16

1.8K 44 0
                                    

Accidentally Married to Mr. Famous

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 16

After. 1727372828 years, nakita kong
huminto ang sasakyan ni Karl sa tapat ng
7/11. Siguro, na traffic dahil ang tagal
niyang dumating. Uwian na kasi ng mga
empleyado at estudyante.
"Tara na bessy, andkyan na si Karl." Hinila
ko siya at tumakbo papunta sa sasakyan.
Binuksan ko na agad ang passenger's seat
dahil baka kasi bumaba pa si Karl at may
makakilala pa sa kaniya.
Si Bessy, nakasimangot. Kung anu-ano ang
binubulong sa sarili. Ito yata ang dapat
magpa check- up, e.
"Pasensiya na kung naghintay kayo ng
matagal. Medyo traffic kasi," wika ni Karl
habang nagda-drive na pauwi.
"Ahm.. Karl, si Lenny pala. 'Yong sinasabi
kong bff ko," pagpapakilala ko rito.
"Hi, Lenny. Pleased to meet you," lumingon
ito sa amin at ngumiti kay Lenny.
Pansamantala kasing tumigil sa
pagmamanehi dahil naka red light.
"Hi, Karl." Walang ganang sabi ni Bessy.
"Ano ba 'yan, Diyos ko naman, nakakahawa
ba ang delusion? Ilussion? Basta may 'sion'
ng pagiging baliw ba ay virus? Na mabilis
lang akong ma-infect ni Bessy? Bakit si Karl
ang nakikita ko?" bulong ni Lenny. Ako?
Baliw? 'Iyon ba talaga ang iniisip niya sa
akin?
"Ouch! Bessy naman! Ang sakit!" Binatukan
ko nga para matauhan.
"Leche ka, Lenny! Kanina ka pa, ha.
Makabaliw ka sa akin, wagas! Ikaw 'tong
baliw, e." Umusod ako palayo sa kaniya.
Baka ako itong mahawa sa pagkabaliw niya.
Isa pa, ang O.A niya. Ang O.A talaga ng
reaction niya. Kung sa jokes pa, ang corny.
"E, paano kasi, si Karl ang nakikita ko,
bessy. Nahawa na ako sa delusion of
grandeur mo," hanggang ngayon ba naman
hindi pa siya naniniwala?
Nakita na nga niya, e. Gano'n na ba ka
imposible 'yon?
"Ano'ng delusion of grandeur yan?" hindi ko
maintindihan ang mga pinagsasabi niya.
"'Yon 'yong iniisip mo na asawa mo ang
isang famous na tao. Halimbawa kagaya sa
'yo, ini-imagine mo na asawa mo si Karl.
Tiningnan niya ako na parang naaawa talaga.
"At, bessy, hindi ko alam kung ano'ng tawag
ng sakit ko dahil nahawa ako at nakikita ko
na ang asawa mo ay kamukha rin ni Karl."
Paaaak!
"Aray!" Napasigaw siya. Sinampal ko nga
para matauhan. Exaggerated na siya, e.
"Kapag hindi ka pa umayos, Lenny, talagang
ilalaglag kita sa sasakyan. Hindi ka pa rin ba
tumigil? Isa!" Sigaw ko sa kaniya. Napapitlag
naman ang bruha. Siguro, natauhan na.
Si karl naman, tawa lang nang tawa sa amin.
Isa pa 'to! Ang sarap pag-umpugin ng mga
ulo nilang dalawa.
"Bessy? Waahh... totoo nga, si Karl nga ang
asawa mo. Waahh, Hi, Karl." Ayan, medyo
okay na siya.
"Hi, Lenny. I'm Karl Montenegro, asawa ng
bessy mo." Nakangiti pa itong lumingon sa
amin habang nagda-drive.
"Kaarrl. Oh, my, oh my, OMG! Pa touch
nga," tumayo pa ito at pinisil-pisil ang braso
ni Karl.
"Ikaw nga, Karl. Waahhh... Bessy, hindi mo
naman sinabi na si Karl pala ang asawa mo,"
napa nganga ako sa sinabi niya. As in?
Seriously? Hindi ko sinabi?
"Wow, bessy, hiyang-hiya naman ako sa
pagka amnesia mo. Talagang hindi ko sinabi
sa 'yo, ha." Naupo na ito ulit sa tabi ko. Ang
mga mata niya ay nakatingin pa rin kay Karl.
"Bessy, si Karl nga... Waaaah si Karl nga!"
Tapos hinawakan pa ako sa magkabilang
balikat at niyuyogyog.
"Oo, si karl. Ano ba, Lenny! Nahihilo ako.
Huwag mo akong yugyuin," sabay tulak ko
rito.
"Bessy? Nahihilo ka? Baka buntis ka na...
Waahhh... Magkaka-baby na kay-- Ouch!"
Nakailang batok na ba ako sa kaniya? Hindi
kasi marunong umayos, sigaw pa nang
sigaw.
"Hindi, noh. Ano'ng buntis ang pinagsasabi
mo diyan?" nakakahiya na kay Karl ang mga
sinasabi nito. Okay lang sana kung kaming
dalawa lang.
"Bessy? " sa wakas, bumulong din sa akin.
"Ano na naman 'yon?"
"Virgin ka pa ba? O nakuha na niya ang v-
card mo?" seryoso ang mukha niya sa
tinanong niya. Naintindihan ko naman siya.
Siyempre pareho kaming babae. Alam kong
concern talaga ito sa akin.
"'Wag kang mag-alala bessy, wala pang
nangyari sa amin. Virgin pa ako. Hindi ko
p-- ouch!" Ang sakit ng pagkabatok niya sa
akin, promise. Nawindang ako sa ginawa
niya. Naalog talaga ang utak ko. Kung may
kuto lang ako, iisipin nila na nagkalindol na
sa lugar nila dahil ang lakas talaga ng
pagkabatok niya.
"Bruha! Bakit virgin ka pa?" makasigaw 'to
sa akin wagas.
"Bessy, dapat gumawa na kayo ng baby." Si
karl naman makatawa wagas. Nakikinig sa
usapan namin habang nagda-drive.
"Ikaw ang gumawa kung gusto mo!" Sigaw
ko. Akala ko pa naman, concern na siya sa
virginity ko. 'Yon pala ay pagalitan pa ako
dahil wala pang nangyari sa amin ni Karl?
"Talaga? Okay lang ba sa 'yo, bessy?"
tuwang-tuwa ang bruha.
"Karl, narinig mo 'yon? Sabi ni Bessy, ha.
Okay lang daw sa kaniya," puwede bang
bang magtago? Nakakahiya ang babaeng
'to, napakamalandi!
"Ouch! Ang sakit no'n Lenny, ha.
Ipinamimigay na pala ako ng kaibigan mo.
Ang masakit, sa bestfriend niya pa." Biro ni
Karl na hinahawakan pa ang dibdib. Kunwari,
nasasaktan. Nakisabay din ang loko.
"Hehehe okay lang 'yon, Karl. Mas good
catch naman ako kaysa isa rito," si Lenny ba
'to? Parang hindi. Akala ko ba, galit ito sa
mga lalaki? Kaya nga mas pinili niyang ma-
inlove sa mga nakikita niya sa youtube para
hindi raw siya magka boyfriend in real life.
"Akala ko, ba ayaw mo sa mga lalaki?" inis
na tanong ko.
"Uyyy si Bessy, nagseselos. Okay lang 'yon,
bes. Magkaibigan naman tayo. Share, share
lang." Nakatawang sabi niya. Sumusobra na
talaga siya!
"Madamot ako! Hindi ako nagse-share. Ang
akin ay akin lang!" Kunwari ay galit ako.
"Bakit? Sa 'yo ba si Karl? Pagmamay- ari mo
ba siya?" alam kong joke lang 'yon pero
tinamaan ako. Akin ba talaga siya? O baka
naman may nagmamay-ari ng iba?
Alam namin ang dahilan kung bakit kami
nakasal.
Pati si Bessy, nanahimik na rin. Siguro, alam
nito na tinamaan ako sa sinabi niya pero
alam ko namang nagbibiro lang siya.
Si karl ano kaya ang iniisip niya?
"Ahm, girls? Saan pa ba kayo pupunta?" si
Karl na ang bumasag sa katahimikan naming
tatlo.
"Ihatid mo na lang ako sa bahay. Baka
nando'n na si Papa," pilit na pinapasigla ni
Bessy ang boses niya.
"Bes, ang chocolates ko, ha." Nakangiting
paalala ko. Favorite ko kasi ang toblerone.
"Hmp, ayaw! Uubusin ko 'yon. Hindi kita
bibigyan," parang bata nitong sabi.
"Ang damot, damot mo, Lenny!" Reklamo
ko. Ang dami-daming dala ni Tito na
chocolates kapag umuuwi.
"Ikaw nga, mas madamot! Ayaw magpa-
share kay Karl. Parang hindi kaibigan," dahil
lang do'n, hindi na niya ako bibigyan? Ang
sama niyang kaibigan.
"E di, 'wag. Papabili ako kay Karl,"
pagmamalaki ko. Sa kaniya na ang tsokolate
niya. Sa akin si Karl.
At least si Karl, makabili pa ng chocolates
para sa akin. E, ang chocolates niya, hindi
puwedeng ibili kay Karl.

Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon