"So, tell me how do you feel?" Paulit ulit na tanong sa akin ng therapist ko tuwing napunta ako sa kanya.
I'd rather stay at home kaysa pumunta sa isang therapist. Wala naman naiitulong sa akin ito. Walang progress na nagaganap sa akin.
I inhaled before answering. "I'm fine. Nothing new." I said. Iginala ko ang mata ko sa office nya. Halos puti ang nakikita ko kahit ang mga furnitures. Iilang paintings lang ang nakikita ko at mga posters about mental shits.
Ibinaba ng aking therapist ang kanyang ballpen at iiling iling na tumingin sa akin. "You know, you're not opening up to me entirely. This won't work if you're holding back."
This is exhausting. I can't open up to someone kahit sa therapist ko. Not the way I can open up to him.
"I am opening up. Ginawa ko mga advices mo. Nagsusulat na ulit ako ngayon kahit hindi ko naman gusto." I looked at the other way.
Umiling ulit sya na parang hindi ako nagsasabi ng totoo bago sumagot. "Alright. Let's do this again."
Para akong pagod na pagod pagkatapos ng session na yon. Agad akong lumabas ng office ni Mrs. Rodrigo. Gusto ko nang umuwi.
I usually don't look at people pero may nakita akong pamilyar na mukha ang biglang tumayo sa waiting area pagkalabas ko ng pintuan.
"What are you doing here?" Tanong ko sa kaibigan ng pinsan ko.
"Dito ako nagpapa-therapy. Ikaw din pala?" Takang taka nyang tanong. I just nodded.
"Do you even remember me?" Kunot noo nyang tanong. Honestly I don't remember his name but I remember his story about his sister.
"I don't know your name." I said. Ngumiti naman sya bigla at mukhang matatawa na nang bigla syang tawagin ng secretary ni Mrs. Rodrigo.
"Pasok na po kayo, Mr. Castro." Singit ng secretary. Tumango naman ang kaharap ko at binalingan ulit ako.
"Jace." Inilahad nya ang kamay nya sa akin. Tumango tango ako bago ko iyon tanggapin bago nya ako talikuran at pumasok na sa office ni Mrs. Rodrigo.

YOU ARE READING
Serotonin
No FicciónI wrote all of this about him. He'll never read any of it, so you can. I hope you enjoy it. He would've.