Huminto kami sa parking lot ng pinagtatrabauhan kong Ospital ang Pacific Hospital dito sa Las Piñas. Pinatay ko muna ang makina saka ako lumabas at kinuha mula sa trunk ang wheelchair ni Miguel.
"Eloisa! Wow! Mukhang bago ang Kotse mo ah. Teka bakit may wheelchair ka?" takang tanong ni Roland isa sa mga co-nurse ko sa pinapasukan kong Ospital.
"Ah, may kasama kasi ako eh." inayos ko muna ang wheelchair saka ko binuksan ang pinto sa gawi ni Miguel.
Takang nagpalit-palit ang mga tingin ni Roland sa amin ni Miguel. "Papa mo?"
Nahampas ko ito sa Balikat. "Hindi ah
Boyfriend ko siya si Miguel at ilipat ko siya dito sa wheelchair eh.""Ah naku Pare sorry pano hindi ko pa nakikita ang Long distant Boyfriend nitong si Eloisa, Ikaw pala 'yon? Akala ko talagang tomboy itong si Eloisa eh sayang lang ang Ganda niya kapag nagkataon." saka nito kinuha si Miguel sa loob at inalalayang mai-upo sa wheelchair. "Yan komportable ka ba Pare? Oo nga pala Roland is the name. Mamaya ipakikilala kita sa girlfriend ko." magiliw na pakilala nito sa sarili.
"Hay naku Miguel masanay ka na diyan sa Lalakeng 'yan talagang madaldal 'yan eh."
"Naku, pareho lang kami ng Girlfriend mo kaya nga madaming nagkakagusto sa Isang 'yan eh!" tatawa-tawa pang saad ni Roland.
"Oi Baka magselos si Miguel sa mga pinagsasasabi mo ha kapag nakipag-break 'to sa akin 'yang buhok mong 'yan hihilahin ko 'yan hanggang makalbo ka!" natatawang sagot ko.
Agad itong humawak sa bunbunan. "Miguel oh ang sadista ng Girlfriend mo, akin na nga 'yang mga bitbit nyo ito lang ba? Saka saan ko ito dadalhin?"
"Sa Nurse Station ng E.R."
Ngumiti si Roland. "Mauna na ako sa inyong dalawa ha. Mamaya na lang uli Pare." dala na nito ang mga gamit na inimpake ko para kay Miguel.
"Mabait 'yon tiyak na magkakasundo kayong dalawa kaso medyo malikot 'yon Miguel ibig kong sabihin may pagkababaero 'yon naku kapag isinama ka niya sa pambababae niya tiyak mata lang niya walang latay at ganon ka din!"
Gusto kong tumawa ng malakas dahil sa pagmamaktol ni Eloisa habang tinutulak ang wheelchair ko, komportableng-komportable ako sa pagkaka-upo sino ba namang Hindi kung may patungan pang unan ang mga kamay ko, unan ko daw ito kapag nakaramdam ako ng antok.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng mahiya sa tuwing may nakakasalubong kaming katrabaho niya, pare-pareho kasi ang tanong nila tungkol sa akin at iisa rin lang ang mga reaksyon nila lahat sila hindi makapaniwala na ako ang Long distant Boyfriend ni Eloisa.
"Talaga Beh, Boyfriend mo siya?" nginitian ako nito pero hindi ito kimbinsido. "Eloisa naman baka ginu-good time mo lang kami para hindi ka na kulitin pa ng mga Admirers mo ha! E mukhang pasyente natin yan dito eh!"
Napahiya ako sa sinabi nito ganon na ba ako katandang tignan?
"Hoy, Roberto a.k.a Roberta bahala ka kung ayaw mong maniwala at Wala akong pakialam sa mga Admirers na sinasabi mo kasi kasama ko ang Boyfriend ko!" mataray na sagot nito.
"Ang joray naman para niloloko lang eh!" reklamo ng Binabae nitong katrabaho.
"Hindi naman kasi ako nakikipaglokohan sayo Roberto at kelan ba ako nakipaglokohan sayo sige nga." aba may pagkamataray pala ang Eloisa ko akala ko pa naman tahimik at mahiyain lang siyang Babae 'yon pala palaban, sabagay tumanda na siya sa loob ng Apat na taon kaya masmalakas na ang loob niya kumpara dati pero maamo parin naman siya at malambing lalo kapag na sa ibabaw ko siya.
"Sorry na grabeh naman Galit agad ganon. Biro lang." depensa ng Binabae niyang katrabaho.
