Ibinili ako ni Ate Janina ng Cellphone para daw may magamit ako kung may kailangan ako para makontak ko daw siya at higit daw sa lahat ay para maka-usap ko si Don Miguel kahit daw malayo kami sa isa't-isa.
Matiyaga akong tinuruan ni Ate Janina kung paanong gumamit ng Cellphone. Sa una nangangapa pa ako pero nung magamayan ko na madali lang pala! Ginawan din niya ako ng Facebook account para daw makita ni Don Miguel ang mga picture ko habang nag-aaral ako pati messenger itinuro niya sa akin. Madali kong nakagaanan ng loob si Ate Janina kasi mabait siya at laging naka-alalay sa akin ngayon ko lang naramdaman yung may nagbigay sa akin ng atensyon at Oras kahit hindi ko kaano-ano.
"Siguro curious ka kung paano ko nakilala si Sir Miguel noh?"
Tapos na kaming magmeryenda dito sa isang Coffee Shop sa loob ng Mall. Tumango ako bilang sagot kay Ate Janina.
Huminga muna ito ng malalim saka nagsimulang magkuwento. "Dating empleyado ni Sir Miguel ang Mama ko matanda na si Mama nung naging Boss niya si Sir tapos akong non nasa Highschool palang ata ako non masipag at mabait si Mama kaya napalagay agad ang loob ni Sir tapos napansin niya ako isang beses nung hinatiran ko ng baon si Mama kauuwe ko lang galing sa Eskwelahan kaya hindi pa ako nakapagpalit ng damit hindi ko alam na si Sir Miguel pala ang may-ari ng buong Building na pinapasukan ni Mama bilang Janitress e hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Mama kaya nagtanong ako sa Lalakeng nakita ko na papasok pa lang sa Entrance, ngumiti siya sa akin tapos sinabi niyang sasamahan daw niya ako kay Mama----."
"S-si Don Miguel ba yung napagtanungan mo Ate Janina?" excited kong tanong.
"Oo si Sir Miguel nga tapos binili niya yung ititinda ko pa lang na mga Sampaguita, binayaran niya ako at keep the change daw e Isang libo yung binigay niyang Pera kaya tuwang tuwa ako tapos inalok niya kami ni Mama kung gusto ko daw bang maging iskolar niya. Pumayag ako kaya nga Secretarial ang kinuha kong Kurso kasi gusto kong masuklian yung ginawang kabutihan ni Sir Miguel. Hindi na kailangan pang magtinda ni Mama ng kung anu-ano dahil sobra-sobra pa sa inaasahan namin ang sahod ko. Sa totoo lang nakabili ako ng sariling Bahay at Lupa dahil sa Trabaho ko sa Kumpanya ni Sir at binigyan pa niya ako ng Kotse nung makagraduate ako Regalo daw dahil naging mabuting Anak at Scholar daw ako." ramdam ko ang saya nito habang nagkukuwento.
"A-ang bait pala talaga ni Don Miguel." mahinang saad ko.
"Oo, kaya lahat kaming Empleyado niya ginagalang at mahal na mahal namin siya." dagdag pa nito.
Mukhang lalo ata akong nahuhulog kay Don Miguel, ang akala ko dati masama ang ugali niya at mapanglamang sa kapwa pero mali pala ako.
Tinapik ako ni Ate Janina. "Alam mo bang bagay na bagay kayo ni Sir Miguel."
Napangiti ako. "Salamat. Mamaya tatawagan ko si Don Miguel."
"God naman Eloisa wag nang 'Don Miguel' dapat 'Miguel' na lang pagkatapos mong iyak-iyakan sa Airport eh patatandain mo naman ngayon kaw talaga siguradong nag-aalala yon sayo kaya tama lang na tawagan mo siya pag-uwe mo at sabihin mong ayos ka lang." tinignan nito ang relo. "Ano uwi na ba tayo pa makapagpahinga ka na din o gagala muna tayo?"
"Gusto ko na pong umuwe." sagot ko saka ko binitbit ang mga pinamili min ang dami non kaya tinulungan na din ako ni Ate Janina sa pagbitbit.
ALAS TRES NA NG HAPON NANG makabalik kami ng Mansyon. Sinalubong kami ni Manang Lita para tulungan kami sa mga dala namin.
