KABANATA 34

1.6K 34 0
                                    

Sa Divine Cross Hospital dinala si Eloisa ito kasi ang pinakamalapit na Ospital sa Apartment Building namin.
Pinarada ni Janina ang Kotse malapit lang sa Entrance ng Ospital saka ito lumabas para kunin mula sa likod ng Sasakyan ang wheelchair ko. May mga lumapit na Staff ng Ospital ng makita nilang hindi magkandatuto si Janina kung paano niya ako maililipat sa wheelchair, bigla kong naalala si Eloisa siguro nahihirapan din siya sa tuwing inalalayan niya ako para i-upo sa wheelchair komlalonna ngayon na bumalik sa dati ang Katawan ko nahiyang ako sa pag-aalaga niya.

"Salamat mga Kuya." dinig kong sambit ni Janina sa mga tumulong sa amin saka ko lamang namalayan na nailipat na pala nila ako sa wheelchair ko.

"Always welcome po Ma'am. Tawagin n'yo lang po kami kapag kinailangan n'yo ng tulong." saad ng isa sa kanila.

"Sige po." paalam ni Janina, itinulak na nito ang wheelchair ko palapit sa Reception Area.

"Miss, saan po dinala si Eloisa Montes?" tanong ni Janina.

"Goodmorning po. Sandali lang po titignan ko po sa System namin---- nasa Room 0415 po si Miss Eloisa Montes, Ma'am." magalang na sagot ng Nurse.

"Kung nasa private room na po siya o di pwede na ho ba namin siyang makita?" dagdag ni Janina.

"Yes po Ma'am pwede n'yo na po siyang dalawin, kung may tanong po kayo pwede ho ninyong ipatawag si Doktora Lopez siya ho kasi ang naka-assign kay Miss Montes."

"Sige. Pwede bang pakikontak na siya para maka-usap namin pagdating namin sa Kuwarto ni Eloisa."

"Pwede po, Ma'am." magalang nitong sagot kay Janina, itinuro din nito sa amin ang direksyon kung paano namin makikita ang Kuwarto ni Eloisa.

Hinanap namin agad ang lokasyon ng Kuwarto ni Eloisa, parang ang bagal ng kada hakbang ni Janina o baka dahil sa kagustuhan kong makita agad si Eloisa kaya para sa akin mabagal ang bawat galaw namin.

"Ayun! Found it Sir!" sabay tapik nito sa balikat ko. "Relax lang po kayo. Siguradong ligtas na si Eloisa."

Dahan-dahan ang pagtulak nito sa wheelchair ko, si Janina ang nagbukas ng pinto bumungad sa akin ang nakahingang anyo ni Eloisa wala pa din itong malay.

"Kayo ho ba ang kamag-anak ng pasyente?" hindi ko napansin ang nakatayong Doktor sa gilid ng kama ni Eloisa.

"Opo Doktora. Si Sir po ang Boyfriend ng pasyente." sagot ni Janina saka nito itinulak papasok ng Kuwarto ang kinauupuan kong wheelchair.

Nanatili lamang akong nakatitig kay Eloisa hindi ito mangyayari kung hindi ako nagkaganito.

"Doc, ano na hong lagay ni Eloisa?" tanong ni Janina.

Tumikhim muna ang Doktor. "Ayos na po ang pasyente wala na po siya sa panganip, niraspa po namin siya para walang maiwan na dugo mula sa nabubuo pa lamang na embryo."

Nabaling ang tingin ko sa Doktor na tumingin kay Eloisa. "A---nong em---bryo."

"Sir, relax lang po ako na pong bahalang kumausap kay Doktora." alam kong na-gets agad ni Janina ang ibig sabihin ng Doktor.

Bumuntong-hininga ang Doktor. "Tingin ko hindi po ata alam ng pasyente na mag-iisang Buwan na ho siyang Buntis, nalaglag po ang Bata sanhi po ng pagkakauntog o baka tumama po siya sa kung saan. Sorry po hindi po namin naisalba ang Bata."

Hindi ko napigilan ang mga luha ko, nawala ang Panganay namin ni Eloisa---- ang pinaghirapan naming buoin gabi-gabi at pinagpuyatan pa nawala na lang ng ganon!

Nagkuyom ang mga kamao ko hinding-hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila sa mag-ina ko! Pinalampas ko ang ginawa sa akin ni Steven pero itong nangyari kay Eloisa kahit kelan hinding-hindi ko sila mapapatawad!

"E---E---loi----sa----." napayuko ako habang umiiling sige ang tulo ng mga luha ko ngayon lang ako nasaktan ng ganito ang sakit-sakit palang mawalan ng Anak kahit hindi ko man lang siya nakita o nahawakan hindi ko maitatangging nasasaktan ako ngayon paano pa kaya kung malaman ni Eloisa na nawala ang Panganay namin.

