Talagang makikipagmatigasan ka sa akin Tito Miguel, sige lang tignan natin kung sino ang mananalo sa ating Dalawa. Nilibot ko ang paningin ko sa malawak ng Bakuran ng Villa.
"Magiging akin din itong lahat malapit-lapit na sa ayaw at sa gusto ng magaling kong Tiyuhin." bulong ko sinigurado kong ako lamang ang makakarinig ng mga pinagsasasabi ko para iwas pusoy.
Magpapahinga muna ako sa loob ng maganda kong Villa aantayin ko si Tito Miguel para mapirmahan na niya ang dala kong Dokumento at may naisip na akong paraan para dun.
"MAGANDANG ARAW PO SA INYO." Don Miguel bati sa akin ni Ernesto halos kasing tanda ko lamang ito may Asawa na siya pero mailap pa sa kanila ang pagkakataon ng Anak.
"Kumusta ang Planta?" itinabi ko si Bagwis bago ako bumaba mula sa likuran nito saka ko ito itinali sa isang halige.
"Ayos naman po, malakas po ang produksyon ng langis Don Miguel."
"Maganda kung ganon para Masaya lahat pagdating nang Pasko, masmadaming benta masmadaming kita diba."
"Tama po kayo. May ipinabibigay nga po pala ang Misis ko para sa inyo." nakangiting turan nito sabay abot ng hawak na basket.
Tumaas ang gilid ng labi ko. "Ano naman kaya yan Ernesto?"
Minasdan nito ang hawak na basket, alam namin pareho na malaki ang pagkakagusto sa akin ni Marissa nagkataon lang na wala akong hilig tumalo ng mga Babaeng Karelasyon nang Kaibigan ko.
"Ah, Yung paborito mo daw itong Suman na Kamoteng Kahoy. Talagang tanda pa ni Misis ang mga paborito mo kesa sa akin na Asawa niya."
Alam kong masakit para kay Ernesto na magbitbit ng pagkaing ginawa mismo ng Asawa niya para sa ibang Lalake. Matangkad at guwapo naman si Ernesto halos pareho lang kami ng pangangatawan kaya nakapagtatakang hindi man lang ito matapunan ng pansin ni Marissa kahit na Kasal na silang Dalawa at ako pa ang Bestman.
Tinanggap ko ang basket. "Salamat dito pakisabi sa Misis mo at-----." ano pa nga bang dapat kong sabihin? Dapat yung sakto lang, isip Miguel! "Kumusta naman kayo ni Marissa?" sh*t bakit yon ang banat mo! B*bo ka talaga Miguel ano na lang iisipin ni Ernesto na interesado ka sa Asawa niya!
Tumikhim ako para iwas pahiya na din.
"Ayos naman siya. Ayon bisi-bisihan sa maliit niyang Tindahan sa Bahay namin." nawala ang ngiti nito saka seryosong tumitig sa akin. "Alam naman natin pareho na Ikaw ang gusto niya diba Miguel."
Napabuntong hininga ako sa sinabi nito magkababata kaming Tatlo masbata lang ng Limang taon sa amin si Marissa. Maganda si Marissa Labing-apat na taon siya ng makilala namin siya ni Ernesto. Simula pa lang alam ko nang itinatangi na siya ni Ernesto ang kaso mukhang ako ang type ni Marissa.
"Hayaan mo na yon Pare, mawawala din yung 'paghanga' sa akin ng Misis mo ang mahalaga sayo siya nagpakasal diba." sabay kaming naglakad para libutin ang buong Plantasyon. Dati pareho lang kaming naglalaro dito away-bati din kami dati, nakakatuwa lang na hanggang pagtanda namin eh close pa din kami sinong mag-aakala na siya ang magiging Katiwala ko dito sa Hacienda.
"Napilitan lang siyang magpakasal sa akin dahil sa utang na loob at kahihiyan na din. Pumatol kasi siya dati sa Lalakeng may Asawa na." mapait na wika ni Ernesto.
"Yon ba yung Engineer?" tanong ko habang binabalatan ang Suman. "Kuha ka tutal gawa naman to ng Asawa mo." alok ko.
"Oo. Nasa Maynila ka nung mga panahong yon, kumalat sa Buong Bayan na Kabet si Marissa ng isang Engineer at ang masaklap pa ay sumugod ang tunay na Asawa nito kaya ang ending sa galit niya ng makita si Marissa sa pinagtatrabauhan nitong Karinderya binuhusan niya ito sa mukha ng mainit ng sabaw---- kaya nawala ang ganda niya na kinaiinggitan ng lahat."
BINABASA MO ANG
I am Don Miguel's Property
RomanceNapabalikwas ako nang bangon ng may maramdaman akong humahaplos sa mga hita ko. "D-Don Miguel?!" agad akong bumangon saka nagtakip ng kumot. Ngumisi ito. "Naistorbo ko ba ang tulog mo Eloisa?" Nanginginig akong umatras hanggang sa tumama ang likod k...