Nag-aagaw na ang dilim ng makarating kami sa Wanda's Resort napakaganda ang buong Lugar! Ang lawak ng parking lot at ang daming ilaw talagang pangmayaman ang pagkaka-disenyo nito. Naka-ilang ikot pa kami sa malawak na parking lot sakay ng Kotse bago nakakita ng bakanteng puwesto si Don Miguel. Kabado kong hinawakan ang dala kong maliit na bag sabi ni Ate Lora purse daw ang tawag sa hawak ko nilagyan niya din ito ng lipstick at ilang make-up pang-retouch daw saka tissue at wet wipes.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto sa gawi ko. Nakangiting inilahad ni Don Miguel ang kamay para alalayan akong makalabas ng Kotse. Inabot ko iyon.
"Nervous? Nanlalamig ka." nilagay nito sa braso niya ang kanan kong kamay saka yumuko. "Kasama mo ako Eloisa wala kang dapat ikatakot."
Sinikap kong ngumiti saka ako tumingala. "K-kasi puro mayayaman yung mga taong invited gaya mo tapos----."
"Girlfriend kita kaya kung ano ang meron ako sayo na din yon. Walang bastos sayo dito dahil ako ang makakalaban nila. Kaya smile ka lang gusto kong ikaw ang pinakamaganda ngayong gabi." sabay halik nito sa pisnge ko.
Kumapit ako ng mahigpit sa braso ni Don Miguel para hindi ako mahiwalay sa kanya. Naglakad kami papasok sa Entrance kung saan may mga naggagandahang Babae at naggagwapuhang Lalake ang nakabantay sa Entrance naka-upo ang tatlong Babae sa Isang mahabang mesa may ipinapakita sa kanila na papel kaya naalarma ako.
"D---- Miguel.". tuhikhim ako. "Ano yung papel na pinapakita nila?" nakangiting tanong ko para Hindi halata na medyo kinakabahan ako.
"Invitation Card yon. Bakit?"
"Dala mo yung ganyan natin?" muli kong tanong habang dahan dahan ang ginawa kong paghakbang palapit sa mesa kung saan naka-upo ang mga Babae.
"Hindi ko ugaling nagdadala ng ganon. Bakit?"
"Baka hindi nila tayo papasukin."
Nginitian lang ako ni Don Miguel saka nito tinapik ng marahan ang kamay ko na nakakapit sa braso niya.
Sabay-sabay na tumayo ang mga Babae ng makita kami. "Good evening po Sir Acosta." saka sila yumuko. Bumati din ang mga Lalake.
"This way po, Sir." sinamahan pa kami ng isa sa kanila. Nauna itong maglakad papasok sa loob ng Resort.
"Wow." manghang bulong ko talagang ang ganda! Lalo na ang stage kung saan naroon ang 3rips!
Napahawak ang ko bibig ko saka ako napatingala kay Don Miguel na kasalukuyan namang nakayuko sa akin at nakasimangot.
"3rips po yon, diba?" nangingiting tanong ko.
Tumaas lang ang isang kilay ni Don Miguel.
"Opo Ma'am sila nga po ang 3rips.". sagot ng Lalakeng gumabay sa amin sa mesa namin.
Narinig kong tumikhim si Don Miguel kaya medyo nawala ang ngiti ko.
"Ma'am, Sir dito na po ang Table nyo. Enjoy the Night po." bahagya pa itong yumuko saka umalis.
Hinatak ni Don Miguel ang isang upuan. "Umupo ka na muna Eloisa."
"O--oo." saka ako tahimik na sumunod sa sinabi nito. Hindi ko maiwasan ang sarili ko ng sulyapan ang tatlong Lalake ng nasa Stage ngayon at naghanda nang kumanta.
"Matutunaw yang mga yan sa titig mo." yamot ng sambit ni Don Miguel. Nilingon ko ito saka nginitian baka sakaling mawala ang init ng ulo nito.
Napasinghap ako ng hawakan nito ang hita ko saka lumapit sa tainga ko ay may binulong. "Okay lang na titigan mo sila. Mamaya ako babawi alalahanin mong nasa Resort tayo at inarkila 'to ng buo ni Kuya magsaya ka na ngayon dahil mamaya siguradong pangalan ko lang ang tatawagin mo." saka ako nito ginawaran ng halik sa batok na ikinatayo ng mga balahibo ko sa Katawan!
Nagkasalubong kami ng tingin ni Don Miguel, ngumisi ito mukhang may binabalak na namang siyang gawin, kung dati natatakot ako sa kanya iba na ngayon parang unti-unti na akong nasasanay sa kanya. Nginitian ko ito ng pagkatamis-tamis saka ako sumandal sa Balikat nito napabuntong hininga naman ito at hinagkan ako sa noo.
May lumapit na Waiter sa mesa namin at naglagay ng dalawang wineglass at alak agad din itong umalis pagkalagay ng mga iyon.
Umayos ako ng upo ng kinuha ni Don Miguel ang bote saka binuksan at nagsalin ng sa dalawang wineglass na nasa mesa.
"Anong klaseng Alak yan D----." nalunok ko ata ang dila ko ng titigan ako nito. Nakalimutan kong ayaw na niyang tinatawag ko siya ng Don Miguel para ilang Araw palang kaming magkasamang dalawa pero parang taon na ang katumbas non. "M-Miguel----."
"Champagne, hindi naman ito nakakalasing kaya pwede kang uminom, kung malasing ka man kasama mo naman ako I'll take care of you." pilyong saad nito. Parang kanina pa pumi-pick-up line itong si Don Miguel ah naiihi tuloy ako!
Muli akong ngumiti ng malambing kahit ang totoo pigil na pigil ko ang sarili kong maihi!
"I like your smile." lalong lumaki ang pagkakangiti nito sabay lagok ng Champagne.
"Na-i-ihi kasi ako Miguel." impit kong sagot na ikinasamid naman nito. "A-ayos ka lang ba?"
Uubo-ubo itong tumayo saka hinawakan ang kamay ko. "Let's go lilinisin ko din ang coat ko."
Dahan-dahan akong tumayo baka Kasi biglang sumabog ang pantog ko kung magmamadali ako.araming bumabati kay Don Miguel lalo na mga Babae na tinatanguan lang niya. May nahagip ako ng tingin sa di kalayuan nakatayo ito habang titig na titig sa aming dalawa ni Don Miguel, napakaganda niya mukhang masengrande ang suot niya kesa sa ibang mga Babaeng narito ngayong gabi. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang nakasimangot nitong anyo binawi ko ang tingin mula sa kanya saka ako kumapit ng mahigpit kay Don Miguel. Sino kaya yung Babaeng yon? Bakit ganon na lamang siya kung makatingin sa aming dalawa kulang na lang e kainin niya ako ng Buhay. Teka asan kaya yung Kuya ni Don Miguel pati yung Asawa niya? Kanina pa kami naka-upo ni hindi man lang sila pinakilala sa akin ni Don Miguel tapos bawal ko din titigan yung 3rips! Ano ba yan lalo tuloy akong na-i-ihi!
Natawa si Don Miguel nang marating namin kung nasaan ang mga CR pano nagmamadali akong pumasok puputok na kasi talaga ang pantog ko! Ang lakas pa makatawa ng kasama ko. Humanda siya sa akin paglabas ko.
BINABASA MO ANG
I am Don Miguel's Property
RomanceNapabalikwas ako nang bangon ng may maramdaman akong humahaplos sa mga hita ko. "D-Don Miguel?!" agad akong bumangon saka nagtakip ng kumot. Ngumisi ito. "Naistorbo ko ba ang tulog mo Eloisa?" Nanginginig akong umatras hanggang sa tumama ang likod k...