20

1.8K 42 0
                                    


Accidentally Married to Mr. Famous

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 20

------------
Nandito kami ngayon sa isang beach resort. Pumunta kasi ang dalawang 'to sa bahay tapos pinilit ako na sumama. Close na sila. Nag exchanged number pala ang mga ito bago umuwi noong pumunta sila sa bahay.
Kung sabagay, summer naman kaya okay lang. Kaysa magmukmuk ako. Aba, may karapatan din akong maging masaya.
"Wow, white sand. Tapos ang ganda pa ng dagat, ang linis, linis. Mas maganda pa yata 'to kaysa sa Bora, e. " Manghang mangha sina Lenny at Nicole.
"Excuse me, Ma'am Montenegro, dito po ang cottage ninyo... " ginuide kami nitong roomboy pero nagulat ako sa makakasalubong namin.
Si Karl nandito at may babaeng nakasabit sa braso niya.
What a welcome! Ito pala ang sinasabi nilang si Roxanne, ang idol ko noong isang araw pero hindi na ngayon!
"Hmp! Saan ang ganda nito? Naaka two piece pa. Ang itim naman ng singit. Bakit ba naging artista 'to?" naiinis na sabi ni Lenny. Mukhang mas bitter pa yata siya kaysa sa akin.
'Yong totoo? Siya ba ang asawa?Nabalitaan na rin kasi niya ang isyu tungkol dito. Iang araw din kasing naibalita sa radyo at tv. Siyempre, sikat si Roxanne.
Mas maganda lang pala siya sa tv. Hindi hamak na mas maganda ako rito. Hindi sa insecure ako, medyo lang. Pero totoo... telegenic lang siya. Maas maganda pa nga si Nicole rito, e. Kahit si Lenny nalang hehehe..
"Oh, hi, Nicole. Ikaw ang kapatid nitong boyfriend kong si Karl? " napatingin ako sa loko kong asawa. Boyfriend pala, ha.
Pasimpleng kinukuha niya ang nakakapit na kamay ng bruha sa braso niya. Naka white sando at summer shorts ito. In fairness, guwapo siya, ha.
Wala na! Nasira na ang mood ko. Sinasabi ko na nga ba, e. May kalokohan na namang gawin 'tong si Nicole. Ang sabi niya sa akin ay dito rin kami sa Palawan pupunta pero magkaiba daw ang resort. Bakit ba kasi hindi ko naisip na si Leo ang hinahabol nito at magkasama sila ni Karl? Pero okay na rin 'to. At least, kaya kong ipakita kay Karl na balewala lang sa akin ang nangyari.
"Hmp, ang kapal ng mukha, bes, boyfriend daw? " nanggigigil na bulong ni Lenny.
"Ah, oo nga. At ako naman ang fiancee niyang si Leo... " nakabusangot na sagot ni Lenny habang tinitingnan ang isang mestisang babae na nakasabit din kay Leo. Wow, double date sila!
"Oh, hi my dear sister- in- law. Sino 'yang mga kasama mo? " nakipagbeso- beso pa kay Nicole. Si Nicole, tumirik ang mga mata nang makatalikod na sa kaniya si Roxanne. May pagkaplastic din si Nicole, e.
"Sila ba? Siya lang naman po ang ASAWA ni Kuya..." nakalolokong ngiti ang iginawad ni Nicole.
" Ha?? Asawa? Akala ko,wala ba kayo ng asawa mo, Karl?" nagulat ito sa sinabi ni Nicole. So, binata pala ang pagpapakilala niya, ha.
"Nagbibiro lang si Nicole. Ang totoo, ngayon lang kami niyan nagkita ng kuya niya. Maloko talaga ang batang 'yan, hahaha!" Nakatawa kong sabi. Si karl naman, hindi malaman ang gagawin. Naiihi na parang natatae.
"Gano'n ba? Akala ko, may iba na itong boyfriend ko. Tara na, babes..." tapos 'tong si Karl naman, nakasunod lang kay Roxanne.
"Sweetie? Ano'ng sinasabi niyang si Nicole na fiancee mo raw siya?" May himig ng pagtatampong wik nitong kasama ni Leo na ang dibdib, nag-uumapaw sa laki. Sikat ito na retokada queen.
"'Wag kang maniwala diyan, sweetie. Sabi nga ng friend niya, mapagbiro talaga 'yang si Nicole..."at tiningnan ni Leo si Nicole na para bang nagbabanta. Inakbayan na nito ang babae at sumunod kina Karl.
"Ate naman, bakit hindi mo sinabi ang totoo? Asawa mo naman talaga si Kuya, e..." nakapout na sabi ni Nicole.
"Hayaan mo na sila. Gusto niyang i-deny, e di mag-denayan kami..."'yon pala gusto ng Karl na 'yon, harap harapan!
"Hay naku, bessy. Huwag mo nang isipin 'yon. Mag-enjoy nalang tayo. Ang ganda ng view, o!" Tapos binitbit na nito ang dalang maleta papunta sa cottage namin.
Si nicole naman, nagdadabog. Inis na inis kay Leo.
"Ang ganda nitong place, bessy. May camera ka bang dala?" tanong ni Lenny. Mahilig aiyang magselfie tapos i-post agad sa fb. Kapag may bagong gamit, pinopost. Kahit ulam nga, pino-post pa. Kulang nalang, pati 'pag pupu ay magpapa-picture at i-post agad.
