2

3.2K 63 0
                                    


Accidentally Married to Mr. Famous

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 2

[Flashback....]
Bigo ako! Oo, bigo ako! Pinagtawanan ng lahat.
Bakit ba kasi kung sino ang nagmahal ng totoo, 'yon pa ang niloloko. Heto pa rin ako, nakahiga sa kama, nakatingin sa puting kisame at kinakausap ang sarili.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako maka-move on kahit na ilang buwan na kaming hiwalay.
Nagiging stalker ako ng first boyfriend ko. Binlocked na nga ako sa Fb pero gumawa naman ako ng ibang account para ma-view ko ang status niya tapos kung ano ang makita, iiyak-iyak dahil nasasaktan. Ayun, masaya naman siya, hindi affected sa nangyari kasi hindi pa kami naghiwalay, may iba na siya.
O, 'di ba, ang saya ng buhay ko?
Sa iisang school lang kami nag-aaral kaya lagi ko silang nakikita. Masaya sila at naglalambingan habang ako? Nasa isang tabi, nagdurusa.
Palit ng sim pero kabisado rin ang number. Nakakapagod na rin. Alam ko naman na hindi na niya ako mahal, kaso denial queen pa ako ngayon.
Biglang tumunog ang cellphone ko na nasa tabi ko lang.
"Hello? Sino 'to?"
Hindi kasi naka-register ang number kaya mabilis na naman na tumibok ang puso ko. Umaasa na si Darwin ang tumatawag.
"Ehem. Sorry to disappoint you, my dear bff, si Lenny 'to gurl. New sim card ko." Asar na sagot ni Lenny. Alam kasi nito ang ugali ko. May ibang number lang na mag-text o tumawag ay nagkandarapa na ako. S'yempre, umaasa nga na ex ko ang tumatawag.
"Oh, ano nanaman ba kailangan mo?" inis na tanong ko rito. Lagi niya kasi akong pinapagalitan na nagmumukmok lang daw ako palagi, pumapayat, pumapangit at kung anu-ano pa.
Sa totoo lang, maganda talaga ako. Hindi naman gaanong maputi o maitim, sakto lang. Pantay ang kulay mula ulo hanggang talampakan. 'Yong iba kasi ay mukha lang ang maputi pero pagdating sa leeg at batok e, maitim na. O 'di kaya'y maitim sa mukha pero pagdating sa binti, ang puti. Naiinggit nga si Lenny sa akin.
S'ya kasi, mas maputi ang binti nito kesa ibang parti ng katawan. Mahaba at straight ang buhok ko at kissable lips. Natural ang pagka-red lips ko kaya minsan, lipgloss na lang nilalagay ko at nagpupulbo, okay na.
Napaka-simple kong manamit. Hindi ako kagaya ng iba na grabe sa iksi ang mga isinusuot. Lagi akong nakapantalon. Hindi rin mahilig sa mataas na sandal at miniskirt. Kung magpalda man ako ay lagpas hanggang tuhod. Pero sa totoo lang, marami ang nanliligaw sa akin pero si Darwin lang ang pinatulan ko, ang guwapo kasi nito. Pero kung gaano ka guwapo, gano'n din pala kasama ang ugali. Mahirap 'pag gwapo boyfriend mo, dami mong kaagaw. Kahit kami na ni Darwin ay may mga nanligaw parin sa akin noon, kaso, 'yon nga, nasira na ang image ko mula nung kumalat ang video na umiiyak at nagmamakaawa ako. Sabi nila, nakaka turn-off daw dahil isa raw akong dakilang tanga. E di, tanga na kung tanga!
Nagmahal lang naman ako, ah. Kung nandito lang si Papa, walang mang-aaway sa akin. Takot ang mokong na 'yon kay Papa noon.
Strict kasi si Papa noong buhay pa sila. S'yempre, nag-iisa lang akong anak. Ayan, naiiyak na naman ako 'pag maalala ko sila.
"Wala naman, sabihin ko lang sa 'yo na pina-deliver ko na riyan ang damit na isusuot mo bukas. Sabi kasi ni Sir Legaspi, bukas na raw tayo magsisimula ng gawin nating short film para sa University Week," sabi nito.
"H-Huh, sure ka ba? Hindi ako na-inform. Teka, what time ba ang assembly?" Tumayo na 'ko mula sa pagkakahiga. Nagugutom na kasi ako mag-aalas otso na ng gabi, 'di pa ako nakapaghapunan. Ang bff ko na 'yon ang tiga-inform ko.
Lagi kasi akong wala sa sarili. Brokenhearted nga ako 'di ba? Kumakain, naglalakad at nagsasalita pero parang walang buhay. Do'n ko talaga naramdaman ang sabi nilang, "Buhay na patay".
"Mga ten AM daw, dapat nasa church na tayo. Uy, ingatan mo yang damit ha, kay Mama pa 'yan. Kapag mapunit, lagot ka sa 'kin." Pagbabanta nito. Sus, sa aming dalawa, ito nga ang careless, tapos ngayon, ako pa ang pagsabihin.
"Hmp! Oo na. Salamat na lang, ha. Dala ka ng maraming pagkain, paluto ka kay Tita." Masarap kasi magluto si Tita Abby. Sa katunayan, lagi akong pumupunta sa bahay nila para makikain lang.
"Oo na. Dapat lang na kumain ka dahil pumapayat ka na at isa pa girl, ikaw ang bida bukas kaya dapat magpaganda ka, ha. Sa kabilang team kasi, alam mo na ang bida. Dapat mas maganda ka!" Na ang tinutukoy nito ay ang karibal ko. At s'yempre, leading man nila ay si Darwin. By department kasi ang game. Halimbawa: Lahat ng Nursing department ay magkakasama mula firstyear hanggang fourthyear. Kami ni Lenny ang magkaklase dahil tourism ang course namin at si Darwin ay HRM kaya magkaklase sila ng bagong gf niya.
At ito ngayon si Sir Legaspi ang in-charge sa short film. Siya ang adviser naming mga second year.
"Hmp! Ewan ko sayo! Oo na lang, friend. Basta ha, 'wag mong kalimutan ang food. By the way, baba ko na 'to. Kain lang ako saglit, nagugutom na ako, eh," sabi ko sa kan'ya. Magsasalita pa sana siya kaso pinatay ko na ang tawag. Ini-off ko ang cp at inilagay sa bulsa. Ayoko na kasi ng istorbo. Baka mamaya, hindi pa 'ko makatulog at 'di ko mapigilan na mag log-in sa Fb ko at kung anu-ano na naman ang mailagay sa status ko.
Alam n'yo naman ang mga tao, 'yong iba, i-add ka nila pero ang totoo, nagbabantay lang ng status mo. Tahimik lang 'yan kunwari, pero nagbabasa sa comment box mo at iche-check kung bitter ka pa. 'Yon na kasi ang uso ngayon, kung ano ang nararamdaman mo, i-connect agad sa Facebook. Minsan, malalaman mo, na post mo na pala. After 2days, maisipan mo na lang na sana, hindi mo nalang 'yon pinost.
'Yon na nga, habang kumain ako ay may nag-doorbell. Mag-isa lang kasi ako ngayon. Pinauwi ko si yaya sa probinsya. Ayaw pa niya sana akong iwan kaso emergency kasi namatay daw ang nanay niya sa Bicol kaya ayun, sabi ko, okay naman ako. Kaya ko nang mag-isa.
Wala ring nagawa at isa pa, alam ko namang nami-miss na niya ang pamilya niya. Andiyan naman si Lenny na lagi akong binibisita. Gusto ko talagang mapag-isa. Safe naman kasi may guard naman dito sa condo. Amin talaga 'to. Nasa third floor ang unit namin. Nabili kasi ito ni Papa. Gift daw nila sa akin noong graduation ko sa high school.
Sabi nila, 'pag mag-college na ako, puwede na akong lumipat dito para malapit lang sa school basta kasama ko si Yaya.
"Good evening po, ma'am. Heto po pala ang pinadala ni Ma'am Lenny." Nakangiting sabi ni kuya Edgar--driver nina Lenny.
"Salamat po, Kuya Edgar. Halika, pasok ka po, kain muna tayo." Yaya ko rito. Mabait kasi ito, tahimik lang.
"Naku! Salamat po, Ma'am Jane, pero nagmamadali talaga ako. Susunduin ko pa si Ma'am Abby sa office. Nag-overtime kasi siya. Medyo gabi na nga, e." Paliwanang ng matanda..
"Ah, ganoon po ba? Sige, salamat po, kuya. Ingat po sa biyahe."
Nang makaalis na siya ay agad kong dinala sa sala ang damit at nagbihis na para matulog. Bukas, maaga pa ako para makapaglaba bago ako umalis ng bahay. Dapat matapos ko ang gawain kasi sa Linggo, magsisimba kami ni Lenny at mamasyal na rin. Nangako kasi ako na samahan ko siyang shopping.

Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon