.
NICOLE’S POV“KUYA, sige na samahan mo muna ako. Saglit lang, bibili lang ako ng pagkain. Nagugutom na ako, eh.” Kanina pa ako nagugutom at kanina pa ako nakikiusap na mag-stop over muna kami o kahit i-takeout ko na lang.
“Nicole, nagmamadali ako. Late na nga ako sa meeting!” naiinis na sabi niya.
Kagagaling ko lang kasi sa mga friends ko noong high school. Medyo matagal na rin kasi kaming ’di nagkikita dahil sa U.S. na ako nag-aral pero next year, lilipat na uli ako rito.
Buti na lang madaanan din ni Kuya ang bahay ng kaibigan ko kaya isinabay niya ako pauwi. Off kasi ng driver namin ngayon. Sakto rin namang galing si Kuya sa school na pagmamay-ari namin.
Dati, kapag pinakiusapan siya ni Mommy na mag-check kung kumusta na ang school, ayaw talaga niya kasi busy daw siya. Ang daming palusot pero himala dahil personal niyang binisita kahit na pinagkakaguluhan siya ng mga student doon.
“Kuya, ’di ba may reunion kayo ngayon? ’Di ka man lang ba pupunta? Minsan lang umuuwi ’yong kaibigan mo. Kahit magpakita ka man lang sana sa kanila.”
“’Di pa naman ’yon babalik agad. Marami pang time para diyan,” sabi niya.
Kawawa naman ang kuya ko, masyado siyang naging busy mula nang naka-graduate siya. Ang bata pa niya, twenty-five years old pa lang siya. Puwede namang ipaubaya sa iba ang iba mga business namin dahil marami naman kaming mapagkatiwalaan na tauhan. Hindi naman siya pinipilit nina Mommy na magtrabaho.
Nag-ring ang cell phone niya kaya agad naman niya itong sinagot.
“Hello? O, Tita, napatawag ka?” sagot niya habang nakatutok pa rin ang mga mata sa pagda-drive. “’Di po, Tita, eh. Pasensya na. May importante kasi akong pupuntahan. Ha? Gano’n ba? Si Nicole?”
Napatingin siya sa akin. Sumenyas ako na sabihing wala ako.
“Hindi ko po kasama. Sige po, bye.” Nag-concentrate na uli siya sa pagmaneho kaya hindi na ako nagtanong. Alam ko na ’yon.
Noong isang araw pa kasi nagyaya si Tita na mag-dinner kami sa kanila kaso pagod ako at medyo malayo ang bahay nila. Si Kuya naman, walang makapipigil sa meeting nito.
Maya-maya pa ay nag-ring uli ang cell phone niya. “Hello? Kapag hindi ka sasagot—Jane?” bigla niyang sabi.
Ilalagay ko na sana ang headset ko pero napatigil ako nang marinig ko ang pangalan ni Ate Ganda.
“What happened? Hello—Jane? Damn! Answer me!” pasigaw na sabi ni Kuya. Tiningnan pa niya ang cell phone niya. Siguro nawala na ang kausap niya sa linya.
Hinampas nito ang manibela. “Sh*t!”
“Ouch! Kuya naman, dahan-dahan lang sa pagda-drive,” reklamo ko. Sino ba’ng hindi magugulat? Bigla na lang siyang nag U-turn. Mabuti na lang, maluwag ang kalsada ngayon at hindi masyadong traffic. Sanay naman ako sa ganito kasi kaskasera rin ako mag-drive kapag tinatakas ko lang ang kotse sa bahay. Oo, marunong na akong mag-drive pero wala pa akong driver’s license.
’Di ko pa nae-experience na ganito kabilis ang pagpapatakbo kapag kasama ko si Kuya.
“Ano pong nangyari?” tanong ko. Siyempre, kunwari concerned din ako at nagpa-panic kasi mabilis ang pagpatakbo niya. Echos lang. Makisabay lang sa drama.
“I don’t know, but she’s crying and she needs my help,” nag-aalalang sabi ni Kuya. Hala, lalo pa niyang binilisan ang pagpapatakbo. Whoa! Gusto ko ’to, parang airplane lang na lumilipad. Ang bad pero sa nag-e-enjoy talaga ako.
“Sis, pakitawagan naman ng assistant ko. Pakisabi na siya na muna ang makipagkita kay Mr. Lee.” Inabot niya sa ’kin ang cell phone niya. See? Puwede naman palang iba ang um-attend sa meeting.
BINABASA MO ANG
Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom)
HumorPara sa short film lang naman ang pinunta ni Jane sa simbahan kaya siya naka-wedding gown pero hindi niya akalain na sa lahat ng babae, siya pa ang aksidenteng pinakasalan ni Karl Montenegro. Sikat, mayaman at higit sa lahat ay may-ari ng Westbridge...