KABANATA 19

2K 44 0
                                    

Lumipas ang Tatlong Araw simula ng umattend kami ng Wedding Anniversary ng Kuya ni Don Miguel nagdatingan na din ang mga Kasambahay niya na pinagbakasyon muna heto kami ngayon sa Airport kasama ang Sekretarya niya. Babalik na kasi si Don Miguel sa Leyte pero hindi ako kasama.

Tahimik lamang akong nakatayo sa labas ng Departure kung saan papasok si Don Miguel at maiiwan akong mag-isa dito sa Maynila.

"Kung may kailangan ka magsabi ka lang kay Janina."  dinig kong wika nito pero maspinili kong hindi ito pansinin hindi ko matanggap na iiwanan niya lang ako dito sa Maynila. Nanatili akong nakayuko ayokong magsalubong ang mga tingin namin dahil alam kong iiyak lang naman ako eh.

Bumuntong hininga si Don Miguel.

"Eloisa, kinakausap ka ni Sir Miguel.". banayad ang boses na iyon ng Sekretarya nito. Umiling lamang ako bilang sagot.

Pinagmamasdan kong mabuti ang makintab na sahig ng Airport kitang-kita ko mula doon ang repleksyon ni Don Miguel.

"Tinatawagan po lahat ng Pasahero ng Flight 116 maaari na pong magcheck in na po kayo maya maya lamang po ay aalis na po ang Eroplano.".  malakas ng sambit ng kung sino sa Speaker.

Tumigil ang paghinga ko ng pumihit na si Don Miguel patalikod sa amin ng Sekretarya niya agad akong nag-angat ng tingin naka-ilang hakbang na siya  talagang desidido na siyang iiwan ako.

Hindi ko na napigilan ang mga paa ko mabilis akong tumakbo palapit kay Don Miguel saka ko ito niyakap ng mahigpit.  "W-wag mo naman akong iwanan dito! Gusto kong sumama sayo pauwe sa Leyte!"

"Naku, Eloisa sasakay na si Sir ng Eroplano baka maiwanan pa siya. Andito naman ako eh hindi ka nag-iisa."  awat sa akin ng Sekretarya niya pero mahigpit ko siyang niyakap.

Ibinaba ni Don Miguel ang hawak na Leather bag na naglalaman ng ilang mga importanteng Dokumento saka ito humarap sa akin.

"Makinig ka Eloisa."  hinaplos nito ang magkabila kong pisnge.  "Mag-aaral ka dito sa Maynila---."

"Hindi na lang ako mag-aaral basta isama mo ako sayo! Ayokong maiwan dito, Miguel!"  muli akong yumakap ng mahigpit sa bewang nito.  Naramdaman ko na lang na may mga kamay na humila sa akin palayo kay Don Miguel.  "Bitiwan nyo ako! Miguel!"

"Ito ang dahilan kung bakit ka pumunta sa Hacienda ng gabing yon diba kaya wag mong sayangin. Mag-aaral ka dito sa Maynila si Janina na ang bahala sa lahat ng kakailanganin mo----."

"Akala ko ba mahal mo ko?"  putol ko sa sasabihin nito.

Muling bumuntong hininga si Don Miguel. Pumikit ito saglit saka ako tinitigan.  "Nasa Leyte lang naman ako Eloisa pwede kang umuwe tuwing bakasyon. Mag-aaral ka dito at yon ang dapat mangyari. Aantayin ko na makapag-tapos ka."

Saka ito tumalikod at pumasok sa Departure Area.

"DON MIGUEL!"  sigaw ko habang nanlalaban ako sa mga pumipigil sa akin alam kong marami ng tao ang nakatingin sa akin pero hindi ko kayang tanggapin na aalis ito hindi ako sanay na hindi siya kasama.  "W-wala akong kilala dito! Ikaw lang ! Wag mo kong iwan!"

Nilingon ako nito saka nito hinawakan ang kaliwang dibdib saka niya ibinulong sa hangin ang salitang Mahal kita saka ito nagpatuloy sa paghakbang palayo nang tuluyan sa akin hanggang sa maglaho na ang pigura nito.

"Miguel!"  tawag ko saka ako paupong umiyak ng umiyak binitawan ako nang mga taong pumigil sa akin kanina mga tauhan pala sila ng Airport.

"Eloisa, tahan na. Andito naman ako diba ganito na lang pwede mo naman akong tawaging Ate Janina kung hindi ka komportable na 'Miss' ang itinatawag mo sa akin. Tahan na para sayo naman kaya ka iniwan dito ni Sir, naka-enroll ka na sa Hamilton International School magandang Eskwelahan yon at tiyak madami kang makikilalang mga bagong kaibigan.". masayang turan nito.

I am Don Miguel's Property  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon