KABANATA 46

2.5K 31 0
                                    

Eloisa's POV

Gaya ng dati talagang kinalong ako ni Miguel sa hiya ko isinubsob ko na lamang sa dibdib nito ang mukha ko habang proud itong naglakad hanggang marating namin ang upuan na naka-reserve para sa aming dalawa.

"Andito na tayo baka gusto mo ng bumaba?" Tapik nito sa pwet ko ng maka-upo na ito.

Nakanguso akong tumingala. "Ayoko baka biglang magcrash itong Eroplano hindi ako marunong lumipad Miguel." Bulong ko.

Mahina itong tumawa. "Hindi din naman ako marunong lumipad eh diba."

Humigpit ang kapit ko sa leeg nito ng nag-umpisang umandar ang Eroplano. "N-natatakot talaga ako Miguel."

Mahigpit akong niyakap nito talagang kahit kailan hinding-hindi ako masasanay na sumakay ng eroplano mas gugustuhin ko pa ang barko kahit paano makakalangoy ako sakaling lumubog ito sa dagat hindi gaya ng eroplano na kung magkaaberya siguradong tepok kang lalagapak sa lupa!

"Ayoko pang mamatay Miguel-." Impit kong daing. Alam kong ang sagwa namin pagmasdan kaso hindi ko talaga kayang umupo ng normal gaya ng ibang pasahero.

Tumawa lang ng tumawa si Miguel.

Natapos din ang kalbaryo ko ng lumapag na kami sa Tacloban Airport nagmamadali sa paghakbang habang hila-hila ko si Miguel pano baka bigla na namang umandar itong eroplano mahirap na!

Isang backpack bag lang ang bitbit ni Miguel laman non ang ilan sa mga damit ko at mga undies at personal hygiene kit ko. Isang mamahaling Sasakyan ang sumalubong sa amin bahagya pa akong natigilan ng makita ko ang Driver saka ako tumingin kay Miguel bago ako umayos ng upo.

"Namayapa na si Mang Benito kaya Apo niya ang pumalit." May bahid ng lungkot sa boses nito.

"Ah, ganon ba. Sorry hindi ko alam."

"Hello po Ma'am, ako nga po pala si Benny magkapangalan po kasi kami ni Lolo. Ikinagagalak ko po kayong makilala at mapagsilbihan."

Ngumiti ako. "Ako din."

"Okay, tara na sa Hacienda, Benny.". Utos dito ni Miguel.

Tumango ito saka binaling sa manibela ang pansin binuhay nito ang makina at marahang pinaandar ang mamahaling sasakyan.

Masayang-masaya ako sa wakas nakauwe na ako ng Leyte! Namiss ko ang lugar na ito. Panay ang silip ko sa labas ng bintana maraming alaala ang unti-unting bumabalik sa isipan ko gaya ng kabataan ko dito sa lugar na ito ako lumaki at nagka-isip hindi ko tuloy maiwasang humikbi.

"Umiiyak ka ba?" Naramdaman ko ang paglapit nito sa akin saka ako kinabig palapit sa kanya para yakapin. "Don't cry. We're home now and we're staying here for good." Bulong nito habang pinupunasan ng mga daliri nito ang pisngi ko.

"T-talaga, Miguel?"

"Yes po. Talagang-talaga."

Yumakap ako sa bewang nito saka ko sinubsob sa malapad nitong dibdib ang mukha ko. "S-salamat. Ang saya-saya ko m-matagal ko ng gustong umuwi dito alamo ba yon. Salamat talaga, Miguel."

Ramdam ko ang banayad na halik nito sa noo ko hinayaan lang niya akong umiyak ito siguro yung tinatawag nilang tears of joy.

Lagpas tanghali na ng marating namin ang Hacienda muli na namang tumulo ang mga luha ko ng makita ko mula sa malayo sina Manang Tess, Manang Rosa at Ate Linda na nakatayo sa harapan ng pintuan kasama ng ibang tauhan ni Miguel. Huminto ang kotseng sinasakyan namin sa tapat ng malaking pinto ng Hacienda naunang bumaba si Miguel saka ako nito inalalayan sa paglabas agad akong tumakbo palapit kina Manang Tess para sa isang mahigpit na yakap sila ang naging sandalan ko noong walang-wala ako kaya mahalaga sila sa akin itinuri nila akong anak nila kahit mahirap ang buhay inaabutan nila ako ng pambaon ko bagay na kahit minsan hindi nagawa sa akin ng Tiya Cora ko sa halip ay ipinambayad pa niya ako sa utang niya pero kahit ganon ang nangyari sa akin masaya pa rin ako dahil kung hindi dahil sa utang niya hindi ako mapupunta sa poder ng lalaking mahal ko at si Miguel 'yon nagkatagpo man kami sa maling pagkakataon at sitwasyon ngunit puro at busilak naman ang damdamin na meron kami para sa isa't-isa.

I am Don Miguel's Property  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon