatingin sa amin...
" Eeewwwwwwwww..." sabay-sabay sabay na sabi ng mga estudyanteng nakarinig lalo na ng barkada nina Ryan at Gwen. First day of school, binubuwesit ako ni Lenny..
"Hahaha. Ewww kadiri ka, Jane. Kung sabagay, pera, pera na lang din. Wala na rin namang papatol pa sa 'yo," nandidiri na sabi ni Gwen...
"Nakikipagtalik ka Jane sa amoy lupa? Ar ano 'yon, Lenny? Asawa? Meaning, kasal na siya? Wow, congratz girl! Sa wakas, pinakasalan ka na ng tatay mo." sabi ng isang kaibigan ni Gwen at nagtawanan pa sila. Pati si Darwin nakipagtawa rin.
"Eeeehh bakit? Ano'ng masama? Mag- asawa naman sila at higit sa lahat, mas HOT ang asawa ni Jane kesa diyan sa Darwin na 'yan!" Tinuro pa ni Lenny si Darwin. Bakit ba lagi akong pinapahamak ng kaibigan kong 'to?
"Ano'ng hot ang pinagsasabi mo diyan, Lenny? Kahit ilang milyon pa ang ibigay mo sa akin, hinding-hindi ko 'yan papatulan ang asawa niya. Ewwwww!" pandidiri na sabi ni Gwen. Kapal ng mukha. E wala rin namang pag-asa na papatulan siya ni Karl noh. Daahil akin lang ang asawa ko! Akin lang siya! Kapag may mang agaw, papatayin ko! Char lang.
"Ang arte mo naman, Gwen! Kapag makita mo ang asawa ni Bessy, iiwan mo rin yan si Darwin!" pagmamalaking sabi ni Lenny. Trip talaga nitong makipag-away...
"You wish!" Kampanteng sabi ng bruha. Hinila ko na si Lenny. Wala akong time para makipag-away..ang saya saya ko kaya!
"Okay lang, kahit matanda na ang asawa ko, at least ako?pinapakasalan. Meaning, dapat sineseryoso. Hindi gaya ng iba diyan na tinitikman lang!" sabi ko habang todo ngiti. Bakit ba ako magpapadala sa mga taong to?
As long na happy ako, happy kami ng asawa ko, 'wag dapat paapekto. Hindi naman sila ang nakikisama at naikama kundi ako.
Nakapag-usap na kami ni Bessy na huwag ipaalam kahit kanino na si Karl ang asawa ko. Kahit si Karl nga, pinakiusapan ko rin. Sa una, ayaw niyang pumayag. Bakit ko raw siya kinakahiya?
Hindi naman sa gano'n kaso ayoko lang ng magulong buhay. Tiyak kung anu-ano naman ang sasabihin nila dahil ito ngang si Lenny ay pahirapan pa akong ma-convince, sila pa kaya...
"Hmmmp! Bakit ba kasi kailangan mo pang itago na si Karl ang asawa mo?Ayan tuloy, akala nila si Mang Kanor ang asawa mo." 'Tong isa, excited na sabihin sa lahat na si Karl ang asawa ko...
"Gusto ko ng manahimik. Okay na 'yon. Bhala silang mag-isip basta ako, dedma lang," sabi ko tapos pumunta na kami sa open field. Magpa-flag ceremony na raw.
Ano ba 'yan, tinatamad akong bumaba sa hagdan. Pwede bang excempted ako sa flag ceremony na yan? Kaninang umaga pa kami nagbayang magiliw o lupang hinirang ni Karl e. Hala, erase erase. Bahala na ang hindi maka-gets...
Sa pagkamalas-malas, magkatabi pa ang linya namin nina Gwen..
"Oh, here comes the gold digger." Tapos tawanan na naman sila...
"At least gold, ikaw pang kalawang ka lang," sagot ni Lenny. Ito talagang kaibigan ko, palaban basta't ganyan ang usapan.
"Guys, quiet!" Saway sa amin ni Sir Gomez.
Natapos na ang flag ceremony tapos pakilala na ng mga bagong teachers.
Madami rin pala ang mga baguhan. Ang iba, mga bata pa. Siguro mga fresh grad o fresh board passer ang mga ito.
Lahat kami ay napatingin nang may pumasok na itim na sasakyan sa gate..
"lamborghini aventador. Wow, minsan ka lang makakita nito dito sa Pinas ah. Sobrang mahal niyan, pare!" manghang sabi ng isang estudyante.
Lahat ng estudyante at teachers ay nakatingin sa sasakyan at nag-aabang kung sino ang bababa. Nang bumukas ang front seat ay nagulat kaming lahat.
Dahil ang lumabas ay chaaaaraaaaaan. si Batman? Joke lang. Si Leo talaga ang lumabas tapos sumandal pa sa sasakyan nang maisara at hinihintay na makababa ang sa driver's seat.
"Waaaahhhh. Oh my ghad! Oh my! Si Leo...waaaah!" tili ng mga babae. In fairness, ang hot ni Leo ha. Kung hindi ko lang ito kilala, siguro pati ako kiligin din.
"Shit, girl! Ang hot hot niya. Ang gwapo pala sa personal..." sabi ng kaibigan ni Gwen na parang hindi na makahinga sa sobrang kilig. Sana nga matuluyan na...
"Papa Leo, akin ka na lang!" sigaw ng isa pang babae. Pasalamat ang babaeng 'to, bumalik na sa Amerika si Nicole..
Ayon, lahat ata ng babae kinikilig tapos biglang bumukas ang driver's seat at lumabas si Karl. Geez! Ang hot hot niya. Huhuhu Karl, balik sa bahay, balik sa bahay! Baakit lumabas ka pa? Mai-kadena nga mamaya pag-uwi.
"Waaaah. Mas hot ang nagda-drive, si Karl Montenegro..." sigaw ng isang estudyante. Nag-umpisa na ang bulungan sa paligid.
" Akin ka na lang, Papa Karl. Iuwi kita sa bahay.." Tiningnan ko nga ng masama itong kaibigan ni Gwen. Subukan lang niyang iuwi ang asawa ko!
"Wag, Papa Karl, mataba siya, nakaka highblood. Sa akin ka na lang!" sgaw rin kaibigan niya...
"Naku, Papa karl, hipon 'yan nakaka- allergy!" sigaw pa ng isang kaibigan ni Gwen.
"Back off girls, he's mine."
* smirk* sabi ng bruhang Gwen. Aba, ang kapal ng mukha!
Lahat napatulala at natahimik ng papalapit na sa amin sina Leo at Karl. Habang papalapit, gumaguwapo..
"WAaaah! Bessy, ang swerte mo, ang hot ng ASAWA mo!" sigaw ni Lenny kaya lahat ay napatingin sa amin lalo na ang mga girls.
Nakakahiya! Pesteng Lenny 'to! Bakit ba kung saan natahimik na ang lahat, doon pa siya sumigaw?
"Ambisyosa!" Sabi nila in chorus. Ako pa talaga ang ambisyosa? Kasalanan ko ba kung mas maganda ako sa kanila?
Si Karl naman ay dumiretso sa gitna at in-inform na magsu-supervise siya dito sa school araw-araw.
"Waaaah! Hindi na ako aabsent, promise..." sabi ni Marivic na kaklase namin.
"Ako rin girl, kahit mag-cutting classes, hindi ko na rin gagawin basta makita ko lang siya everyday," nakangiting sabi ni Gina tapos tatalon' talon pa ang dalawa.
"He will be mine!" *smirk* sabi ni Gwen sa mga kaibigan...
"Sorry gurl, bat he's already mine!" *smirk* sabi ng isip ko.

Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon