Naging mabilis ang paglipas ng mga Araw at eto na ako ngayon sa harapan ng Hamilton International School bitbit ko sa likuran ko ang Backpack bag ko na Kulay Itim.
"Kaya mo yan Eloisa." cheer sa akin ni Ate Janina.
Nilingon ko si Ate Janina na nasa kanan ko lamang. "B-baka pagtawanan nila ako kasi 19 na ako tapos nasa Grade 10 pa lang ako."
"Ano ka ba Eloisa wag mong iisipin kasi yung mga sasabihin ng iba ang dapat mong isipin e yung mag-aral ka ng mabuti para matuwa si Sir Miguel saka para na rin sa sarili mo saka isipin mo lang na yang mga Anak Mayaman na nag-aaral diyan ay ka-level mo na ngayon." pampalakas loob ng speech ni Ate Janina. "Wala silang ambag sa Buhay mo kaya wag mo silang pansinin."
Tumango ako. "Okay, Sige. E pano kung magtanong sila tungkol sa Buhay ko? Anong sasabihin ko?"
"Sabihin mo yung totoo wag na wag mong ikahihiya kung saan ka nagmula hayaan mo silang mag-isip kung gusto nila." inabot nito sa akin ang Isang card. "Eto ang Credit Card mo para kung may gusto lang bilhin e mabibili mo pero syempre may regular cash allowance ka na 1k araw-araw."
Hindi ako makapaniwala sa halaga ng magiging baon ko araw-araw, Isang libo? Dati halos masunog ang balat ko kakagapas ng mga Damo sa bukid kung saan kami mamamasukan ni Tiyang Cora ko kahit na hindi man lang umabot ng 300 ang kinikita namin kahit dalawa na kami tapos napapagalitan pa ako lage kasi mabagal daw ako.
Nanlalaki ang mga mata ko ng mahawakan ko ang Baon ko para sa araw na iyon. "A-akin po ito?"
"Oo." nakangiting turan nito. "Simula ngayon araw-araw kang makakatanggap ng 1k hanggang makatapos ka kaya sabi ko sayo wag mong isipin ang mga classmate mo sa kung anong pwede nilang sabihin tungkol sa iyo ha." yumuko ako saka ako tumango tango. "Umiiyak ka ba?"
"M-masaya lang po ako k-kasi---- dati halos magkandakuba na po ako para sa kakarampot na halaga na kikitain ko pero ngayon papasok lang ako at mag-aaral ng mabuti heto at may Isang libo na agad ako." kinuha ko ang panyo sa bulsa ng uniform ko saka ako marahang nagpunas ng mukha ko nakakahiya kung papasok ako na umiiyak.
"Ang bait ni Sir Miguel ano. Ramdam kong mahal na mahal ka niya."
"Salamat po!" sabay yakap ko dito.
"Naku naman talaga napakaiyaking Bata. " tinapik-tapik nito ang Balikat ko. "Kung may dapat kang pasalamatan si Sir Miguel yon. O Sige na baka ma-late ka na, yung Credit card mo natatandaan mo pa ba kung pano yan gamitin?"
Humiwalay na ako mula sa pagkakayakap ko kay Ate Janina. "O-opo. Okay na po ako. Gagalingan ko po sa klase!"
"That's the spirit tama yan. So pano alis na ako. Si Mang Benito ang magsusundo sayo mamaya ha, tanda mo pa naman ata ang Kotse ni Sir Miguel tama."
"Tanda ko pa po."
"Okay. Basta sasabihin ko kay Mang Benito na dito ka susunduin sa Gate 6. Sige alis na ako. Pasok ka na."
"Opo." sagot ko saka ako naglakad at humalo sa ibang Estudyante papasok sa Gate. Muli kong nilingon si Ate Janina nakatalikod na ito at may kausap sa Cellphone niya sigurado akong si Don Miguel yon.
Pagbubutihin ko para hindi masayang ang Perang gagastusin ni Don Miguel para sa pag-aaral ko.
"SALAMAT SA PAG-AASIKASO KAY Eloisa. And about sa Company paki-contact mo si Attorney Damiano Cru pakisabing naipadala ko na sa Address ng Opisina niya ang Testamento na ginawa ko may mga pirma ko na yon kaya wala ng problema."
"Okay po Sir. Babalik na po ako sa M.Acosta Company. Si Manong Benito na po ang susundo kay Eloisa pag-uwe."
"Okay Janina. Thanks again."
"You're welcome Sir."
Ibinaba ko na ang tawag. Buti naman at maayos ang unang Araw ng pasok ni Eloisa sa Hamilton International School tiyak na madami siyang magiging manliligaw pero sana naman hindi magbago ang nararamdaman niya sana seryoso siya nung sabihing niyang 'Mahal niya ako' tingin ko si Eloisa na ang kapalit ni Winona sa puso ko at umaasa ako na hindi siya kagaya ni Winona na mukhang Pera!
Kinuha ko ang Sumbrero ko Oras na para maglibot-libot ako sa Lupain ko para malaman na rin kung anong mga Produkto ang pwede na naming anihin bukod sa Kopra. Balak kong dito tumira hanggang pagtanda ko dahil dito sa Lugar na ito nag-umpisa akong magambisyon na balang Araw malalagpasan ko ang mga nagawa ni Kuya. Naging mabait na Kapatid si Kuya Armando ngunit hindi ko maialis na may sama ako ng loob sa kanya simula nang ahasin niya sa akin si Winona. Kaya pala lagi siyang narito sa Haciendang inayawan niyang manahin dahil interesado siya kay Winona pareho ko silang pinagkatiwalaan pero winasak nila ang tiwala ko! Sana hindi katulad ng Babaeng yon si Eloisa.
Nakalabas ng ako Hacienda ng matanawan ko ang Kotse ni Steven ang nag-iisa kong Pamangkin. Ano naman kaya ang kailangan niya at andito siya?
Nagpatuloy ako sa paglakad papunta sa Kabayong nakatali sa Puno.
"Tito Miguel!" masayang tawag nito.
Kumaway ako bilang sagot.
Hininto nito sa gitna ng driveway ang Kotse saka nagmamadaling lumabas may hawak itong kung ano sa kaliwang kamay nito.
"Mangangabayo po kayo?" nakangiting tanong nito ng makalapit na sa akin.
"Oo. Bibisitahin ko ang Plantasyon ng Kopra kasama yung ibang prudokto ng Hacienda. Ikaw bakit ka narito? Hindi ba't dapat nasa Maynila ka at tumutulong sa Papa mo para maibangon ang bumabagsak niyang Kumpanya."
"Aahhh." sabay lagay na kamay nito sa kaliwang bahagi ng dibdib. "Straight from the heart naman yon masyado Tito Miguel--- ummm andito po ako kasi may gusto po sana akong i-discuss sa inyo kung pwede lang po at kung hindi naman kayo masyadong busy."
Dumapo sa hawak nitong Brown envelope ang mga mata ko na agad naman nitong napansin.
"Tungkol nga po dito sa dala ko."
Kung ano man yong nasa loob ng dala niyang envelope parang hindi maganda ang kutob ko. "Ano ba ang tungkol diyan?"
Tumitig ito ng matagal sa akin saka ngumisi. "Ah eh kasi matanda na kayo at wala po kayong tagapagmana ng lahat ng Ari-arian nyo kaya naisip ko na pumunta dito para papirmahin po kayo dito sa dala kong Dokumento na nagsasabing ako ang hahahili sa inyo sakaling may mangyaring hindi maganda sa inyo bilang nag-iisa niyong Pamangkin."
Sabi ko na nga ba. Anak nga siya ni Winona pareho silang gahaman sa Pera.
Tumikhim ako saka ako umangkas sa likod ni Bagwis. Inayos ko ang sarili ko saka ko ito muling tinapunan ng tingin. "Alam ba ni Kuya ang mga pinagsasasabi mo Steven. Malayo ka kay Kuya na kahit bagsak na ang Kumpanya niya ni minsan hindi siya lumapit sa akin para humingi ng kahit ano mula sa pinaghirapan ko, alam mo kung bakit? Dahil alam niyang hindi ko siya tutulungan. Pasensya ka na kung umasa kang Ikaw ang magiging tagapagmana ko, maiwan na muna kita marami pa akong aasikasuhin."
Bahagya kong winasiwas ang renda ni Bagwis para lumakad na ito. Hindi ko na nilingon pa ang magaling kong Pamangkin. Nahuli na siya dahil nung Isang Araw ko pa naibigay sa Abogado ko ang Testamento kung sino ang lihitimo kong tagapagmana at yon ay si Eloisa.
BINABASA MO ANG
I am Don Miguel's Property
Storie d'amoreNapabalikwas ako nang bangon ng may maramdaman akong humahaplos sa mga hita ko. "D-Don Miguel?!" agad akong bumangon saka nagtakip ng kumot. Ngumisi ito. "Naistorbo ko ba ang tulog mo Eloisa?" Nanginginig akong umatras hanggang sa tumama ang likod k...