Entry 20

5 0 0
                                        

"Happy birthday, Pau. I love you." Tinititigan ko ang mensaheng ito mula kay Austin habang binabagabag pa rin ng sa mga nangyari. Mahal na mahal kita pero nagkamali pa rin ako. Ikinukulong kita sa pamamagitan ng pagmamahal. Mapakla akong ngumiti. Siya lang ang gusto ko. Siya lang ang nakakaintindi sa akin. Ako lang din ang gusto nya, marahil dahil hindi nya alam ang lahat ng katotohanan. Paano kung malaman na nya? Panigurado iiwanan ako nito. Agad sumikip ang dibdib ko.

"Thank you, love. I love you." Pagpindot ko ng send ay huminga ako ng malalim. Kalimutan ko na lang ang mga nanyari. Malapit na din naman kaming magkita at malalaman ko kung totoo ba talaga itong nararamdaman namin sa isa't-isa. Nagdududa pa rin ba ako o ginagamit ko lang ang excuse na ito para sa nagawang kamalian? Kahit ako nalilito na.

Mabilis nagdaan ang mga araw. Hindi pa ulit kami nagkaroon ng matinding away ni Mama. Hindi ko rin naman iniintindi ang mga sinasabi nya sa araw-araw dahil abala ako sa mga ginagawa dito sa bahay pati na rin sa kay Austin. Everyday I always look forward to my time with him. Tuwing gabi kami nag-uusap hanggang sa madaling araw dahil sa schedule ng trabaho nya. Kapag inaabot ako ng liwanag na gising pa at sya naman ay patulog na, ginagawa ko na ang mga responsibilidad ko dito sa bahay at natutulog na lang ng dalawang oras sa umaga at iidlip naman sa hapon.

It seems exhausting right? Not for me. As long as I can communicate with Austin, it's fine. Walang mahirap para sa akin basta ba ay nandyan sya. Umpisa pa lang ay dependent na ako sa kanya. Kahit hindi dapat ay ganoon ang nangyayari. Kahit pa pigilan ko ay wala akong magawa sa huli. Hindi ko pinapahalata madalas na dependent ako sa kanya dahil alam kong ayaw nya ng ganoon. That was one of the reasons why we didn't work out in the past. Natatakot akong bigla na naman syang mawala once na makita nyang dependent ako sa kanya emotionally. Ang hirap kapag wala sya.

I reached out to my old friends weeks from now. Napagkasunduan pa namin na magkita-kita sa Manila sa araw din ng luwas ko dahil gabi pa naman ang byahe ko papunta sa hometown ni Austin. Tama lang nang makapasyal din ako kasama ang tatlo kong mga kaibigan. Nakilala ko sila years ago. Mga dummy accounts pa ang ginagamit namin noon. Nakakatuwa lang isipin na magkikita kita ulit kami. Dalawa sa kanila ay na-meet ko na sa personal kaya excited ako ngayon na mame-meet ko na din ang isa naming long time online friend.

Hanggang ngayon at nagme-message pa rin si Mico sa akin, nangungulit. Hindi ko binibigyan ng pansin. Lumabas ako isang araw para mamili ng mga ilang stocks sa bahay. Sa SM na ako namili at isinabay ko na din ang pagpamper ko sa sarili ko paghahanda sa pagkikita namin ni Austin. Habang ako ay nasa supermarket at patapos na sa pamimili ay nagmessage sa akin si Mico kung nagkakausap pa ba si Naly at Allen. Nagreply lamang ako na hindi ko alam dahil hindi ko na rin naman gaanong naitatanong kay Naly.

Nabanggit nyang nasa SM sya ngayon at sinabi kong ganon din ako, nag offer agad sya na ihatid ako pauwi. Agad akong tumanggi at sinabing wag na. Kaya ko naman magcommute at lagi ko naman ginagawa iyon. Nagmessage naman sa akin si Mama at agad na akong pinapauwi. May pagtawag pa at kasamang pagalit sa akin. Magmadali daw ako sa paguwi dahil may pupuntahan sya.

Huminga ako ng malalim at lito na. May naglalarong ideya sa utak ko pero magkakamali na naman ako kung gagawin ko. Kung matatagalan ako sa traffic dahil rush hour na, ang daming pila sa tricycle at jeep. Lalo akong papagalitan. Mabigat ang mga daliri ko habang mine-message si Mico. Pinaunlakan na ang anyaya nya kanina na ihatid ako. Fuck. Kailangan ko lang magmadali kaya ko gagawin ito.

Nagkita kami malapit sa exit ng supermarket. Agad nyang kinuha ang mga grocery na binili ko at nagdiretso na sa parking lot. Sinabi ko rin sa kanya na nagmamadali ako kaya ako pumayag na ihatid nya ako at naging klaro na walang ibang intensyon o pagpapahiwatig ito. He just agreed with me. Halos walang pakialam sa mga sinasabi ko habang papasok kami ng sasakyan nya.

Napagkwentuhan namin ang pagpunta ko ng Manila. Nabanggit ko na kasama ni Naly at ibang kaibigan na kikitain namin sa Manila. Ginawa kong dahilan kay Mama na si Naly at Jhen ang kasama ko sa Manila. Nag-offer ulit sya na ihatid kami ni Naly sa may sakayan ng bus sa highway habang ginagawa pa ang magiging bagong terminal dito sa syudad namin. Tinanggihan ko na lang dahil alam ko naman na ako lang ang kailangan makasakay sa bus.

Nakarating kami sa kanto namin at agad akong nagpasalamat kay Mico. Pagkauwi ko ay nag-aabang na agad si Mama sa may terrace namin. Iritado nya akong pinagalitan dahil sa tagal ko. Wala pa nga akong dalawang oras sa mall na iyon kasama na ang byahe at nagmamadali nga akong umuwi.

Nagkaroon na naman nga ako ng hindi magandang desisyon sa kaka-pressure nya na umuwi agad ako. I sighed. I can still hear her mumbling some strong words while leaving. Umalis na sya agad pagkatapos ng mahabang litanya. Hindi ko lang matanong kanina kung nagmamadali pa ba sya dahil sa haba ng mga sinabi nya. Umupo muna ako para makapahinga. Huminga ako ng malalim at agad nag-init ang gilid ng mga mata. My throat ran dry. Okay lang yan.

Serotonin Where stories live. Discover now