"Hindi ka naman kasi nakakatawa." saka nito maingat na itinulak ang wheelchair ko. Nilagpasan namin ang mga katrabaho niya dinig ko pa ang mga bulungan nila tungkol sa amin, kahit saan pala talagang may mga taong kalahi ni Marites.
"Sensya ka na ha di bale kapag tumaba ka na uli tiyak tulo laway nila sayo! Mga embyernang 'yon! Pagkamalan ka pang Tatay ko sa Guwapo mong 'yan! Pero ayos na rin lang 'yon para walang aagaw sayo, akin ka lang Miguel ha."
Napapangiti na lang ako kahit hindi ko kaya pano na-i-imagine ko ang mukha ni Eloisa habang sinasabi iyon madalas kasing nakanguso siya ang sarap pa namang kagatin ng mga labi niya. Tama magpapalakas na ako para mahawakan ko na ulit si Eloisa. Sa Apat na taon na magkalayo kami tanging sa panaginip ko na lamang siya nakikita at tanging malambing niyang boses lang ang naririnig ko sa tuwing tumatawag siya at sila Manang Tess ang nakakasagot para pagtakpan ang tunay kong kalagayan.
"Andito na tayo sa Nurse Station namin." masayang turan ni Eloisa saka tinulak papasok ang wheelchair may sumalubong sa amin na Nurse nakangiti ito.
"Hello, Ikaw pala ang Boyfriend nitong si Eloisa. Nice to see you Sir."
Ipinuwesto ako ni Eloisa sa gitna ng dalawang monoblock na upuan saka nito kinuha mula sa dala naming bag ang electric kettle at tasa pati kutsara at ang huli ang garapon ng oatmeals.
"Aba ang dami naman niyan para ba 'yan kay Miguel?"
"Oo Mia, hindi pa kasi kayang kumain ni Miguel ng mga solid foods eh teka mag-ta-time in muna ako."
"Okay."
Nawala sa paningin ko si Eloisa kaya medyo nabalisa ako.
"Miguel, saglit lang 'yong si Eloisa. Wag kang mag-alala ha kung may kailangan ka magsabi ka lang. Lage lang kinukwento sa akin ni Eloisa at Tama nga siya na Guwapo ka kahit may edad ka na saka age is just a number." napatitig ako sa kaibigan ni Eloisa mabait naman pala siya kaya siguro magkasundong-kasundo sila.
Malayo pa lang ay dinig ko na ang mga yabag na halatang nagmamadali. Hindi ko naman makita kung sino ito dahil hindi ko kayang lumingon man lang.
"Oi dahan-dahan ka Eloisa baka madapa ka."
Humahangos na huminto ito sa gilid ko. "Sorry hindi ako nakapagpaalam sayo Miguel---."
"Ayos lang siya wag kang mag-alala saka kung may pupuntahan ka o aasikasuhin ibilin mo na lang sa akin onkaya kay Roland si Miguel ha para hindi ka mahirapan."
"Naku, salamat sa inyong dalawa ha.". kumuha ng isang basing tubig na malamig si Eloisa saka ako maingat na pinainom. Titig na titig ako sa mga mata nito habang nakatuon naman ang pansin nito sa bibig ko habang nainom para siguro masigurado niyang hindi ako mabubulunan. Pinunasan nito ang bibig ko gamit ang panyo. "Yan nakainom ka na nang tubig. Gusto mo na bang kumain Miguel?"
Isang beses lang akong pumikit.
"Okay. Basta mamaya pakakainin kita ha sa ngayon trabaho muna ako ha at Ikaw pwede ka pong matulog muna."
Naging abala na si Eloisa at si Mia sa pagsagot ng mga tawag sa Telepono sige din ang lakad nila sa tuwing may ihahatid silang papel minsan isinasama ako ni Eloisa kapag wala sa Station si Mia. Maslalong tumindi ang paghangang nararamdaman ko para kay Eloisa kahit madami siyang ginagawa ay may Oras pa rin siya para alagaan ako. Tingin ko masasanay ako sa ganitong routine namin.
BINABASA MO ANG
I am Don Miguel's Property
RomanceNapabalikwas ako nang bangon ng may maramdaman akong humahaplos sa mga hita ko. "D-Don Miguel?!" agad akong bumangon saka nagtakip ng kumot. Ngumisi ito. "Naistorbo ko ba ang tulog mo Eloisa?" Nanginginig akong umatras hanggang sa tumama ang likod k...