Prologue

681 19 0
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Written in Filipino-English.


Hello, Ms. Stalker

"Please... don't tell me na magpapansin ka na naman diyan sa Yuwen na 'yan?" Maarteng saad ng kaibigan kong si Sabrina.

She's so done with me stalking my idol.

"Aba! Tigil-tigilan mo nga ako sa kaartihan mo, bakla! Anyway... Oo. Tsaka minsan lang naman 'to, support niyo nalang ako, para na din naman sa future namin ang mga pinaggagawa ko e. Ako na gagawa ng paraan para sa relasyon namin since my Yuwen is too busy with his career." Malanding pangangatwiran ko naman

"Baliw..." Rinig kong bulong ni Sabri.

"Don't you think your efforts are too much? Palaging ikaw nalang gumagawa ng--" Bago pa man matapos ni Madieson ang kaniyang sasabihin ay sumapaw na ang magaling kong kaibigan.

"Katarantaduhan. Diyan lang naman siya magaling, let her be." She rolled her eyes sabay apply ng mascara at inagawan pa nga ako ng salamin!

Panira talaga oh! Alam na nga niyang nag-aayos ako para kay Yuwen e, nakiki-epal pa. Hmp! Tinulak ba naman ako sa gilid.

"Isa pang irap mo sa akin, dudukutin ko na talaga 'yang mata mo!" Hinampas ko sa kaniya ang hawak kong black designer bag ko. "And excuse me?! For your information, I'm a consistent dean's lister, madam!"

Tinulak ko siya ng medyo malakas, medyo lang naman, para magkaroon ako ng space sa vanity table ko. Oo, nasa kwarto ko ang dalawang ito pero parang hindi kasi feel at home ang mga garapata.

"Ouch!" Maarte niyang reaksyon.

"Ouch?" I raised a brow.

Pasimpleng hinimas-himas ni Sabri ang parte sa kaniyang ulo na napukpok ko ng libro. Buti nga, masyado siya nagiging basher, hindi na kasi tama iyon.

"Punta ka na?" Mahinhin na tanong sa akin ni Madie.

Sa aming tatlo, siya talaga ang pinakamahinhin and girly at all that's why we protect her like a baby at all cost. She's juss that type that's too soft.

"Yes, baby!"

Kinuha ko na ang bag kong inilapag ko kanina sa table ko nang hampasin ang bruhang Sabring at sinabit ito sa shoulder ko. Inabot naman sa akin ni Madie ang camera kong katabi niya, nasa kama ko nakakalat.

"Una na ako. Babush mga kidoo!" Pagpapaalam ko at humagilap pa saglit sa salamin bago nagmadaling isuot ang shoes ko.

I tied my shoelaces and I opened the door after. Before I could even close it, nagpaalam din sa akin si Madie.

"Take care!" Pahabol niya.

"Mag-iingat sila sa'yo." Sarkastikong sabi naman ni Sabri sa akin dahilan para mapalakas medyo ang pagkasara ko sa pinto ng kwarto ko. I don't have enough time to care kasi... I'm already late na!

Shit... Shit, Shit!

Mahaba na niyan ang pila!

I almost tripped sa stairs kasi kasalanan ko din, tumatakbo kasi ako e. The pain made me walk like a drunk person.

Hello, Ms. StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon