Accidentally Married to Mr. Famous
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 33
"Hon? Iligpit mo na ang mga gamit mo.
Babalik na tayo sa Maynila," naiinis na sabi ni
Karl. Kakapasok lang niya dahil may
tumawag sa kaniya kanina tapos lumabas
siya.
Parang ayaw niya atang iparinig sa akin kaya
hindi na ako nagtanong pa. Baka isipin pa
nito, na napakatsismosa ko.
"Di ba, bukas pa tayo uuwi?" nagtataka
tanong ko. Sabi kasi niya, four days pa kami
rito.
"Nope. Ahmmm... k-kuwan, tumawag kasi
sila. Nagka problema raw ang isang
company namin don sa Qatar..." paliwanag
niya sa akin pero bakit parang hindi ako
naniniwala?
"Gano'n ba? Sige, ayusin ko na ang mga
gamit natin. Kailan ba ang flight mo?"
malungkot na tanong ko. Ngayon nga lang
kami nagkaayos, tapos aalis pa siya?
"Mamayang gabi na raw. Nakapa-booked na
rin ako sa secretary ko." Tinulungan na niya
akong mag-ayos at inilagay sa maleta ang
ibang damit namin.
"Hon?" malambing na tawag niya sa akin
tapos niyakap ako mula sa likuran ko. Bakit
ang bango-bango niya?
"Hmmmm? Ano 'yon, hon?" Nakangiti kong
sagot tapos humarap sa kaniya.
Ang lagkit ng mga titig niya sa akin.
Grabe lang. Kahit mag-asawa na kami tapos
nag-ano na kami. Bang! Bang! Kinikilig pa
rin ako.
Ang sarap sa pakiramdam!
"I love you," todo ngiti na sabi niya. Kinikilig
talaga ako! Naka- smile ako na ewan. Iyong
tipong gusto kong tumalon pero 'di ko kaya
kasi andiyan sya sa harapan ko.
"Hon? C-CR lang ako," paalam ko sa kanya
pero hinapit niya ako sa bewang. One inch
lang talaga ang layo ng lips namin tapos
nose to nose pa kami.
Mabuti na lang kahit papano, medyo
matangos ang nose ko.
"Hmmm? Ayaw! Dito ka lang, hon..." mahina
niyang sabi tapos inaakit ako. Himatayin
talaga ako kapag hindi ako makapunta sa
CR, promise. Tumawa si Karl. Tawang basta!
Masaya siya.
"Hon? Dito ka na kasi kiligin sa harap ko.
Sige na. Gusto kong makita.." todo ngiti pa
niya tapos ngayon, eye to eye na kami.
Nang-aakit talaga siya!
Pasakit 'to sa akin e. Para akong tinu-
torture. Ngingiti na ako at gusto kong
sumigaw sa sobrang kilig.
"Misis Montenegro? I love you!" Utang na
loob! Ayoko na...ayoko na. Promise. Suko
na ako! Suko na po ako. Mas mabuti pang
magpasampal ako kina Nicole at Lenny.
Napapikit na lang ako at napakagat sa labi.
Hindi ko na kaya tapos umaakto pa itong
hahalikan ako pero hindi naman. Gagong to!
Nabibitin ako!
"Open your eyes, honey." Lalo pa niya akong
hinapit sa bewang tapos naramdaman ko
nang lumapat ang mainit na lips niya sa lips
ko pero di naman gumagalaw.
"Sige na, hon. Kiligin ka na kasi. Sige ka,
baka himatayin ka. Sa hospital ang deretso
natin," Tahimik lang ako. Hindi makagalaw.
Hala, may namatay na ba sa kilig?
"Ey... Ikaw kasi, tinutukso mo pa ako."
Napasandal ako sa dibdib niya. Nahihiya kasi
ako. Gusto kong itago ang mukha ko sa
kanya.
"Ano ba ang ginagawa ko, honey?" Pa-
inosenteng tanong ng loko tapos bahagya
niya akong inilayo sa kaniya at nag-step
backward siya. Mga tatlong hakbang para
makita ako. Alam kong namumula na talaga
ang pinsgi ko.
"Hon? I love you..." nakangiti na naman
niyang sabi. Torture!
"Eh, Karl..." Itinakip ko sa mukha ang
dalawang kong kamay.
"Karl, tama na! Kinikilig ako!" Ayan na. Hindi
ko na napigilan.
"Honey? Para kang high school student.
Tanggalin mo 'yang kamay mo o
maghuhubad ako?" Seryoso ba siya?
Maghuhubad daw oh.
"Maghubad ka. Hindi ko tatanggalin 'to. Sa
nahihiya ako e." Tang'na na Karl 'yan! Babae
ako at nakakahiyang kiligin sa harap ng
crush o mahal ko tapos pinipilit pa ako.
"Talagang maghuhubad ako." Sinilip ko siya.
Siyempre kahit nasa mukha ko ang kamay
ko, puwede naman 'yon sumilip e. Naghubad
nga siya..
"Tatanggalin mo o hindi?" Di ko alam kung
galit siya. Ang sama niya! Ako nga 'tong
dapat magalit e!
Iiling- iling ako. Lahat aypabor sa akin.
Mamaya ko na tanggalin kung mahubad na
lahat.
Wais din to, noh!
"A-Ano'ng g-gagawin mo karl?" Nataranta
kong tanong. Paano kasi, nagbihis na ng
damit. Loko to ah!
"Pag hindi mo 'yan tatanggalin, magbibihis
ako..." nakangisi niyang sabi. Magbibihis
daw? Hindi pwede kaya agad kong tinanggal
ang mga kamay ko.
"Naughty wife!" Naglakad siya palapit sa akin
habang hinuhubad ang damit pero 'di pa
niya inaalis ang mga mata niya sa akin.
Kinakabahan ako na kinikilig?
"Saan ka na naman pupunta?" tanong niya.
Bigla kasi siyang tumakbo papunta sa akin.
"Waah! Karl, sa CR..." gusto ko na talagang
tumalon sa sobrang kilig. Niyakap ko na
lang siya siya. Ohh abs. Madulas kasi
nakahubad siya. Tawa naman siya nang
tawa...
"Masyado pang maaga para umuwi. May two
hours pa tayo," pilyo niyang sabi...
And next scene? RATED SPG.
---------
Pagbalik sa Maynila, sinundo kami ni Mang
Kanor. Inihahatid muna namin si Karl sa
airport.
Ang mga damit na lang niya na galing sa
bakasyon ang dadalhin niya. Tutal, 'di naman
daw siya magtatagal do'n.
Ngingiti-ngiti pa rin ako. Naalala ko naman
kasi ang moment namin kanina. Hindi pa ako
maka-getover.
"Tama ng ngiti 'yan. Kanina ka pa kinikilig
diyan ah?" Sinimangutan ko siya. Ano bang
pakialam niya? Pasalamat nga siya, sa kaniya
ako kinikilig e.
Hayop na kilig kilig 'yan. Kung sino man
'yang letseng kilig na 'yan at 'pag magkita
kami, papatayin ko talaga 'yan! Storbo na
'yan sa buhay ko ah! Malapit na akong
mabaliw dahil sa kaniya! Sabayan pa ng
isang ito!
"Hon? Na-enrol ka na pala ng tauhan ko this
semester. Huwag ka nang pumunta sa
school. Sa bahay ka na lang pumirmi ha.
Tapos palagi kang maglock ng pinto, okay?"
Hinawakan niya ang kanang kamay ko na
nasa lap ko. Nasa right side ko kasi siya.
Medyo traffic dito papunta sa NAIA terminal
3.
"Opo. Ingat ka po roon at goodluck po sa
business mo. Kaya mo 'yan." May tiwala ako
sa kanya. Lahat ng problema sa company
nila ay naso-solved niya. Isa pa, kalmado
siyang tao. Hinawakan niya ako sa
magkabilang pisngi at ngumiti pero bakit
tila parang pilit ang mga ngiti niya? Kanina
ko pa 'to napapansin e.
"Basta tandaan mo, ikaw lang ang asawa ko.
Ikaw lang ang mahal ko at wala ng iba. Kung
may problema man tayo, 'wag na 'wag kang
bumitaw." Bakit bigla akong kinabahan sa
mga sinasabi niya? Ano ba ang ibig nitong
sabihin?
"Ahm Karl? I mean, honey? Bakit? May
problema ba tayo?" Natatakot ako sa
isasagot niya. Baka may problema nga kami.
Hindi ko lang alam.
"Huh? Wala naman. Basta mangako ka lang.
Huwag na huwag mo akong iiwan. Hindi ko
kaya Jane. Mangako ka lang, please, na
nandiyan ka palagi sa tabi ko.." Gusto kong
maiyak dahil alam kong mahal niya ako pero
bakit parang may mali?
"Sige, I promised," nakangiti kong sagot sa
kanya. Marami pa akong dapat atupagin lalo
na ngayong back to school na.
BINABASA MO ANG
Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom)
HumorPara sa short film lang naman ang pinunta ni Jane sa simbahan kaya siya naka-wedding gown pero hindi niya akalain na sa lahat ng babae, siya pa ang aksidenteng pinakasalan ni Karl Montenegro. Sikat, mayaman at higit sa lahat ay may-ari ng Westbridge...