"S-Sir. Hindi ko po alam ang pwede kong sabihin para mapagaan po ang nararamdaman n'yong lungkot. M-magpakatatag po kayo para kay Eloisa, ngayon pong nakakapagsalita na kayo maaari na po nati silang singilin---- naaawa po ako kay Eloisa----."

Hindi na din napigilan ni Janina ang sarili malakas itong humagulhol kasabay ng hinagpis ko sa pagkawala nang munti kong Anghel.

Tahimik na lumabas ng Kuwarto si Doktora hindi na ito nagpaalam pa sa amin ramdam din niya ang bigat nang pinagdadaanan namin ni Janina.

"MA?! WHAT HAPPENED PARA PO kayong hinahabol ng isang katerbang Aso ah." gulat na gulat ito ng bigla na lamang akong pumasok sa loob ng Opisina nito sa Acosta Group of Company asa 21st Floor ang Opisina nito. Napakalaki ng Building ng AGC halos kasing lapad ito ng MOA Ganon katayog ang yaman ni Miguel hindi ko akalain na mahihigitan niya ang Kuya Armando niya.

Agad kong sinara ang pinto ng Opisina ng Anak ko saka ako umupo sa malapad nitong couch, isinandal ko ang likod ko saka ko kinalma ang sarili ko.

"Ma, may problema ho ba? Nag-away ho ba kayo ni Papa?"

Ipinikit ko ang mga mata ko. "Hindi."

"Hindi? E bakit mukhang problemado ho kayo?"

"Nagpunta ako kanina sa bagong tirahan ni Miguel at ng Babaeng 'yon."
pag-uumpisa ko.

"Talaga? Nakita n'yo ho 'yung Lugar nila? Nakuha n'yo ho ba si Tito Miguel? Kung hindi ako na hong gagawa----."

"Nadisgrasya ko si Eloisa."

"Ho? Nadisgrasya? Pano?" takang tanong ni Steven alam kong kursunada niya ang Babaeng iyon pero bilang pampalipas Oras lang naman.

"Steven, Anak. Ayokong makulong."

"Kulong?" dinig ko ang pagtayo nito mula sa inuupuang swivel chair saka ito naglakad kaya nagmulat ako ng mga mata ko nakatingin na ngayon ito sa akin halatang naguguluhan ito.  "Ma, ano ho bang ginawa n'yo kay Eloisa?"

"Hindi ko naman 'yon sinasadya ayaw niya kasi akong papasukin para maka-usap si Tito Miguel mo kaya pwersahan kong itinulak ang pinto tapos nawalan siya ng balanse nauntog yung tiyan niya sa kanto ng mesa at----- at-----."  biglang bumalik sa akin ang mga naganap kanina kung paanong namilipit sa sakit si Eloisa lalo na nung natumba ito at may umagos na dugo sa pagitan ng mga hita nito!

"At ano pong nangyari, Ma?"

"Dinugo si Eloisa."

Naipatong ni Steven ang dalawang kamay sa ulo saka ito tumalikod at muling humarap sa akin.  "Shit, magkakaroon na pala ng Legal na tagapagmana si Tito Miguel kailangan ko na palang ihanda ang lahat, magpapatawag ho ako ng Board meeting next week kaya siguraduhin n'yo pong hindi malalaman ni Papa dahil walang alam si Papa sa mga nangyayari lalo na sa sitwasyon ngayon ni Tito Miguel."

Maang akong napatitig sa Anak ko talagang malaki ang pinagbago niya simula nang itulak niya si Miguel sa hagdan.   "Steven, paano kung ipakulong nila ako?"

Tumawa ito.  "Ma, kung walang saksi at matibay na ebidensiya hindi ka nila kayang ipakulong."

Nalunok ko ang laway ko sa sinabi nito.  "N-nakita ako ni Tito Miguel mo."

Natigilan ito sa pag-upo sa swivel chair.   "Ma, anutil na si Tito Miguel kung mapasama si Eloisa o di madali nating makukuha si Tito at masmadali natin siyang mapapasunod dahil sa kalagayan niya diba.". nakangising saad nito.

"N-nakapagsalita na si Tito Miguel mo at nakakagalaw na din siya."

Nanlaki ang mga mata ni Steven hindi ito makapaniwala sa sinabi ko.   "What? No! Hindi niya pwedeng makuha lahat ng bagay na Meron ako ngayon!"

Kinuha nito ang Telepono at may kinausap sa kabilang linya.  "Arrange an Urgent Meeting next week all Board members should be there understand!"

Pabagsak nitong ibinaba ang Telepono saka ako tinapunan ng tingin.  "Kayo na hong bahala kay Papa. Next week po magiging ganap ko nang pag-aari ang lahat ng naipundar ni Tito Miguel."

I am Don Miguel's Property  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon