Eloisa's POV
"Sino po kayo?" Tanong ko sa mga nagdoorbell sa gate. Ang aga naman atang bisita ito.
"Hello, Goodmorning Madame kami po yung pinapuntang mga Stylist at-----." Bigla itong tumigil saka tumanaw sa malayo. "Hi, Sir Miguel! Goodmorning po!"
Napalingon din ako sa likuran ko, naglalakad na palapit ng Gate si Don Miguel dala ang susi.
Bahagya akong tumabi ng Susian na nito ang lock ng Gate.
"Ang aga ha. Tamang-tama nagluluto pa lang kami ng Almusal."
"Ay tamang-tama po Sir Miguel hindi pa po kami kumain ng Almusal kasi natatakot kaming ma-late sa appointment namin sa inyo eh baka naman pwede po maki-kain na din." Masayang saad ng medyo may edad na Transgender. Maharot ito pero mukha naman silang mababait.
"No problem." Saka ako inakbayan ni Don Miguel. "I want you to meet Eloisa."
"Girlfriend nyo po Sir?" Agaw na tanong ng Transgender.
Tumikhim ako sabay yuko alam kong hindi niya sasagutin ang tanong na yon dahil wala namang kami tanging init lang sa Kama ang halaga ko kay Don Miguel kapalit ng libreng pag-aaral ko.
Pinisil ni Don Miguel ang kanang balikat ko kung saan nakaakbay ang braso niya.
"Girlfriend ko nga siya at gusto kong siya ang pinakamaganda mamaya sa Wedding Anniversary ng Kuya ko kaya gawin nyo ng maayos ang trabaho nyo para dadagdagan ko ang ibabayad ko sa inyo." Sagot ni Don Miguel napatitig na lamang ako sa kanya parang gusto ko atang umiyak sa tuwa. Girlfriend daw niya ako?! Ang sarap pakinggan kaso hindi naman yon totoo nasabi niya lang yon para hindi ako mapahiya sa kanila.
"AYYY! ANG SWEEEETTTT!" Tili nito.
"Hoy Efipania! Bunganga mong Bakla ka!" Saway ng kasama niyang Babae na may katabaan pero maganda siya at napakatangos ng ilong!
"Grabeh naman makabakla itong Babaeng retokada na 'to! E sa kinikilig ako eh!" Galit-galitan na sagot nito.
"Oi mahiya nga kayong dalawa kay Sir at kay Madame." Saway nito sa dalawa saka bumaling sa amin. "Pasensya na po kayo sa dalawang yan Sir medyo nalipasan na po kasi sila ng gutom."
"It's okay. Tara pasok kayo para makapag-almusal na muna kayo." Aya sa kanila ni Don Miguel. Nauna kaming naglakad papasok sa loob ng Mansyon.
Tinulungan nila kami sa paghahanda ng Almusal ang saya nilang kasama ngayon ko lang uli naramdaman na kahit paano may halaga ako, dati simula ng hindi na nagparamdam si Mama itinuri na akong ibang tao ng Tiyahin ko buti pa ang hindi ko kamag-anak nagagawa pa akong tanungin kung kumusta na ako kaso inaaway sila ni Tiya Cora kapag nakikita nitong kinakausap ako ng mga Kapitbahay namin o kapag inabutan ako ng kahit na ano kaya para walang gulo ako na mismo ang umiwas sa kanila kilala naman nila ang ugali ng Tiyahin ko eh.
"Uy, ang seryoso mo naman diyan Madame."
Nag-angat ako ng tingin mula sa ginagawa kong paghiwa ng mga hotdog na ihahalo ni Don Miguel sa pa-Sopas niya. "Ah. M-may naalala lang po kasi ako eh p-pasensiya na po. B-bakit po may hihiwain pa po ba ako?"
Nakaramdam ako ng hiya dahil nakatingin silang lahat sa akin pati si Don Miguel saka ito humakbang palapit sa akin para punasan ang pisnge ko, umiyak pala ako?
Niyakap ako ni Don Miguel kaya yumugyog ang mga Balikat ko sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib nito saka ako tuluyang umiyak.
"Ummm, Sir tingin ko kami na lang pong bahala dito sa Sopas mukhang kailangan ata ni Madame ng makaka-usap." Dinig kong sambit nung Efipania.
"Okay, kayo ng bahala. Doon nyo siya aayusan sa Guestroom naroon na din ang susuotin niyang Gown."
"Okay po Sir!"
Binuhat ako ni Don Miguel para kalungin saka ito naglakad ayokong tumingin sa mga kasama namin nahihiya ako dahil sa inasal ko bigla na lang akong umiyak ng walang dahilan mukha tuloy akong t*nga!
Dinig na dinig ko ang pintig ng puso ni Don Miguel habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib nito. Sa Sala kami pumunta umupo sa malaking sofa habang kalong ako. "May problema ba, Eloisa? Ayaw mo bang pumunta sa Wedding Anniversary nila Kuya?"
"G-gusto ko pong pumunta Don Miguel." Mahinang sagot ko habang nakasubsob pa din sa dibdib nito.
"E bakit umiyak ka kanina?"
Umiling akong. "Wala po iyon. Masaya lang po ako kasi pakiramdam ko tanggap na tanggap po ako ng mga tao sa paligid ko hindi gaya dati noong nasa poder pa po ako ni Tiya Cora kahit anong gawin ko talagang mainit po ang dugo niya sa akin saka nakakakain po ako dito ng maayos hindi ko po kailangang kalkalin ang Ref para humanap ng tira-tira nila Tiya na puwede kong kainin. Talagang masaya lang po ako Don Miguel saka ngayon lang po ako makakakain ng Sopas. Pasensya na po kung gumawa ako ng eksena, nakakahiya po."
Banayad na hinaplos ni Don Miguel ang buhok ko lalo lang tuloy akong umiyak naalala ko kasi noong Buhay pa ang Papa ko masaya kaming tatlo nila Mama lahat ng gusto ko binibigay nila hanggang atakihin sa Puso si Papa tapos nangibang Bansa si Mama at naiwan ako kay Tiya Cora. Pakiramdam ko ng mga oras na iyon wala akong kakampi wala ng taong magtatanggol sa akin kapag may sumalbahe sa akin walang makikinig ng mga hinaing ko pinabayaan na ako ng Mama ko, nag-iisa na lang ako simula noon pero nagbago ang lahat nang gabing yon ang unang gabing nakuha ako ng buo ni Don Miguel, kahit na noong una iba ang pakikitungo niya sa akin talagang pambayad utang lang pero sa paglipas ng mga oras at araw heto na kaming Dalawa. Kay Don Miguel ko muling naramdaman na protektado ako lahat ng hindi ko naranasan dati pinaranas niya, ayos lang sa akin kahit may kapalit lahat ng pagiging mabuti niya sa akin ang mahalaga asa tabi ko lang siya Lage. Nakakatakot nga siya pero may parte ng pagkatao niya ang puro at dalisay, alam kong malaki ang agwat ng mga edad naming dalawa kahit ang estado ng Katayuan namin sa Buhay ay Malaki din ang pagkaka-iba kaso--- hindi ko maiwasang mahulog kay Don Miguel habang tumatagal na magkasama kaming Dalawa masnakikilala ko siya, na kay Don Miguel ang tipo ko sa isang Lalake. Alam kong wala kaming label at lalong walang patutunguhan kung anumang Meron kami ngayon kaya habang gusto pa ako ni Don Miguel gagawin at ibibigay ko lahat ng kaya ko bilang isang Babae.
Niyakap ko ng mahigpit si Don Miguel.
"Sssshhh. Tahan na Eloisa kalimutan mo na sila Cora at Cherrie isa pa hindi na kita ibabalik sa kanila. Dito ka lang sa poder ko at mag-aaral ka hanggang makapag-tapos ka." Pag-aalo nito sa akin.
"O-opo--- salamat po talaga--- Don Miguel mag-aaral po akong mabuti."
"Nakahanda na po ang masarap na Almusal mga Lovebirds of the year!" tawag sa amin ni Miss Efipania.
Nagkatawanan kami ni Don Miguel sa sinabi nito. Pinunasan ko ang mga luha ko saka ako tumayo kasunod ko naman si Don Miguel umakbay uli ito sa akin at sabay kaming naglakad papuntang Dining area, nakahain na nga sila. Umupo ako agad sa upuan ko saka ko inihipan ang isang mangkok ng mainit na Sopas.
"Ang init!" Daing ko ng mapaso ang dila ko. Nagtawanan naman sila kaya nahiya ako inabot ko ang basong may lamang tubig saka inubos ang laman non.
"Dahan-dahan lang Eloisa." Nakangiting paalala ni Don Miguel.
Nagkantiyawan na naman ang mga kasama naming mga Stylist. Wala ng hiya-hiya pa sumandok uli ako ng Sopas ng maubos ko ang laman ng mangkok ko hindi ko na din alam kung naka-ilan na ako basta gusto ko pang kumain!
BINABASA MO ANG
I am Don Miguel's Property
RomanceNapabalikwas ako nang bangon ng may maramdaman akong humahaplos sa mga hita ko. "D-Don Miguel?!" agad akong bumangon saka nagtakip ng kumot. Ngumisi ito. "Naistorbo ko ba ang tulog mo Eloisa?" Nanginginig akong umatras hanggang sa tumama ang likod k...