"Ate Lenny, may free wifi. Ano ang name mo sa fb? Add kita... " ayun, friends na sila sa fb. Pati ako, gano'n din. Minsan lang naman ako makapag-open ng acct sa fb. Ang dami na ngang friend requests, e. Lalo na 'yong mga bombay o arabo. Kapag may isa ka lang na ma-add sa kanila, sigurado, mayamaya'y isang buong barangay na ang mag-a-add sa 'yo.
Ang iba, magse-send pa 'yan ng mga nude pictures kahit hindi mo naman china-chat.
Nagpahinga muna kami. Aalis daw kami mamaya para gumala-gala kaya natulog muna kami pagkatapos naming kumain.
Mag-a-alas kuwatro na ng hapon nang magising kami..
"Bessy, 'yang camera mo, ha. 'Wag mong kalimutan... " paalala ni Lenny. Pupunta raw muna siya sa CR, magbabawas. Tinatawag daw siya na kalikasan.
"Oo pala Ate Jane, magpicture, picture tayo sa labas. Huwag mong iiwan 'yang camera mo, ha. Wait ko lang po si Ate Lenny, mauna ka na po sa labas," parang bata na sabi ni Nicole.
Naiinip na rin ako kaya naisipan kong maglakad-lakad muna sa labas.
Napaka ganda ng paligid. Sariwa ang hangin at kaunti lang ang mga turista. Ang mahal kasi ng entrance tapos ang mga foods grabe, ang mamahal.
Sabi nila, ang mga mayayaman lang ang maka-afford na pumunta rito. 'Yong high class na mga tao sa bansa.
Mabuti na lang, inilibre kami ni Nicole. Pati pamasahe ay siya rin. Kung sabagay, super rich naman sila. Balewala lang ang gumastos ng ganito kalaki. Napadaan ako sa batuhan. Sobrang ganda naman ng view na nakikita ko ngayon.
Ang asawa ko, nakatayo tapos biglang hinalikan ng lintang babae na 'yon tapos tinulak ng asawa ko.
Halata na hindi nito gusto ang ginawa ng babae tapos napatingin sa gawi ko at nakita ako. Ganiyan kaganda ang view ko ngayong hapon. Sobrang ganda talaga!
"What are you doing here?" tanong niya sa akin habang palapit. Ang mukha niya 'yong parang bata na nahuling nagnakaw ng candy.
"Wala naman. Nag i-enjoy sa view na nakikita ko. Ang ganda kasi. Sooooobrrang ganda! Ang sarap ngang burahin sa mapa..." nakangiti kong sagot. Kunyari, wala akong nakita... Ako na... Ako na ang best actress. Pang Famas award.
Bahala siya! Pero okay na rin. At least hindi ko nakitang nagrespond siya..
"Uy ate, tara na roon sa may batuhan. Ang ganda ng view doon. Picture mo kami ni Ate Lenny, dali!" Hinila na ako ni Nicole. Hindi niya pinansin ang kuya niya. Galit din ito kay Karl.
"Bessy, ang ganda! Doon tayo Oli sa taas ng bato, dali!" Nagtakbuhan na sila paakyat.
"Ate Jane, diyan ka lang po. Kunan mo kami ng picture... " sigaw ni Nicole na patakbo sa taas.
Kuha naman ako nang kuha ng picture nila.
"Picture rin ako. Lenny, ikaw naman dito... " sabi ko kay Bessy. Ang ganda kasi ng kuha ko. Batuhan tapos sa likuran nila ay dagat
Nakikita pa ang island sa gitna.
"Ay, hindi ako marunong niyan, bessy. Ikaw nalang doon, Nicole." Turo niya kay Nicole na abala sa pag sa sight seeing.
"Huh? Hindi rin po ako marunong gumamit niyan, Ate. Baka masira ko pa," tanggi ni Nicole.
"Nicole, doon naman tayo, tapos tampisaw tayo sa tubig... Picture, picture tayo ni Bessy... " nag-uunahan pa ang dalawa sa pagtakbo patungo sa dagat. Ako naman, nakasunod lang sa kanila.
"Uy, hintayin niyo 'ko... " gusto ko rin kasing magtampisaw. Ang sarap kaya maglaro sa tubig.
"Bessy, 'wag... Doon ka lang sa gilid. Ang camera mo, mababasa..." sigaw sa 'kin ni Lenny sabay senyas na bumalik ako.
"Sige, iwan ko na lang doon sa gilid... " tapos bumalik na ako. Naka sukbit kasi sa leeg ko itong camera.
"Huwag bessy, baka mawala. Ang mahal pa naman niyan. Picturan mo na lang kami ni Nicole... " sigaw niya sa akin. Medyo nasa ilalim na part na rin pala sila naliligo.
"Walang hiya ka, Lenny!" Sigaw ko tapos iniwan ko na sila. Gusto ko rin naman maligo, e. Ginawa lang nila akong photographer. Ang hard naman nila sa akin!

A/N:
Ahmmmm..wala na akong maisip e..nyahahaha kaya common situation and common place nalang...total summer vacation naman...alam niyo na siguro ang mga next scene????..hahaha..

Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon