Entry 13

8 0 0
                                        

Hindi ako lumabas ng kwarto hanggang sa mag-gabi na. Nakakaramdam na ako ng gutom pero ayoko namang dito kumain sa kwarto. Bakit ba kailangan ko magtago? Kung umuwi na kaya ako ngayong gabi? Sayang naman ang ibinayad ko sa hotel room dito.

Sumilip muli ako sa bintana ng aking kwarto. May bonfire na sisimulan ang isang grupo sa ibaba. Kapag hindi ako nakatiis ng gutom bababa na lang ako at magdadasal na nasa ibang parte sya ng resort. Hindi na rin naman dinner time kaya imposibleng magkita kami sa resto.

Agad akong nag-ayos para makababa na. Shorts at t-shirt lang ang suot ko. Tanging phone at wallet lang ang dala ko. Dumeretso ako sa resto para makakain na.

Habang tinitingnan ko ang menu ay naramdaman kong may umupo sa tapat ko. Ibinaba ko ang menu para pagtaasan ng kilay si Austin.

"Late ka na magdinner ah. Sabi ko sayo kanina sabay na tayo eh." He said while snatching the menu.

"Look, I don't want to have dinner with you. Please just stay away from me. Wag kang makulit." Pagtataray ko sa kanya. Nagtaas agad sya ng dalawang kamay nya.

"I'm not a stalker ah. Ikaw nga dyan ang sumusunod sa akin. Curious lang din ako kung bakit ganyan ang treatment mo sa akin. Hindi naman tayo totally magkakilala." Pabuntong hininga nyang saad.

"That's the point. Hindi tayo totally magkakilala. You shouldn't expect me to be nice." Hindi na maitago ang pagkairita sa tono ko. Kung bakit ba naman kasi kung nasaan ako ay nandon din sya.

Tinitigan nya lang ako na para bang may mali akong nasabi. Ibinalik nya sa akin ang menu. Agad kong kinuha ito na nagpanggap na tinitingnan ang menu. Halos walang pumasok sa kokote ko sa mga binabasa ko ngayon.

"I'm here with friends. Sama ka sa amin since ikaw lang naman mag-isa. Tambay lang sa may dagat. Bonfire." Pag-anyaya nya sa akin na para bang wala akong sinabi sa kanya kanina na we're strangers. Ganito ba talaga sya sa mga hindi nya kakilala?

Oh shut up! Hindi ka mahalaga sa kanya. Huwag mong isipin na kaya sya nag-aaya ay dahil special ka para sa kanya. Kagaya ng sabi nya ay curious lang sya kung bakit ganito ang treatment ko sa kanya. Kung hindi na ba ako iiwas ay lulubayan nya na ako? Hindi na siguro sya macu-curious.

"Fine. I'll come with you." Maarte kong ibinaba ang menu at sinulyapan ko sya. Tumango sya at nginisian ako. Agad syang tumayo na para bang iyon lang ang sadya nya talaga kaya sya lumapit sa akin.

His dark gaze looks into my soul. Sumakit ang dibdib ko. Agad kong nilunok sa pait na nalalasahan sa bibig ko. Wala pa man syang sinasabi o ginagawa ay todo na ang hataw na puso ko para sa kanya. Delikado itong ginagawa ko. Hindi na dapat ako pumunta sa lugar na ito kung alam ko lang na ganito pa rin ang mararamdaman ko.

Kinuha nya ang cellphone mula sa bulsa nya at iniabot sa akin. "Give me your number. I'll contact you later or do you have an Instagram account? I'll just message you."

Tinaggap ko ang kanyang cellphone. Nagtipa ng numero ko at ibinalik sa kanya ng walang imik. Tumango tango naman sya habang sya naman ang may pinipindot sa kanyang cellphone at nag-angat ng tingin sa akin.

"I'll just message you later. Enjoy your dinner." Tumango lamang ako. Agad na din syang umalis. Nagtawag na ako ng waiter para maka-order.

Matiwasay naman akong nakatapos sa dinner at naglakad muli sa may dalampasigan. Malamig ang hangin. Ramdam ko sa bawat pagyapak ko ang mga buhangin. Tumingin ako sa dagat at lumanghap ng sariwang hangin. Hindi maiwasang panghinaan ng loob, agad akong nagpakawala ng hikbi.

Bakit ko nga ba sya sinisisi sa mga ginagawa nya ngayon? Sinisi nya ba ako dati sa mga nagawa ko sa kanya? Hindi naman, dba? Kaya anong karapatan kong manumbat? Noong wala naman sya sa buhay ko ay naging masamang tao din ako, sobra pa sa ginagawa nya ngayon. Kaya bakit ako apektado ngayon. Hindi na rin naman babalik ang lahat sa dati. Wala akong karapatan.

Serotonin Where stories live. Discover now