KABANATA 6

1.8K 41 1
                                    

Miguel's POV

Nakalabas na kami ng Eroplano gaya kanina pinagtitinginan parin kami ng mga tao dahil nakakalong pa rin sa akin si Eloisa.

Bahagya kong tinapik ang pwet nito. "Nakababa na tayo ng Eroplano baka gusto mo nang maglakad pero kung ayaw mo pa rin wala namang problema, masgusto ko nga ang ganito masyado kang malapit sa akin."

Tumango si Eloisa ngunit hindi ito bumaba mula sa pagkakakulong ko hanggang makalabas kami ng Terminal 3 naroon na rin ang Sasakyan na susundo sa amin. Pinagtitinginan na naman kami ng mga tao pero sino bang may pakialam, hindi naman sila importante.

Dumeretso ako sa Kotse, pinagbuksan kami ng Driver ko saka marahang bumaba si Eloisa para sumakay. Siguro nahihiya ito kanina kaya nilubos na lamang nito ang pagpapakalong sa akin.

"Ayos ka lang ba?"  Tanong ko habang abala ako sa pagbasa ng mga Reports na ibinigay sa akin ng assistant ko bago ako tuluyang sumakay ng Kotse.

"O-opo. Salamat---."  Tinanaw nito ang mga nasa labas ng bintana ng Kotse.  "Nasa Maynila na po ba tayo?"

Tumango ako.  "Sa Kumpanya ang diretso natin at kung pwede lang ayokong nakikipag-usap ka sa mga Empleyado kong Lalake maliwanag ba, Eloisa?"

"Opo."  Mahinang sagot nito habang nakadungaw sa bintana ng Sasakyan.

Tahimik lang kami sa biyahe hanggang huminto ang sinasakyan namin sa mismong harap ng Kumpanya ko. Hinawakan ko ang kamay ni Eloisa saka kami lumabas.

Nakayuko halos lahat nang madaanan ko at ganon din si Eloisa na kulang na lang ay dumikit na ang mukha sa marmol na sahig na nilalakaran namin may mga kasunod kaming mga tauhan ko. Kompleto sila ngayon dahil ngayong araw ang Monthly Meeting namin at ngayon nila lilinawin lahat ng mga kinita at nagastos ng Kumpanya sa loob ng Isang Buwan kaya sigurado akong kabado na sila.

Nagtungo muna kami sa Opisina ko. Ni-lock ko ang pinto saka ko isinandal si Eloisa sa likod nito.

"Kanina pa ko nagpipigil sayo."   Idiniin ko pang lalo ang pakakahawak ko sa mga braso nito saka ko ito marahas ng hinalikan lalo akong nag-init ng tinugon agad nito ang halik ko. Bahagya pa itong napa-ungol ng gumapang ang mga kamay ko sa bewang niya pababa sa balakang saka ko malayang pinisil ang mabilog at malambot nitong pwet.

"D-Don Miguel---."  Hinihingal na humiwalay sa mga labi ko si Eloisa saka ako diretsong tinitigan. Bumaba ang mga mata nito sa dibdib ko at masuyo akong niyakap. Napapikit ako sa ginawa nito.   "M-madami pong tao dito."

May punto naman siya hinaplos ko ang buhok nito at marahang kinabig pababa para makita kong muli ang maamo nitong mukha. Gustong gusto ko sa tuwing tinititigan niya ako ng bilugan niyang mga mata may kung ano sa mga tingin nito na nagpapakalma sa Sistema ko.

Sinakop kong muli ang mapupula nitong mga labi pinagsawa ko ang dila ko sa pakikipaglaban sa dila nito bago ako muling humiwalay.

"Dito ka lang Eloisa wag na wag mong susubukang tumakas dahil sasamain ka sa akin nagkakaintindihan ba tayo."  Angil ko.

Tumango si Eloisa saka tumingkayad na ikinagulat ko muling naglapat ang mga labi namin saglit lang yon pero banayad ang mga halik nito.

"Wala po akong kilala dito. A-antayin ko po kayo. H-hindi po ako tatakas."

Ngumisi ako.  "Good girl, ipagpatuloy mo lang yan at baka matuwa ako sayo. Lahat ng hilingin mo ibibigay ko. Okay."

"O-opo."  Sabay yuko nito. Gustong gusto sa tuwing takot na takot ito sa akin mas nabubuhay ang dugo ko gaya ngayon.

Bumuntong hininga ako. Kinabig ko ito palapit sa akin saka ko hinila pataas ang laylayan ng suot nitong bestida nang may kumatok.

"Fuck!"   Mahinang mura ko. Agad na inayos ni Eloisa ang damit saka umalis mula sa pinto.

"Dito ka lang."   Pahabol kong paalala bago ko tuluyang buksan ang pinto.

"Sir. Sorry po kung nakaistorbo po ako. Ano po kasi start na po ng Meeting."   Kinakabahang sambit ng Sekretarya ko.

"Okay."   Sagot ko. Inayos ko ang suot kong coat, tumingin muna ako kay Eloisa bago ako lumabas ng Opisina ko.

Sinarado ko ang pinto.

"Janina."  Tawag ko sa Sekretarya ko.

Lumapit naman ito agad. "Y-yes Sir?"

"Wag kang magpapapasok ng kahit na sino sa Opisina ko maliwanag ba."

"O-opo! Noted Sir!"   Agad nitong sagot.

"Good."   Saka ako naglakad papasok ng Conference Room kung saan ang lahat ng kasama ko ay tensyunado na sa kaba.

Nagsitayuan ang mga Board members ko ng makita ako pagbukas ko ng pinto. Yumuko ang mga ito bilang tanda ng paggalang nila sa akin. Isang tango lang ang isinagot ko sa mga ito. Tahimik akong naglakad hanggang marating ko ang Sentro nang malapad at mahabang mesa sa loob ng Conference Room saka lamang  umupo ang mga ito. Ilang segundo akong nakatayo at pinagmasdan ang mga kasama ko, ngumisi ako bago umupo sa malambot kong swivel chair.

Nagsimula ang Report pero wala sa Meeting ang isip ko. Naiisip ko kung ano na ang ginagawa ni Eloisa habang nasa loob ng Opisina ko. Naglalaro sa isipan ko na nakasampa ito sa malapad na mesa habang nakatalikod sa akin. Shit! Buhay na naman ang dugo ko! Mamaya talagang gagawin ko lahat ng gusto kong gawin sa kanya!

Nagulat ang lahat ng mapalakas ang pagtapik ko sa mesa. Natigilan ang mga ito kahit ako nagulat sa ginawa ko.

"Sir?"   Takang tanong ng isa sa mga Manager ko akala yata nito hindi ko nagustuhan ang tinatakbo ng Report niya.

"Sorry. Just proceed don't mind me." Hinge ko ng dispensa na ikinataka nila. Napailing na lamang ako kaya nagpatuloy ito sa pagrereport.

Kinuha ko ang cellphone ko gusto kong malaman kung ano ng ginagawa ngayon ni Eloisa, kinontak si Janina pero hindi ko nagustuhan ang isinagot nito kaya padabog akong tumayo mula sa kinauupuan ko saka ako lumabas ng Conference Room.

I am Don Miguel's Property  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon