Entry 15

6 0 0
                                        

Mapakla akong ngumisi sa kanya. Ang kaninang panlalamig ko ay lalong tumindi. Halos manginig ako. Bahagya akong umiling. Hindi mapakali sa sinabi nya. Tumungo ako at halos gusto kong matawa. Mababaliw na ata ako.

"You're kidding me." I laughed without humour. Nilingon ko sya. His eyes searched my whole face. Tila sinusukat ang bawat sulok at naghahanap ng mga sagot. Lumambot ang puso ko sa mga tingin nya. Nawala ang ngiti ko sa labi.

"I dreamt of you and I always end up crying. I had an accident a year ago. Noong mga nakaraang buwan lang bumabalik ang ang memorya ko. Lagi akong may napapanaginipang babae at alam kong ikaw iyon. Unang kita ko pa lang sayo, alam kong ikaw yon." Malumanay na saad nya. Tumango tango naman ako. Pilit kong niyakap ang sarili ko.

"You shouldn't have dreams like that. Kalimutan mo na lang lahat ng mga panaginip mo." Bulong ko sa kanya. Ngumiti ako sa kawalan. Tama naman ako hindi ba? O baka hanggang ngayon mali pa rin ako.

"Sabi ng mga kaibigan ko niloko mo raw ako. Madami ka raw hindi sinabi sa akin kaya noong nakita kita pinakiramdaman ko yung sarili ko, kung galit ba ako sayo o kung may iba akong nararamdam tungkol sayo pero wala. Wala akong maalala." He looked at me with a hint of disgust and detachment. My heart sanked. Naninikip ang dibdib ko.

"Minahal kita ng sobra. Madami akong maling desisyon na ginawa pero nanatili ka sa tabi ko hanggang sa huli. Minahal mo ako hanggang sa hindi mo na kaya, hanggang sa naubos ka na rin sa kakabigay ng sarili mo sa akin. Lagi mong sinasabi sa akin bago tayo maghiwalay na wala kang pinagsisisihan sa lahat ng mga nangyari. Sana hanggang ngayon na wala ka nang maalala, ganoon pa r-rin." Hindi ko na napigilan ang panginginig ng boses ko sa huling parte. Sinulyapan ko sya. I swallowed the lump in my throat. I continued.

"Ngayon na wala na ang mga alaala natin, hayaan mong ako ang magdala ng mga iyon. I will treasure it forever. You don't know how sorry I was when everything happened. I lied to you so many times and yet you forgave me. You were so good to me and I destroyed you. I am so sorry." Bumuhos na ang ang luha ko. Agad kong pinalis iyon. Ayoko nang umiyak.

"Nandito ako, hindi naman para manggugulo sayo. Gusto ko lang makita ka kahit nasa malayo ako. Kahit malayo yung distansya nating dalawa, kahit hindi mo ako kilala. Iyon naman talaga. Gusto kong maging masaya ka. Alam kong magiging masaya ka." I assured him. Ngumiti naman sya at tumango. Huminga sya ng malalim at uminom sa kanyang beer.

Wala ka naman dapat sabihin sa akin, your silence is more than enough. I'm not even here to unload my guilt or my burdens. I will carry this as long as I live. The regrets. The failures. The longing. I will gladly live with it.

"I loved you, huh? That long and it abruptly ended. Insane. I don't remember all of it. Just bits of it." Halos mahimigan ko ang panghihinayang dahil konti lang ang natatandaan nya.

You loved me fiercely. Don't worry, I'll remember it for both of us. And now he's looking at me with indifference in his eyes. Without any other emotions. Just indifference. And yet here I am.

Serotonin Where stories live. Discover now