Entry 17

6 0 0
                                        

Masaya ako, sa sobrang saya ko hindi ko na naiisip kung anong kahihinatnan ng mga nangyayari. Ang tagal kong inintay na maging ganito kasaya. Ganado araw-araw kahit nandito lang naman sa bahay. May mga pagtatalo kami ni Mama pero hindi ko gaanong inaalintana. I have something to look forward to. Si Austin iyon.

I tried to be better, in his eyes. I slipped up some of my dark truths but mostly I am tolerable. Yon ang iniisip ko. Mahilig iyon sa good girl eh. Hindi ako ganon, well I try to be one right now. After ng on and off na usap namin ay hindi na muli ako nag entertain dahil, wala akong maramdaman. I am drained while in the house. I have no time for other people, I have no energy to explain my situation kaya wala akong pinapasok sa buhay ko. Gusto ko lang ipagpatuloy ang mga araw ko.

Kahit ang best friend ko ay kinausap ko lamang after namin mag-usap ulit ni Austin. Ang dahilan ko, hindi ako kakausap ng ibang tao maliban sa kanya. Literally. I was damn crazy. Pakiramdam ko ay lagi akong okay kapag magkausap kami. Kaya ko lahat ng bagay na dadaan sa buhay ko kahit ang ilan doon ay pinagdadaanan ko nang ako lang mag-isa. Maski si Austin ay hindi ko sinasabihan. Kaya ko naman eh, basta nandyan sya.

"Sumama ka na sa akin. Minsan ka lang naman lumabas, uuwi tayo ng alas dose." Sambit ni Naly habang nagbibihis ako. Nag-away na naman kami ni Mama kaya gusto ko munang makaalis dito sa bahay.

Umupo ako sa kama habang sinusuklay ang buhok ko. "Wala nang masasakyang jeep ng alas dose." Walang gana kong sagot sa kanya. Ang sabi nya ay may susundo daw sa akin na barkada ng "nanliligaw" sa kanya. Naririnig ko pa si Mama habang nagbubunganga sa labas.

"Wala kang kwenta! Wala kang mararating talaga! Puro katangahan ang pinapairal mo!" Sigaw nya. Pumikit ako ng mariin at agad nagdesisyon. Puro naman talaga ako katangahan. Sige na. Oo na. Agad akong nag message kay Austin na may lakad ako kasama ni Naly. Sa resort o ano. Hindi rin ako masyadong sure. Sa personal ko na lang itatanong dahil magulo ang isip ko.

Bago pa ako nakalabas ay ilang masasakit na salita pa ang inabot ko. Lahat naman ginagawa ko. Inaayos ko naman lahat. Wala pa rin ba akong kwenta? Mabigat ang loob kong umalis ng bahay. Tangina. Lagi na lang ganito. Hindi naman para umimik pa ako at makipagtalo. Hindi naman makikinig. Wala naman makikinig.

"Mico nga pala." Lahad ng kamay ng lalakeng sumundo sa akin. Tinaggap ko iyon at tumango tango. Dadaanan daw namin si Naly doon sa kanila. Ang akala ay susunduin sya ng manliligaw nyang si Allen pero sa huli kay Mico din naman pala sasakay.

Walang imik kami sa byahe, nang dumating na si Naly ay may ilang usapang nangyari. Sa resort daw ang tungo para mag-overnight dahil extend ng birthday celebration ng manliligaw ni Naly. Wala naman akong planong magswimming. Walang tigil naman ang update ko kay Austin. Nagsesend pa ako ng pictures kung nasaan na kami.

Nakarating na kami sa resort. Agad akong nilapitan ni Naly at sumabay sa akin papasok doon. Ang tatlong lalake naman na kasama namin ay inaayos na ang mga dala nila. May padating pa daw mamayang isa pa nilang kaibigan. Agad silang kumuha ng cottage. Maayos naman ang resort, may ilang grupo na nagsasaya sa kabilang dako ng resort. Medyo dulo ang nakuha naming cottage malapit sa pool.

May mga ilang gamit na kulang kaya umalis si Naly at Allen. Naiwanan kami nina Mico at Don. Katapat ko si Don, magkatabi sila ni Mico. Tinatanong nila ako ng ilang bagay. Sinasagot ko din sila at abala pa rin ako sa cellphone ko. Tumatawa ako minsan sa ibang jokes nila. I find it awkward. Kailangan nila magjoke kasi hindi ako gaano nagsasalita. Hindi ko naman kasi sila kilala. Uncomfortable pero mas okay dito kaysa sa bahay.

Dumating muli sina Naly at Allen. Nagsimula na ang inuman at kwentuhan. Hindi ko namamalayan ang napaparaming inom ko. Ilang diskusyon pa ang nangyari sa mga iba't ibang topic. Halos magkasing tanda pala kami ni Don. Si Mico naman ay pinsan ng isa pa naming kaibigan. Dumating na din si Byron na may mga dalang pagkain galing sa restaurant nya. Nagkabiruan pa na double celebration dahil birthday ko na din kinabukasan. Inabot na kami ng madaling araw dito.

Magkatabi ni Naly at Allen habang pinag gigitnaan ako ng bagong dating na si May at ni Mico. Si Don at si Byron naman ay nasa tapat ko. Ilang biruan at kwentuhan pa. Inalok ako ni Mico ng cigarette. May vape naman ako kay tumanggi ako. Tumango sya. Agad nyang sinindihan ang stick ng sigarilyo.

Inaya ako ni Naly na magpuntang comfort room. Agad ko naman syang sinamahan. Nahihilo na ako. Halos hindi ko na makilala ang mga mata ko habang nakatingin sa salamin. Tiningnan ko ang huling message galing kay Austin. 'Kamusta na dyan?' Ngumiti ako. Bukas birthday ko na. Nandito ako nakikisama sa mga hindi ko naman talaga kakilala. Tanga nga siguro ako. Pagbalik ko wala na akong maalala pagkatapos.

Serotonin Where stories live. Discover now