Miguel's POV
Halos Apat na Oras din ang tinakbo ng Meeting namin lahat kasi ng Negosyong pag-aari ko ay pinag-isa ko na lang ang Monthly Reports para isang puntahan lang dito sa Siyudad.
Medyo masakit sa ulo ang mga Report may mga mali kaya talagang ginisa ko sila ni hindi nila masabi kung saan napunta ang ibang nawawalang Pera ng Kumpanya ko.
"Sir." Pukaw nito sa malalim kong pag-iisip. "Ito na pong lahat ng kopya ng Report kada Establishment po. Inayos ko na din po yung Data para madali pong makita kung saan po yung may missing na funds po."
Kinuha ko iyon saka nilagay sa harap ko. "You may go now."
"Okay po. Ummm Sir hindi nyo ho ba babalikan sa Office nyo yung kasama nyong Babae o pauuwiin ko na po siya?"
"Shit! Thanks for reminding me." halos Ala singko na ng hapon kaya nagmadali akong nagtungo sa Opisina ko bitbit ang mga Files na binigay ng Sekretarya ko.
Natigilan ako pagbukas ko ng pinto naroon si Eloisa at mahimbing na natutulog habang nakabaluktot sa couch. Maingat akong naglakad palapit sa kinahihigaan nito saka ko binaba sa center table ang hawak kong mga Dokumento. Inayos ko ang laylayan ng suot nitong dress. Napagod ata siya sa biyahe. Niluwagan ko ang Necktie ko saka ako nagtungo sa kusina para magtimpla ng kape, may napansin akong nakatakip na Plato kaya iniangat ko iyon. Napangiti ako ng makita ko ang dalawang tinapay na may palamang Peanut butter kaya kumuha ako ng dalawang tasa at nagtimpla ng Kape.
"Don Miguel?" Shit talaga boses pa lang Buhay na naman ang dugo ko. Nilingon ko ito. "T-tapos na po ba yung Meeting nyo?" Nakatayo ito sa gilid ng pinto ng mini Kitchen ng Opisina ko.
"Ummm. Naingayan ka ba sa akin. Oo. Bakit?"
"Hindi po. Bigla lang po akong nagising sa Amoy ng Kape. Uuwe na po ba tayo?" Lumapit ito sa akin ng senyasan ko saka umupo sa bakanteng upuan. Ibinigay ko sa kanya ang isang tasa na naglalaman ng mainit na kape.
"Mainit." Paalala ko. Tinitigan niya ako. Kakaibang tumitig si Eloisa parang tumatagos sa kaluluwa ko o baka dahil sa nag-init ako tuwing ginagawa niya iyon.
"Ayaw mo bang mamasyal?"
"Gusto. Pero pagod na din po kayo diba saka g-gusto ko na din pong makapaligo eh. M-may damit po ba akong pwedeng maisuot pag-uwe?" Inosenteng tanong nito.
Talagang napapakalma niya ako, ininum ko muna ang hawak kong tasa ng Kape saka ako lumapit sa kanya. Hinaplos ko ang ulo nito na para bang isang masunuring Tuta.
"Sabay tayong maliligo mamaya pag-uwe." Napakagat labi ito kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili kong angkinin ang mga labi nito. Sa pagkakataong ito sumabay sa init ng paghalik ko si Eloisa, lumalim ang bawat halik nito habang mahigpit na nakahawak sa mga braso ko. Mahina akong natawa. Isa lang ang ibig sabihin nito nagiging masunurin na siya sa akin at gusto ko ang ganito.
"Ummm----." Mahinang ungol ni Eloisa ng tapusin ko ang halik.
"Magmeryenda ka muna. Mukhang masarap ang peanut butter." Namula naman ang mga pisnge nito, kumalas ito mula sa pagkakakapit sa braso ko.
"A-ano po kasi. H-hindi ko po kasi kilala yung ibang palaman.". tukoy nito sa mga nakalagay sa kitchen cabinet.
Kinuha ko ang isang tinapay saka ko iyon kinain. Hindi ako mahilig sa peanut butter pero dahil si Eloisa ang gumawa nito dapat lang na kainin ko ito.
Tapos na kaming magkape at magmeryenda pero hindi pumayag si Eloisa na hindi nito hugasan ang mga ginamit namin kaya nag-antay pa ako hanggang matapos ito.
Tahimik na sa labas ng Opisina ko sabagay ala siyete na nang gabi. Naramdan ko ang mahigpit na pagkapit sa akin ni Eloisa.
"Natatakot ka ba?"
"O-opo baka may multo dito Don Miguel."
Natawa ako. "Wala pa naman akong nakikitang White Lady dito sa Kumpanya ko o baka natatakot lang sa akin dahil baka pagsamantalahan ko sila kung seksi sila."
Mukhang hindi ito kumbinsido kaya lalo itong dumikit sa akin na maspabor naman sa akin. Tumapat kami sa pinto ng elevator, agad naman yong nagbukas saka kami pumasok sa loob. Ramdam ko na ang panginginig ni Eloisa kaya kinabig ko ito at niyakap, nagsumiksik ito sa pagkakayakap ko. Tingin ko unti unti ko na siyang nagugustuhan. Isa pa ako ang naka-una sa kanya hindi na masama.
Muling bumukas ang pinto ng elevator saka kami lumabas at nagtungo sa naghihintay na Sasakyan. Pinagbuksan naman kami ng Driver ko na bahagya pang sumulyap kay Eloisa. Bigla itong natameme ng mapansin na nakatitig ako sa kanya. Agad itong yumuko.
Naunang pumasok sa loob ng Kotse si Eloisa kasunod ako, kinabig ko naman agad ito pag-upong pag-upo ko pa lang. Isinandal ko ang ulo nito sa dibdib ko, maya maya pa rinig ko ng ang mahina nitong hilik. Nakatulog na pala siya, dumulas ito mula sa dibdib ko hanggang umunan na ito sa Kandungan ko. Shit! Talagang ginalaw galaw pa nito ang ulo kaya medyo natamaan ang sandata ko, napasinghap na lamang ako saka ko inayos ang dulo ng Bestida niya.
Pinagmasdan ko ang maamong mukha ni Eloisa, ngayon ko lang napansin na masmaganda siya sa Pinsan niya morena lang talaga siya na mas nakadagdag sa kakaibang alindog nito.
Nagiging masunurin na siya, tingin ko kelangan niya ng regalo. At mukhang alam ko na kung ano yon. Sigurado akong matutuwa siya, yon naman ang dahilan kung bakit niya piniling pumunta sa poder ko dahil inisahan lang siya ng magaling niyang Tiyahin pero nagpapasalamat pa din ako dahil siya ang naging bayad utang habang tumatagal maslalo ko siyang nagugustuhan nakaka-adik siya.
Ngumisi ako.
"Pasensya ka na Eloisa pero akin ka lang walang ibang Lalake ang makakahawak sayo kundi ako lang."
BINABASA MO ANG
I am Don Miguel's Property
RomansaNapabalikwas ako nang bangon ng may maramdaman akong humahaplos sa mga hita ko. "D-Don Miguel?!" agad akong bumangon saka nagtakip ng kumot. Ngumisi ito. "Naistorbo ko ba ang tulog mo Eloisa?" Nanginginig akong umatras hanggang sa tumama ang likod k...