Tumitig ako sa Lalakeng hindi ko akalaing mamahalin ko. Banayad ko itong hinagkan sa mga labi. "Salamat. Mahal kita." saka ako muling umunan sa dibdib nito napagod ako ng husto kaya hindi ko na namalayan pa ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko.
Nakatulog na si Eloisa. Masaya akong napapaligaya ko siya kahit nagkaganito pa ako alam kong napagod siya ng todo talagang sinulit niya ang Apat na taon na magkahiwalay kami hindi ko akalaing ganito ang mararamdaman ki sa mi.namin pagtat*lik gaya ng unang beses na maangkin ko siya napakasarap pa rin niya at napakasikip ibig sabihin sa haba ng panahon na hindi kami magkasama nanatili siyang tapat sa akin kahit walang kasiguraduhan ang Relasyon naming dalawa.
Gusto ko siyang yakapin at halikan kaso di ko magawa dahil sa l*ntik sitwasyon ko! Magbabayad sa akin ang mag-inang 'yon!
Nakaramdam na din ako ng antok kaya ipinikit ko ang mga mata ko.
NAPABANGON AKO NG TUMUNOG ang Alarm ng cellphone ko. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko napangiti ako ng mukha ni Miguel ang nabungaran ko totoong kasama ko na nga siya ngayon, maingat akong umalis mula sa ibabaw nito saka ko inumpisahang hugasan ang mga pinagkainan namin kagabi habang nagsalang ng panibagong Kaserola magso-sopas ako pampainit ng sikmura isasama ko siya sa trabaho ko kaya kailangang paliguan ko muna siya.
Nakatapos din ako sa paghuhugas sinunod ko ang paghiwa ng mga rekado para sa Sopas tapos hinanda ko ang stainless wheelchair ni Miguel na gagamitin niya sa paliligo.
"Goodmorning, gising ka na pala." lumapit ako sa kanya at hinagkan siya sa labi. "Nagluluto ako ng Almusal natin na Sopas kasi paliliguan kita sabay na tayo ha para mabilis."
Napansin kong nanunuyo ang mga labi ni Miguel kaya kumuha ako agad ng Isang basong tubig saka ko iyon marahang pinainom sa kanya. "Sorry kung hindi kita napainom ng tubig kagabi ha nakatulog kasi ako agad eh. Ummm teka titignan ko muna kung luto na yung Sopas natin ha."
Tinitigan lang ako nito. Tumayo ako at humakbang palapit sa stove ah nakulo na saka ko hinalo ang hotdog at iba pang rekado siguradong mamaya lang luto na itong Sopas namin ni Miguel.
Inayos ko muna ang mga gamit na dadalhin ko syempre dapat may extrang damit si Miguel at may mga wipes at tissue at dapat may tubig din at unan para kung gusto niyang matulog.
Muli kong tinignan ang niluluto kong Sopas, sa wakas luto na! Nagsandok ako ng Isang mangkok saka ko iyon ipinatong sa malapad na tray. "Miguel luto na ang Almusal natin."
Dahan-dahan ang bawat hakbang ko hanggang marating ko ang Kama ipinatong ko sa bedside table ang mangkok na puno Sopas saka ako umupo ako sa gilid ni Miguel.
Sumandok ako at inihipan ko. "Mainit ito ha, kaya dahan dahan lang ang nguya at higop." isinubo ko kay Miguel ang isang Kutsarang Sopas ng masigurado kong malamig na ito. "Masarap ba?" nakangiting tanong ko. Pumikit ito ng Dalawang beses. "Talaga?! Buti naman at nagustuhan mo. Kain lang nang kain Miguel para lumakas ka kaagad."
Sige ang subo ko sa kanya hanggang maubos nito ang isang mangkok na Sopas. Kumuha akong muli ng Isang baso ng malamig na tubig saka ko pinainom si Miguel. "Yan paliliguan na muna kita bago ako kakain ng Almusal."
Isa-isa kong hinubad ang mga suot nito. Inalalayan ko ito hanggang makalipat siya stainless wheelchair niya. "Ayan. Komportable ka ba Miguel?"
Pumikit ito ng dalawang beses ibig sabihin 'oo'.
"Buti naman kung ganon halika maligo na tayo." tinulak ko ang wheelchair nito papasok sa Banyo malaki ang loob kaya kasyang-kasya kami. Naghubad muna ako bago kami parehong tumapat sa ilalim ng shower.
BINABASA MO ANG
I am Don Miguel's Property
Storie d'amoreNapabalikwas ako nang bangon ng may maramdaman akong humahaplos sa mga hita ko. "D-Don Miguel?!" agad akong bumangon saka nagtakip ng kumot. Ngumisi ito. "Naistorbo ko ba ang tulog mo Eloisa?" Nanginginig akong umatras hanggang sa tumama ang likod k...