Accidentally Married to Mr. Famous
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 50
[Darwins Pov]
"Wow, ang bilis mong maka-move on bessy ah. Nagkabalikan na ba kayo ng hayop na 'yan?" nakasimangot na tanong ni Lenny. Kumalas naman itong si Jane sa akin. Tsk! kahit kailan, isip bata talaga ang babaeng 'to.
"Uy, 'di a. Kino-comfort lang ako ni Darwin kasi alam mo naman ang problema ko, 'di ba? Iaa pa. kahit gago 'yon si Karl ay mahal ko 'yon.." Masaya ako para kay Jane dahil alam kong mahal siya ni Karl. Alam kong gagawa 'yon ng paraan para maging okay sila.
"Ba't ka nandito? Bumalik ka na nga roon sa Gwen mo!" galit niyamg sabi sa akin..
"Wala na nga kami ni Gwen. Huwag kang magselos diyan dahil ikaw na ang next ko na liligawan," tukso ko sa kaniya. Tiningnan lang ako nang masama. Sarap asarin nito.
"Ligawan mo na kasi Darwin. Nang sa gano'n, magkaroon na nga lovelife 'yan. Hindi 'yong ako lang 'lagi ang nakikita," udyok ni Jane sa akin.
"Tara na guys, pasyal tayo sa mall, libre ko kayo." Wala naman sigurong masama kung yayain ko ang dalawang 'to. Tutal, in good terms na naman kami...
"Wala ka bang pasok?" Kunwari pa tong si Lenny, e, kabisado ko na 'tong ugali niya. Gustong gusto rin nito ang magpalibre. Mas nauna kami nito na naging magkaibigan. Ipinakilala lang niya si Jane sa akin..
"Wala boss, at alam ko na wala rin kayong pasok ngayon dahil absent si Sir ninyo." Mag-a-absent daw ito ngayong araw. Siya rin kasi ang prof namin kanina.
"Sige, gusto ko ring pumasyal. Tara bessy, libre daw tayo ni Darwin." Kita n'yo na, walang hiya talaga ang Lenny na 'to. Parang kagaya ng dati.
Dito na kami sa labas ng gate at nag- aabang ng dyip.
"Nakakainis ka, Darwin! Ang yaman, yaman mo tapos hindi mo dala ang kotse mo! Kawawa naman kami ni Baby," nakabusangot na sabi ni Jane. Si Lenny naman ay nagmamaktol din..
"Sorry girls, nasira kasi kanina pinaayos ko pa. Okay lang 'yon para ma-experience naman ninyo ang mag- jeep. Kayo ang maglibre ng pamasahe ha. Ako na ang bahala sa inyo kapag nasa mall na tayo." Cowboy naman ako. Hindi ako kagaya ng iba na kailangan nakakotse lagi.
"Ayan na. Kuya para, para.." sigaw ni Lenny. Napaka-hyper talaga ng babaeng 'to.
Isang de-pasaherong jeep ang tumigil sa harapan namin. Wala pa itong sakay.
Mabilis namang umakyat ang dalawa na parang nagpapaligsahan. Si Lenny sa right side tapos si Jane naman ay sa left side. Iyong dito sa pinakadulo na malapit sa pinto.
Ano ba ang problema ng mag- kaibigang 'to? Naupo na ako sa unahan ni Lenny.
"Ito Darwin oh. Pakibayad nga, tatlo tayo." Sabay abot ng isang buong singkuwenta ni Lenny.
Tiningnan ko si Jane, hindi tumitingin sa akin busy sa cellphone. Itong si Lenny naman ay patay malisya lang.
"Putiks! Magkaibigan nga kayo!" naiinis na sabi ko sa dalawa. Ang layo, layo ng driver dito sa upuan namin, mga limang metro yata. Ang bilis pa naman ng patakbo nito. Kaya pala iba ang kinikilos nitong dalawa. Iyon pala ay may pinaplanong kalokohan.
"Sige na Darwin, tutal ikaw naman ang sa unahan namin kaya ikaw na ang magbayad. Paano namin 'yan maibigay kay Kuya, e, nandiyan ka sa unahan?" Kaya pala nagmamadali ang dalawang 'to na umakyat. Tsk!
Umusod na lang ako papunta sa unahan. Ang layo, tinatamad pa naman ako.
"Kuya, ito po oh, tatlong estudyante, sa Glorietta lang po 'yan." Sabay abot sa 50. Sakto namang tumigil si Muya sa pagda-drive..
Nang makuha ko na ang sukli ay babalik na sana ako sa likuran.
"Kuya, pakibayad po." May isang babae na nasa likuran ko. Tapos nagsi akyat ang grupo ng mga estudyante. Hindi na ako nakabalik sa puwesto ko kanina..
"Baya d po.."
"Kuya pakiabot po."
"Bayad ko po, salamat."
"Manong, sukli ko po? Kuya, pakiabot na lang po.."
So bali sa buong biyahe namin ay naging kondoktor ako hanggang sa makababa na kami. Ako lang ba ang naka-experienced ng ganito? Bakit ba napasama ako sa dalawang babae na may sayad?
Tapos ko na silang i-treat sa Chowking. Si Jane, konti lang ang kinain, sinisikmura raw siya. Si Lenny naman ay walang pagbabago, matakaw pa rin.
"Uy Darwin, tara dali! Bili mo kami ng bag o shoes!" tuwang tuwa na sabi ni Lenny tpos hinila ako dito sa Louis Vuitton. Sabi ko na nga ba, e. Mamumulubi ako kapag kasama ko itong dalawa lalong lalo na itong si Lenny.
"Wow. Darwin kunin ko 'tong bag at wallet ha. Uy bessy, ang ganda nitong flat shoes o, bagay sa 'yo. Hindi ka na kasi puwedeng mag-stiletto." Pinakita niya ang red shoes kay Jane.
"Sige, kukunin ko na 'yan," tuwang tuwa na sabi ni Jane...
"Excuse me, miss. Nasaan na ang red shoes dito kanina?" tanong ng babaeng kakarating lang. Nasa likuran nito ay si Karl? Ito siguro ang sinasabi ni Jane na legal na asawa. Halatang nagkagulatan pa sila.
"Ow, nice to see you again. But sorry girl, nauna na naman ako sa shoes na 'yan," nakangisi nitong sabi kay Jane...
"Nauna? Hindi mo pa naman binayaran, 'di ba? Kaya akin na ang sapatos na 'to!" hyper yata si Jane ngayon a. Si Karl, tahimik lang.
"Ako ang nauna diyan! Pumili ka na lang ng iba. Marami pa naman duyan! Ba't kailangan mong kunin ang isang bagay na alam mong pagmamay-ari na ng iba?" nakataas kilay na sabi ng babae.
"Una sa lahat, hindi ko kinuha sa -yo ang sapatos na 'to dahil ang pagkakaalam ko ay for sale at available pa rin ito at dahil hindi mo pa 'to binayaran, hindi mo pa ito pagmamay-ari. At pangalawa, problema mo na 'yon dahil iniwan mo siya. Tapos ngayong makita mo na nagugustuhan na siya ng iba ay babalikan mo dahil hindi ka na nakahanap ng mas maganda o higit pa kaysa rito?" mataray na sagot ni Jane.
"Jasmine, tara na!" naiinis na sabi ni Karl sa babae. Halatang hindi niya gusto ang mga nangyayari.
"Wait Karl, ano ba! Ako naman talaga ang nauna diyan e! Bakit ba mahilig kang mang-agaw sa mga bagay hindi naman sa 'yo?" naiinis na tanong ng babae. Medyo agaw-pansin na kami rito sa mga saleslady..
"Ilagay na lang natin Jasmine na nauna ka sa sapatos na 'to pero hindi porket ikaw ang nauna ay sa 'yo na siya. Aanhin mo ang isang bagay na pag-aari mo kung hindi rin sa 'yo kasya? Wala ring kuwenta!" Mukhang ako ang kinakabahan sa pag-uusap nila. Pasimple ring hinihila ni Lenny si Jane.
"Talaga? Pero baka nakalimutan mo rin Jane, kahit sa 'yo pa kasya o bagay ang isang sapatos ay hinding hindi mapasaiyo kung may nauna ng nagmamay-ari, LEGALLY?" Alam namin na hindi na tungkol sa sapatos ang pinag-uusapan ng dalawa.
"Sa 'yo nga siya sa legal na paraan pero hinding hindi mo naman siya magagamit at mapakinabangan at 'wag mo ring ipilit dahil kahit ano'ng gawin mo ay hindi 'yan kakasya sa paa mo!" Si karl sobrang nagwo-worry para kay Jane. Naiintindihan ko siya lalo na at dinadala nito ang baby nila..
"Gano'n ba? E di pareho lang tayong hindi makinabang! Ang pinagkaiba lang, nasa akin siya! Iyon ang bagay na wala ka.." Natahimik si Jane sa banat ng babae. Na-corner na siya nito.
"E di sa 'yo na 'yan! Hahanap na lang ako ng iba! Iyong bagay sa akin! Iyong puwede kong matawag na akin lang siya! Iyong walang kahati at iyong ako lang talaga ang nagmamay- ari!" sabi ni Jane na diretsong nakatingin kay Karl. Nababasa ko sa mukha ni Karl na kinabahan siya sa sinabi ni Jane..
"Good! At least natauhan ka na sa katangahan mo! Mabuti at nagising ka na sa katotohanan!" napangiti ang babae.
"Oo naman, ako pa! E, ikaw? Kailan mo balak na magising sa katotohanan? Oh, 'wag ka nang magising! REST IN PEACE KA NA lang! Pakikalumusta na.lang si Judas ha." Mukhang hindi na mapigilan ang dalawa. Mabuti na lang dahil konti lang ang costumer ngayon kaya konti lang ang nakikinig sa kanilang dalawa.
"Sorry gurl, hindi kami magkikita ni Judas dahil sa pagkakaalam ko ay nasa impyerno siya!" Sinisenyasan ni Karl si Lenny na palabasin na si Jane pero ayaw magpahila..
"Alam kong nasa impyerno si Judas kaya nga pinapakamusta ko siya sa 'yo kasi alam kong doon ka rin papunta!" Ang iba ay napangiti sa usapan nila. Putiks, hugot na hugot a.
"Aba't, ang kapal nito!" Susugurin na sana siya kaso mabilis na pinigilan ni Karl. Alam ko namang 'yan ang binabantayan niya kanina pa. Sus, takot lang nito na masaktan ang mag- ina niya.
"Ma'am, don't worry po, marami pa po kaming available niyan," pagpagitna ng saleslady na walang kaalam-alam sa usapan ng dalawa.
"Sa kaniya na 'yan, miss! Hindi na ako bibili! Tara na, Darwin, Lenny. Akala ko ba Robinson lang ang may ahas? Pati pa pala rito sa Glorietta!" Nauna na siya lumabas sa amin.
"No, thanks! Wala na rin akong ganang bilhin 'yang sapatos na 'yan! May kapareho pala ako ng taste kaya 'wag na lang! Si cheap. Tara na, babes!" Hinila na nito si Karl na walang magawa kundi sumunod sa babae pero ang mga mata ay nakatingin kay Jane na papalayo.
"Pag-aawayan ang sapatos tapos wala rin palang bibili sa kanila!" naiinis na sabi ng saleslady.
BINABASA MO ANG
Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom)
HumorPara sa short film lang naman ang pinunta ni Jane sa simbahan kaya siya naka-wedding gown pero hindi niya akalain na sa lahat ng babae, siya pa ang aksidenteng pinakasalan ni Karl Montenegro. Sikat, mayaman at higit sa lahat ay may-ari ng Westbridge...