Miguel's POV
Kapwa kami tahimik ni Attorney Damiano Cru habang nasa loob ng Elevator tumunog ito at bumukas ang pinto gaya kanina naroon pa rin ang mga tapat kong tauhan muli nila akong sinalubong ng palakpakan, tingin ko alam na nilang hindi nakuha ni Steven ang Kumpanya.
Nilingon ko si Attorney Cru alam kong nakuha nito ang gusto kong iparating.
Tumikhim ito kaya natahimik ang lahat. "Simula bukas makakasama nyo na uli si Mister Miguel Acosta at nais niyang iparating ang labis na pasasalamat sa suportang binigay nyo para sa kanya pasensya na kung ako po ang bomoses ng mga dapat nitong sabihin sa inyo, medyo nahihirapan pa pong magsalita ang Kliyente ko."
"Kung ganon makabalik na po ba uli kaming mga tinanggal ni Sir Steven sa Trabaho!?" Sigaw ng isa sa mga tauhan ko hindi ko akalaing tinanggal sila ni Steven, pagkatapos ng mahabang serbisyo ng mga ito sa Kumpanya ko!
Tumango ako kaya umingay ang paligid ramdam kong labis silang natuwa sa sagot ko.
"Salamat Sir Miguel! May Trabaho na uli kami! Salamat po talaga!"
Muling itinulak ni Attorney Cru ang wheelchair ko hanggang marating namin ang labas ng Building, wala doon sina Janina at Eloisa ganun din si Attorney Erosio Cru bigla akong kinabahan.
"Attor--ney?" Usal ko ng di ko makita man lang ang tatlo.
Nabitin sa ere ang sasabihin sana nito ng marinig ko ang pamilyar na boses sabay pa kaming napalingon sa direksyon nito.
Natawa ako ng makita ko si Eloisa na may hawak na stick ng fishbol ang sarap ng kain nito ganun din yung dalawa.
"Tingin ko nagutom na po sila Sir Miguel." Natatawang turan ni Attorney Damiano Cru.
"Gusto ko pa Attorney Erosio, tutuhog pa po ako ha tagal din kasi nung huling beses akong kumain nito eh!" Saad ni Eloisa.
"Naku! Sabi ko naman sa inyo 100 lang yung cash ko dito eh! Ang takaw nyo naman hindi ata natanggap si Manong ng Card eh." Reklamo ni Attorney Erosio.
"Sir, nasa 70pesos pa lang naman ho yung nakain ninyo eh."
"Sure po kayo Manong? Baka lumagpas makulong pa ako naku mababawasan ang lahi ng mga gwapo sa Pilipinas niyan!"
Tumawa ng malakas si Janina. "Talaga Attorney? Bakit sinagot na ho ba kayo nung nililigawan nyo?"
"Hindi nga? Meron?" Usisa naman ni Eloisa na lalong ikinatawa ko pano Marites na Marites ang itsura nilang Tatlo. Sabay pa silang napalingon sa amin mas malakas kasi ang tawa ni Attorney Damiano.
"Miguel!" Agad akong nilapitan nito. "Buti at natapos na ang pag-uusap ninyo."
Tumango ako at pinunasan ang pisngi nito. "Uwi na ta--yo."
"Sige." Sagot nito. "Kaso pano naman yung issue kina Steven at sa ex mo?"
Ang cute ni Eloisa Lalo na sa tuwing humahaba ang nguso nito kaya hindi ko napigilang pisilin ng bahagya ang pisngi nito.
"Si Ku---ya na ang ba---hala sa mag-ina niya."
"Okay, pero bilhan mo pa ako nung fishbol samahan mo na din ng kikyam medyo naglalaway kasi ako eh----." Natigilan ito ng ngumisi ako sabay taas-baba ngnmga kilay ko.
"Oi! Miguel ha! Nababasa ko isip mo hindi ako buntis ah! Talagang natatakam lang akong kumain ng mga 'yan eh." Katuwiran nito.
Nagpaluto pa ako kay Manong ng marami para hindi mabitin si Eloisa saka kami sumakay sa kotse at bumiyahe pabalik ng munti naming Apartment. Umalis din agad sina Janina ng masiguro ng mga ito na okay na kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
I am Don Miguel's Property
RomanceNapabalikwas ako nang bangon ng may maramdaman akong humahaplos sa mga hita ko. "D-Don Miguel?!" agad akong bumangon saka nagtakip ng kumot. Ngumisi ito. "Naistorbo ko ba ang tulog mo Eloisa?" Nanginginig akong umatras hanggang sa tumama ang likod k...