CHAPTER 27
NAGISIGNG akong wala si Karl sa tabi ko. Siguro dahil sa sobrang pagod sa pagkikipaghabulan kina Nicole at Lenny kaya nakatulog agad ako.
Magkatabi lang kami ni Karl pero wala namang nangyari sa amin. Buwisit kasi si Leo! Umuwi pa! Siyempre, magkatabi lang ang mga kama sa cottage. Alangan naman naglalampungan kami habang nandiyan siya. Ano ’yon? Audience? Tagakuha ng video?
Malamang, ’pag nag-bang bang kami ni Karl, sisigaw ako dahil sa sakit at sa sarap. Virgin pa ako ’tapos ang laki pa ng ano ni Karl. Naalala ko tuloy ’yong nangyari sa amin kahapon. Hala, ano na naman ba ’tong iniisip ko?
Kumain na ako ng breakfast, ’tapos naligo at nagbihis na ako. Simpleng black shorts at plain white shirt na katerno ng puting tsinelas ko ang isinuot ko. Isinuot ko rin ang beach hat ko.
Ang cute ko. Para akong manika—manika ng mangkukulam. Pero ang cute ko talaga, eh. I love myself!
Lumabas ako sa tabing-dagat para hanapin si Karl. Agad ko naman siyang nakita. Makakasalubong ko nga sila, eh.
“Ang sweet mo naman, babe. Salamat pala sa pagdadala ng breakfast at sa pagkain kasama ko,” malanding sabi ni Roxanne. Naglalakad din sila sa tabing-dagat habang nakahawak pa siya sa braso ng asawa ko. Aba, ang kapal naman ng mga hayop na ’to! Sa harap ko pa talaga naglalandian, eh!
Taas-noo ko silang sinalubong. “Good morning, Karl!” Isang napakamatamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanya. Nagulat pa ang mokong nang makita ako.
“Uhm, babe? ’Di ba, siya ’yong kaibigan ng kapatid mo? Iyong sinasabi ni Nicole na asawa mo raw?” malambing na tanong niya ’tapos lalong kumapit kay Karl.
“Biro lang ’yon ni Nicole. Sus, ikaw naman, Roxanne, nagpauto ka sa batang ’yon,” sabat ko pero kay Karl ako nakatingin. Hindi naman makatingin sa akin si Karl dahil alam niyang may kasalanan siya. Ano ba kami? Hindi ko na siya maintindihan.
“Tama si Nicole. She’s my wife, Roxanne,” sabi ni Karl habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.
Nagulat si Roxanne at binitiwan ang braso nito. “W-What do you mean, Karl?” nabasag na ang boses niya.
“’Wag kang maniwala. Mapagbiro talaga ang magkapatid na ’yan, Roxanne. Palagi ka nilang pinagti-trip-an,” sabi ko naman kay Roxanne.
Halatang galit na galit na sa akin si Karl. Eh, sobrang galit din ako sa kanya. Wala na kasi siyang ginawa kundi maglambitin sa impaktang Roxanne na ’to.
Siguro kay Roxanne niya ipinagpatuloy ang dapat naming gagawin kagabi. Tutal, hindi na kailangan ng permit dahil baka palapit pa lang si Karl, nakabukaka na si Roxanne.
“Twilight! Babes, kanina pa kita hinahanap,” sigaw ko nang makitang palapit sa akin si Twilight.
“Uhm . . . Hi, Jane,” nakangiting bati niya. Naka-summer shorts siya at puting sando. Ang cute naman niya at ang macho rin.
Tumakbo ako palapit sa kanya at kumapit sa braso niya.
“Kunwari, boyfriend kita Twilight, ha,” agad na bulong ko sa kanya.
Nagtataka naman itong tumingin sa akin. “Huh? Bakit?” pabulong din niyang tanong.
“Basta, maki-ride ka na lang, please?” sabi ko ’tapos nag-puppy eyes ako sa kanya. Gusto pala ni Karl ng ganito, eh ’di maglokohan kami ng harap-harapan. ’Ayan, palapit na ang dalawa sa amin.
“Okay,” pagpayag niya at pinisil pa niya ang ilong ko.
“Ano ba? Palagi mo na lang akong ginaganyan!” Gagantihan ko sana siya pero hindi ko maabot dahil ang tangkad niya. “Ano ba, Twilight! Papisil, isa lang. Ang daya mo naman. Hindi ko maabot ang ilong mo. Bakit ayaw mong magpapisil? Nagparetoke ka, ’no?” nakasimangot na sabi ko. Hindi man lang kasi ako makaganti.
Tumawa siya. “Ewan ko sa ’yo. Ang cute mo, Jane,” sabi nito ’tapos pinisil uli ang ilong ko kaya namula na ito.
May narinig kaming tumikhim kaya napatingin kami sa kanya ni Twilight. “Tapos na ba kayo? Puwedeng mang-istorbo?” masungit na sabi ni Karl habang magkasalubong ang kilay niya. Nakalimutan kong nandito nga pala siya sa harapan namin.
“Babes, tara. Pasyal tayo,” yaya ni Roxanne ’tapos hinihila niya si Karl pero ayaw pa rin umalis ng loko.
“Tara na, Twilight. Mag-boating tayo.” Hinawakan ko na ang kamay ni Twilight kaya magka-holding hands na kami.
“Tara, mag-boating tayong apat,” sabi ni Karl.
Ang kapal ng mukha! Gusto pa talagang sumama sa amin. Eh ’di pagbigyan.
***
NAGLAKAD kami sa tabing-dagat hanggang may nakita kaming maliit na bangka na good for eight persons lang.
“O, apat na lang ang kulang. Sakto po kayo. Sakay na kayo, mga ma’am at sir!” masiglang sabi nitong may-ari ng bangka.
Agad namang naglabas ng pera ang tatlo. Nakabayad na silang tatlo pero ako, hindi pa.
“Kuya, hindi na lang po ako sasakay. Hindi na po ako sasama. Sila na lang po,” malungkot na sabi ko.
Pangarap ko talaga ito, eh. Iyong makasakay ng bangka ’tapos kumuha ng mga picture. Kapag gan’on kasi, ang saya-saya ng feeling ko. Adventure na rin sana ito kaso walang hiya ang mahal ng bayad! Tig-isang libo bawat tao. Saan naman ako kukuha n’on?
“Huh? ’Di ba, gustong-gusto mo ’yan, Jane? Sabi mo noon, pangarap mo ang sumakay sa ganyan?” nagtatakang tanong ni Twilight. Naikuwento ko kasi iyon sa kanya noon.
Nakikinig lang sa amin sina Roxanne at Karl. Mabuti naman tahimik lang ang babaeng ’to.
“Ah, Twilight, wala kasi akong pambayad,” naiiyak kong sabi. Gusto kong lang gawin sa buhay iyong simpleng pangarap ko pero ’di ko magawa dahil wala akong pera kasi nanakawan kami.
“’Yon lang ba? Libre na kita. Ako na ang bahala sa ’yo. Tara na,” sabi ni Twilight ’tapos nag-abot kay Kuya ang isang libo para pambayad sa akin.
“’Wag na, pare. Ako na ang magbabayad.” Pinigilan siya ni Karl ’tapos nag-abot din ito ng isang libo kay Kuya.
“Ha? ’Wag na, pare. Okay na. Ako na ang magbabayad,” giit naman ni Twilight.
’Ayan, nagbabangayan na sila. Hindi alam ni Kuya kung kaninong pera ang aabutin.
“Ito, Kuya, dalawang libo. Double na ’to. Kuhanin mo na!” pikong sabi ni Karl ’tapos inilagay sa kamay ni Kuya ang pera. Mabilis siyang naglakad papunta sa bangka kasama si Roxanne.
“Boyfriend mo? Halatang nagseselos, ah,” ngingiti-ngiting tanong ni Twilight habang paakyat na kami sa bangka. Inalalayan pa niya ako para hindi matumba dahil pagiwang-giwang ang bangka.
“Epal,” mahinang sabi ni Karl ’tapos pumalatak.
Naghanda na si Kuya para paandarin ang bangka. Pupunta lang kami sa maliit na isla sa gitna ng dagat. Naglagay muna kami ng life jacket bago umalis dahil mahirap na, tumaob ang bangka. Safety first. Nakasabit lang ang camera ko sa leeg ko. Mabuti na lang, hindi ko ito dala noong na-holdup kami.
Kami na lang kasing apat ang hinihintay kaya nasa may dulo na ng banka ang puwesto namin. Sa likuran namin naupo ang mga buwisit.
“Nagba-bakasyon ka ’tapos wala kang dalang pera? So poor!” panlalait ng nasa likuran namin. Maldita talaga! Siya ang nagpapatunay na ang mga bida sa pelikula ay hindi gano’n kabait sa totoong buhay.
“Okay lang na wala akong dalang pera. At least, nilibre naman ako ng boyfriend mo, ’di ba?” masungit kong sabi kay Roxanne.
Papatulan ko na talaga ang babaeng ’to! Sumusobra na, eh!
BINABASA MO ANG
Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom)
HumorPara sa short film lang naman ang pinunta ni Jane sa simbahan kaya siya naka-wedding gown pero hindi niya akalain na sa lahat ng babae, siya pa ang aksidenteng pinakasalan ni Karl Montenegro. Sikat, mayaman at higit sa lahat ay may-ari ng Westbridge...