Entry 8

3 0 0
                                    

Hindi ko na halos marinig ang nasa paligid ko. Nakatingin lang akong deretso sa baso ko habang nararamdaman kong nakatingin pa rin sya sa akin. Nag-angat ako ng tingin at ngumiti naman sya.

"Sorry. Alam kong gasgas na to but do I know you? You look familiar." Austin said.

"Generic lang siguro yung mukha ko kaya ganyan. Ngayon lang naman kita nakita." Patay malisya kong sagot. Agad akong lumagok ng alak sa baso ko. Kailangan ko nang umalis dito.

"Are you from around here?" Tanong nya pa ulit. Tumingin ako sa gilid ko at agad umiling. Kunot noo nya akong tinitigan.

"Taga saan ka pala? Nandito ka ba para mag-bakasyon?" Naguguluhan nyang tanong sa akin.

Hindi ko matagalan na tumingin sa mga mata nya. Natatakot ako na baka makita nyang may pangungulila sa mga mata ko. Agad akong uminom ng beer sa baso ko bago sumagot.

"I'm here to meet up with a guy." Simpleng sagot ko. Agad naman syang tumango tango at ininom din ang alak na nasa baso nya. Nakita kong may tattoo sya sa kanyang braso. Paikot iyon sa arm nya. Ang dami nang nagbago sa kanya.

"So, nasaan na sya? Nagkita na kayo?" Tanong nya pa ulit. Ngumiti lang ako.

"Oo, pero hindi nya na ako maalala." Sagot ko sa kanya. He looked softly at me.   I looked in the opposite direction. Kailangan ko na talaga umalis dito.

"That's too bad." He whispered. Agad akong napapikit. Damn. Kailangan ko na talaga umalis dito. Tumingin ako sa kanya pabalik.

"It's okay. At least nakita kong okay naman sya." I answered. May sasabihin pa sana sya but I cut him off.

"Nice meeting you. I'll head out na. Thank you sa beer." Hindi ko na inintay na sumagot sya at agad na akong naglakad palabas ng club. I didn't even look back.

Nanlalambot akong naglakad pabalik ng motel. Pakiramdam ko namamanhid ang kamay ko. Okay naman sya eh. He's living his best life. He looked happy. Yun lang naman ang pinaka importante para sa akin.

Serotonin Where stories live. Discover now