"O pano alis na din ako ha.". paalam ni Ate Janina.
Tumango ako. "Salamat po."
"Wala yon. Sige. Bye. May Date pa ako eh." kinikilig nitong sambit saka humakbang pabalik ng Kotse nito.
"Ingat at salamat po uli." kaway ko.
Hinatid ko na lamang ng tingin ang Kotse ni Ate Janina hanggang makalabas na ito ng Bakuran ng Mansyon ni Don Miguel.
"Nilagay ko lang sa tabi ng Kama yung mga pinamili nyo ni Janina. Excited ka na sigurong pumasok sa Lunes." nakangiting pagbibigay alam sa akin ni Manang Lita.
"Opo. Excited na nga po ako. Salamat nganpi Pala sa pagdala po ng mga binili namin."
"Naku, ikaw talaga napakabait mo kaya hindi na ako magtatakang espisyal ka kay Sir Miguel. Wag kang mag-alala dahil kahit nasa Leyte si Sir e kasama mo naman kaming tatlo nila Lorna at Amy kami ang mag-aalaga sayo at mag-asikaso ng mga dapat asikasuhin kaya wag kang mahihiyang mag-utos sa amin ha."
"Salamat po kaya ko po ang sarili ko wag nyo na po akong alalahanin lumaki po ako sa hirap kaya hindi nyo po ko kailangang asikasuhin. Ano na lang po ummm pano po makapunta sa School na papasukan ko sa Lunes---- hindi ko pa po alam eh."
"Si Benito ang maghahatid at susundo sayo gaya ng lagi niyang ginagawa sa tuwing andito sa Maynila si Sir.". saad nito.
"Okay po. Salamat po uli, akyat lang po ako sa Kuwarto ko. Wag nyo na po akong asikasuhin kaya ko na po. Magpahinga na po kayo." mababait ang mga Kasambahay ni Don Miguel kaya hindi ako nahirapan na makisama sa kanila alam nilang Babae ako ng Amo nila pero nirerespeto pa rin nila ako.
Malambing na ngumiti si Manang Lita. "Sige magpahinga ka na Eloisa mamaya kakatukin ka namin para sa hapunan ha."
"Opo. Salamat po."
Tumango ito saka pumihit patalikod saka humakbang tungong direksyon ng Kusina.
Hawak ko ang bagong bili kong cellphone saka ko inalala kung paano ito pinapagana ayon sa turo sa akin ni Ate Janina. Hindi pa ako marunong nung tinatawag na Video call kaya yung ordinaryong tawag na lang marinig ko lang uli ang boses ni Miguel.
Pinindot ko ang gilid ng Cellphone ko para umilaw ang screen bumungad sa akin ang mukha ko sabi ni Ate Janina pwede ko daw iyon baguhin at palitan ng litrato naming dalawa ni Don Miguel ang kaso lang wala pa naman kaming litrato na magkasama kaya mukha ko na lang muna ang naka-display sa screen.
Nag-click ako sa icon na Contact saka lumabas ang Tatlong Numero ang isa ay Numero ng Bahay ang isa naman ay Numero ni Ate Janina at ang huli ay Numero ni Don Miguel. Napangiti ako ng mabasa ko ang Pangalan nito sa screen ramdam kong bumilis ang tibok ng puso ko maririnig ko na uli ang boses ng nag-iisang Lalakeng nagparamdam sa akin ng kakaibang sensasyon na sa una ayoko pero habang tumatagal e nagugustuhan ko.
Pinindot ko ang Pangalan ni Don Miguel saka ko tinapat sa tainga ko ang Cellphone.
--------------------------
Hindi po ba nagkabalibaliktad ang mga Chapter? Sa akin kasi baliktad lahat. Salamat po sa suporta.
BINABASA MO ANG
I am Don Miguel's Property
RomanceNapabalikwas ako nang bangon ng may maramdaman akong humahaplos sa mga hita ko. "D-Don Miguel?!" agad akong bumangon saka nagtakip ng kumot. Ngumisi ito. "Naistorbo ko ba ang tulog mo Eloisa?" Nanginginig akong umatras hanggang sa tumama ang likod k...