KABANATA 16

2.2K 37 0
                                    

Naunang bumaba ng hagdan si Miss Efipania at at Vane para siguro sabihin kay Don Miguel na tapos na nila akong ayusan.

"Kinakabahan ka ba?"

Agad kong nilingon si Ate Lora. "Opo. Kasi baka magkalat po ako mamaya sa Wedding Anniversary ng Kuya niya tapos mapahiya pa siya dahil sa akin."

Tinapik ni Ate Lora ang kamay ko na nakahawak sa braso niya. "Hindi ganon si Sir Miguel. Hindi ka non ikahihiya medyo tahimik lang talaga siya pero makulet yan pagnakilala mo na siya ng husto. Tingin mo ba magtatrabaho ba kami sa kanya kung masama ugali niya?"

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabing yon ni Ate Lora maskilala niya si Don Miguel kesa sa akin kaya napanatag na ako.

"Naku, Sir ayan na si Madame!" pukaw na tili ni Miss Efipania.

Kung kanina kinakabahan ako, ngayon parang kulang na lang ay tumalon palabas ng dibdib ko ang puso ko nang makita ko si Don Miguel, matikas itong nakatayo sa Sala habang nasa magkabilang gilid niya ang Dalawang Stylist na nag-ayos sa akin. Napalunok laway ako. Kahit may edad na siya talagang hindi ko maitatangging napaka-guwapo niya tingin ko unti unti na akong nahuhulog kay Don Miguel kahit na alam kong hanggang pantasya ko na lamang na balang araw magugustuhan din niya ako.

Dahan-dahan ang ginawa kong paghakbang pababa ng hagdan. Napakatikas ni Don Miguel sa suot niyang Tuxedo na kulay Blue at pants na Puti habang bukas Naman ang dalawa butones ng suot niyang pandoble na long sleeves.

"Ang Guwapo ni Sir diba." kinikilig na bulong sa akin ni Ate Lora habang palapit kami dito.

Tumango ako bilang sagot. Wala akong maisip na salita para ilarawan si Don Miguel. Guwapo siya kahit sayang angulo may suot man siyang damit o wala. Ramdam kong nag-init ang mga pisnge ko.

"Oi! Hala siya oh! Sir nag-blush si Madame! Pano ang Guwapo nyo kasi!" may patadyak-tadyak pa nitong tili.

Hindi ko alam kung paano itatago ang mukha ko kaya bahagya akong yumuko nang makalapit na kami ni Ate Lora sa kinatatayuan nila.

"Sana all na lang talaga?" si Ate Vane na sige ang taas baba ng mga kilay habang nakatitig sa akin.

Sinaway ito ni Ate Lora nakinig naman ang dalawa at nanahimik.

"Sir Miguel narito na po ang Date nyo ngayong gabi si Madame." ibinigay nito ang kamay ko kay Don Miguel na siyang inabot naman nito nagulat pa ako ng may ilagay ito sa kaliwa kong palapulsuhan, bracelet iyon na yari sa Bulaklak.

Ngumiti si Don Miguel. "Bagay sayo. Ang Ganda mo."

Lalong nag-init ang mga pisnge ko kaya umugong na naman ang kantyawan nang mga kasama namin.

"S-salamat---." napapikit ako kamuntik ko na siyang matawagnna Don Miguel e Girlfriend nga ang pakilala niya sa akin.

Tumango ito saka nilagay sa kaliwang braso niya ang kamay ko.

"Lora, maya-maya andito na ang mga Kasambahay ko, dito muna kayo hanggat hindi pa sila dumadating. Gaya ng dati feel at home."

"Opo Sir kami na pong bahala dito sa Mansyon. Mag-enjoy po kayo sa pupuntahan nyong Party." kasabay namin silang naglakad palapit sa Mamahaling Kotse ni Don Miguel. Humiwalay sa amin si Miss Efipania para buksan ang Gate.

"Ladies first." saad ni Don Miguel habang hawak ang pinto ng Passengers seat.

"Salamat uli." saka ako sumakay. Marahang isinara ni Don Miguel ang pinto saka humakbang palapit kina Ate Lora may iniabot itong tatlong puting sobre, sabay silang napayakap kay Don Miguel ng makita kung ano ang nasa loob noon maging si Miss Efipania na may hawak sa Gate ay tuwang tuwa din siguro higit pa sa inaasahan nila ang ibinayad ni Don Miguel. Sabagay galante naman talaga siya wag lang gagalitin.

Kumaway na sa kanila si Don Miguel saka ito naglakad palapit sa Driver's seat. "Aalis na tayo medyo may kalayuan kasi yung Venue."

"Ah. Saan bang Lugar sa Metro Manila tayo pupunta?" kumaway na ako kina Ate Lora at Ate Vane ng buhayin na ni Don Miguel ang makina ng Kotse saka iyon marahang pinaandar. Kumaway din ako kay Miss Efipania.

"Sa Zambales tayo pupunta sa Wanda's Resort."

Napahawak ako sa bibig ko sa pagkabigla. "Zambales? Talagang ang layo nga po Don Miguel."

"Stop with the 'Don' thing. Just call me in my name." saway nito sa akin habang nakatuon sa kalsada ang pansin nito syempre para iwas disgrasya.

"Ah--- p-pasensiya na po---este M-Miguel." hirap na hirap kong banggit sa pangalan nito. "N-nasanay na kasi ako na Don Miguel ang tawag ko sayo po."

"Well masanay ka na. Ipinakilala na kitang Girlfriend sa ilan sa mga Tauhan ko diba at mamaya sa Event ipakikilala din kita para Opisyal na tayong Dalawa." seryosong turan nito.

"Ah--- i-ikaw ang bahala Don---." bigla ang tapak nito sa preno kaya napatukod ako sa dashboard at kinakabahang napatitig sa kanya. Lagot nagalit na ata!

"Hahalikan kita sa susunod na tawagin mo pa akong Don Miguel maliwanag ba. Pasalamat ka ata papunta pa lang tayo ng Zambales kaya hindi ko pa pwedeng lamukusin yang damit mo."  saglit itong nag-isip saka ngumisi.  "Pwede namang pagkatapos na lang ng Party yung parusan mo."  muli nitong pinaandar ang Kotse habang todo ang ngisi ano naman kaya ang naglalaro sa isip nitong isang 'to.

Aliw na aliw ako sa mga nadadaanan naming mga Lugar kaya hindi ako gaanong nainip saka ng patugtog si Don Miguel at saktong 3rips ang Singers na nakanta ang sarap pakinggan ng boses nila. Tagahanga nila ako kaya halos lahat ng kanta nila kabisado ko.

"Hmmm. Alam mo yung Kanta?"

"Oo." nilingon ko ito. "Paborito ko Sila, bukod kasi sa magagaling silang kumanta at sumayaw e mabait din sila at hindi sila mayabang gaya ng ibang Singers."

Ngumiti ito saka umiling-iling.

"B-bakit D---."  nawala ang ngiti nito na halatang inaabangan ang susunod kong babanggitin.  "Miguel! Bakit ka nangingiti diyan M-Miguel?" kabadong bumungisngis na lamang ako.

"Wala lang. Basta mamaya ayokong humihiwalay ka sa akin. Madaming tao mamaya dahil madaming bisita sila Kuya at higit sa lahat 3rips ang kinuha nilang Performer para sa Wedding Anniversary nila."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito at namilog ang bibig ko sa pagkabigla! Makikita ko na din ng personal ang mga Idol ko! Ang 3rips!

I am Don Miguel's Property  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon