5

2.4K 64 2
                                    


Accidentally Married to Mr. Famous

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 5

One week later...
"Kailan ba balak mong bumalik sa school?
Sabi ng Dean, 'pag hindi ka pa raw papasok
bukas, ida-drop ka na sa klase." Ganito
nalang lagi. Araw-araw akong binibisita ni
Lenny dito sa condo. Bago at pagkatapos
ng klase. Minsan nga, rito na s'ya natutulog.
"Wala akong gana. E di, i-drop nila. Mabuti
nga 'yon. Hindi na ako mag- aaral."
Pagmamaktol ko. Nasa sala kami at
kumakain ng popcorn habang nanonood ng
tv.
"Best naman, e wala na akong kasamang
kumain at mamasyal 'pag free time. Bumalik
ka na kasi!" Kinuha nito ang remote na nasa
ibabaw ng center table.
"Oops... 'Wag mong ilipat. Nanonood ako
ng ASAP," pigil ko sa kan'ya at kinuha ang
pizza. Gano'n ang ginagawa ko araw-araw sa
loob ng isang linggo. Nanonood ng tv
habang nagfo-foodtrip.
"Ano ba 'yan, tara, gala tayo sa mall." Yaya
niya. Alam ko, naiinip na si Lenny. Magala
kasi itong tao. Ako, taong bahay lang...
"Ikaw nalang, wala akong gana."
"Hmp! Killjoy mo naman. Nandon kasi si
mommy ngayon, niyayaya ako kasi family
bonding daw. Isama raw kita pero alam ko
namang wala ka sa mood kaya aalis na ako,"
tumayo ito at kinuha ang bag sa kwarto.
"Buti naman alam mo. Pakilock na lang ng
pinto," minsan kasi nakakalimutan nitong i-
lock.
Nagshower muna ako at nagbihis ng damit.
Mag-aala una na pala. Makatulog nga muna.
Wala naman akong gagawin. Napabalikwas
ako nang may nagdoorbell. Baka si Lenny na
ito.
Napatingin ako sa wall clock. Mag- aalas
singko na pala. Medyo napahaba ang tulog
ko. Paano kasi, dito 'yon natulog kagabi at
nanood kami ng S lamdunk. Pinatapos namin
hanggang sa last game. Pareho naming
favourite iyon. Crush daw niya si Sakuragi.
Sus! Ano'ng gwapo roon? Nakakatawa lang.
Pero mas gwapo si Rukawa noh.
Sabi raw niya, gwapo si Sakuragi kasi si
Mark Pingris daw 'yon kapag sa PBA at si
Rukawa ko raw ay si James Yap.
Ahaha hindi halatang fan s'ya ng Purefoods.
'Di na ako nag-atubiling magsuklay pa ng
buhok at binuksan ko na kung sino man ang
kumakatok. Kanina pa kasi doorbell ng
doorbell.
Binuksan ko lang at nagtalikod.
"Tapos na ba kayo sa pamamasyal?"
pumunta ako sa kusina at uminom ng tubig.
"Ano ang sabi ni Tita Abby? Nagtampo ba
siya?" inilapag ko na ang baso sa mesa.
Himala, tahimik 'ata si bff.
"Ano'ng ginagawa mo rito? Nasaan si
Lenny?" nagulat ako nang pagbalik ko sa
sala ay naka de-kwatro siya na nakaupo sa
sofa.
"Lenny who? " kinuha pa niya ang remote at
binuksan ang tv.
Aba, feel at home ang loko.
"What are doing here?"
siyempre, sino ba ang hindi magtataka?
Binisita ako ni Karl Montenegro? Ano kayang
masamang hangin ang nagdala sa kaniya
rito?
"Why? What's the matter? May masama ba
if I will visit my lovely wife?"
Hala, bakit gan'yan siya makatingin sa akin?
Parang nang-aakit? "Ano ba 'yang iniisip mo
Jane!" Saway ko sa sarili.
"Ah... 'di naman kita asawa. Joke lang 'yong
kasal," tumawa siya. Ang gwapo niya. Mas
lalo s'yang guma-gwapo habang nagsa-
smile.
"Sino'ng nagsabi sa'yo na joke ang kasal
natin? Everything was valid and legal. If that
was your concern, my dear wife."
Ang lakas ng tawa ko sa sinabi niya.
"Hahahhahaha... Hindi naman ako ang
nakasulat do'n. Sa girlfriend mo na name
kaya iyon at pirma ko 'yon kaya invalid,"
tawa parin ako nang tawa. E, sa nakakatawa
lang.
"Wag kang mag-alala, pareho lang naman
tayo. Akala ko rin nga, joke lang 'yon e."
Seryosong sabi niya kaya napatigil ako sa
pagtawa.
"What do you mean?" kinabahan ako sa
sinabi niya. Baka kasi nagbibiro lang 'to.
Pero sana nga, nagbibiro lang siya.
"Mag-asawa tayo sa harap ng lahat. Sa mata
ng tao at sa mata ng Diyos,"
hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi
nito.
May ibinigay siya sa akin na papel.
"Ano to? " na-curious ako. Wala naman
sigurong masama kung magtanong ako?
"Lahat na lang ba ng bagay, kailangan ko
pang i-explain kung marunong ka namang
magbasa?"
"Hmp, sungit! Kung 'di ka lang gwapo,
kanina pa kita pinalayas." Siyempre, sarili ko
ang kausap ko.
Oo, gwapo na siya. Sobrang gwapo kaso
imposible naman na magkagusto sa akin 'to.
Binasa ko ang nakasulat sa papel. Ayoko na
kasing magtanong pa. Baka mamaya,
masigawan pa ako nito dahil sa pagiging
madaldal ko.
Hala, totoo ba to? Kasal kami?Legally?
"Oo, kasal tayo kaya 'andito ako para
sunduin ka. Doon ka na sa bahay ko,"
mukhang nabasa niya ang iniisip ko. Hala,
may lahing manghuhula ba 'to o mind
reader?
"Ha? P'wede namang 'wag na lang at isa pa,
mag-file nalang tayo ng divorce. P'wede rin
naman 'yan, 'di ba?" Pakshit lang, e. Ang
dami-dami kong problema. Hindi pa ako
nakamove-on tapos ganito na naman ang
mangyari sa akin?
"Walang divorce rito sa 'Pinas at hindi
p'wedeng nandito ka lang. May mga
nakakitang reporters sa'yo, remember?"
naiinip na sabi nito. Ganito naman ang mga
mayayaman, maiikli ang pasensiya.
"E ano naman ngayon? Edi hayaan mo sila.
Hindi ko na problema pa 'yon. Kung walang
divorce, divorce na 'yan, edi annulment."
sagot ko. Loko 'to, a. I'm sure, roon din
naman 'yan mapupunta ang kasal na 'to.
Sus! Kahit ganito 'to kagwapo, imposible
naman na magkagusto 'to sa akin.
"Gaga! Naging posible nga na kinasal kayo.
Huwag mawalan ng pag-asa. Go lang gurl,"
ano ba yang iniisip ng utak ko? Erase, erase.
Pero may point din naman.
"O, ngingiti-ngiti mo d'yan? 'Wag mong
sabihin na gusto mo rin akong makasama?"
sabi ng loko. Nakatayo na ito. Ewan ko ba
kung seryoso o nanunukso siya. Ang hirap
basahin ng iniisip nito.
"Ayoko nang mag-explain pa. Basta, since
asawa kita, maniwala ka. Guguluhin lang ng
mga paparrazi ang buhay mo. Hahanapin ka
nila," alam kong tinatakot lang niya ako.
Kanina ko pa napapansin na panay tingin
niya sa cellphone.
"Since wala kang balak na sumama sa akin
ngayon, heto nalang ang calling card ko.
Pakitawagan na lang kung sakaling magbago
ang isip mo," hindi inabot dahil kahit ano'ng
gawin niya, wala akong balak na dagdagan
pa ang problema ko sa buhay kaya inilagay
niya na lang niya sa ibabaw ng table.
"I have to go, may party pa akong
dadaluhan. By the way, mukhang wala ka
namang balak sumunod sa sinasabi ko kaya
just take good care of yourself na lang or
you can call me just in case of emergency.
Isa pa, pumasok ka na. Baka malaman pa
nila na tamad mag-aral ang asawa ko,"
Wow! Ang haba ng sinabi niya pero hindi ko
na pinansin. Naiinis ako!
--------
Pasado alas diyes na ng gabi. Heto ako,
tulala na naman. Nawindang ako sa mga
nalaman ko kanina. Pagkatapos naming
mag-usap ng ASAWA ko, umuwi na s'ya
dahil may party pa raw siyang dadaluhan.
Oo, tama. Asawa ko nga talaga s'ya. Sa
maniwala ako at sa maniwala pa rin, totoo
talaga na mag-asawa kami. Ipinaliwanag niya
sa akin ang kalokohan na ginawa ng kapatid
niya at ibinigay sa akin ang isang copy ng
marriage contract.
Si Lenny naman ay hindi na raw makapunta
rito. Pagod sa pagsa-shopping. Napatingin
ako sa salamin. Kanina ko pa 'to ginagawa.
Whole body size mirror ang nasa kwarto ko.
Ang sexy ko talaga. Nakahubad ako.
Pang ilang beses ko na chine-check kung
may balat ako sa p'wet kaso wala naman
pero bakit ang malas, malas, malas, malas,
malas ko?
Kinabukasan, nandito ako ngayon sa hallway
naglalakad papunta sa classroom. Naisipan
ko na kasing mag-aral after one week na
absent pero dumaan muna ako kanina sa
dean. Kinausap ako dahil sa nangyare sa
canteen lastweek. Akala ko nga, sermonan
ako dahil sa ginawa ko lalo na kay Karl pero
hindi naman.
Girl 1-- Akala ko drop na 'yan.
Girl 2-- Kung ako sa kan'ya, magtransfer na
lang siya ng ibang school.
Girl 3-- Oo nga. Grabe noh? Kung ako rin,
'di na ako magpapakita rito.
Girl 2-- Ako rin. Sobrang bitter talaga niya!
Hindi ko na lang pinansin. Wala na akong
balak patulan pa sila. Nakakapagod na rin
kasing magdrama.
"Mahilig kasi sa gwapo pero lolokohin lang
pala. Big catch kasi si Darwin sa kan"ya dahil
gwapo na, mayaman pa. Akala niya kasi
maganda siya kaya gan'yan."
Tiningnan ko nga sila ng masama!
"Tama na friend, baka magwala na naman.
Tara, punta tayo sa library. Magbasa na lang
tayo," mabuti naman at naisipan ng isa
nilang kasama dahil 'pag tumagal pa,
papatulan ko na talaga ang mga 'to.

Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon