Napalingon kami sa may pintuan dahil may pumasok. Agad kong namukhaan ang dalawang lalake. Bakas sa mukha ng dalawa ang pagkagulat. Nag-iwas agad ako ng tingin at uminom na lang ng kape ko.
Naramdaman ko ang paglapit ng dalawang kaibigan ni Austin sa table namin. Wala akong lakas ng loob na tingnan sila kaya pinagkaabalahan ko naman ngayong tingnan ay itong croissant.
"Nawala ka kagabi, pre ah. Hindi ka nagpaalam." Sumulyap ako kay John dahil sa sinabi nya. Nagpabalik balik ang tingin nya sa amin ni Austin. Kunot ang noo at naguguluhan.
"Nakaligtaan ko na nga magpaalam sa inyo. Oh by the way, this is Pau. Nakilala ko sya kagabi." Pagpapakilala sa akin ni Austin sa mga kaibigan nya.
Agad nag-iwas ng tingin si Gio habang natutulala pa si John sa nangyayari. Marahil hindi rumerehistro sa kanya na nandito ako ngayon sa harapan nya. Tumango lamang sya.
"Oo nga pala. I need to go. Mag-aayos pa ako ng mga gamit ko eh." Pagdadahilan ko. Tumayo ako para makaalis na. Naguguluhang tumayo din si Austin.
"Oh okay. Akala ko lilibot ka dito sa bayan?" Pagtatanong nya pa. Agad akong umiling hindi pa natatapos ang tanong nya. Binigyan na ako ng masamang tingin ni John. Marahil ilang sandali pa itutulak na ako nito palabas ng pintuan.
"Hindi na siguro. Salamat sa breakfast, Austin." Pagpapaalam ko. Agad ko na silang tinalikuran lahat at lumabas na ng coffee shop. Nagmamadaling bumalik ng motel.
Kinuha ko ulit ang susi sa receptionist. Hindi ako makahinga sa loob ng elevator. Nakahinga lamang ako ng maluwag nang nasa loob na ako ng kwarto. Hindi pa ako nakakaupo ay may kumatok na agad sa pintuan. Napapikit ako.
Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si John. Agad syang pumasok sa loob nang walang sabi-sabi. Sinarado ko ang pintuan at inihanda ang sarili sa kung ano man sasabihin nya. Tiningnan nya ako ng masama.
"Anong ginagawa mo dito?" Malamig na tanong nya. May halong diri at pagkamangha.
"Honestly, I don't know." Sagot ko. Umupo ako sa gilid ng kama habang sya ay nakatayo lamang malapit sa may side table. Hindi pa rin maalis ang nakakababang tingin nya sa akin.
"He doesn't need you. You have no reason to be here. Umuwi ka na. Wala kang mapapala dito. Ilang months pa lang syang nagiging okay. Simula noong aksidente ngayon pa lang bumabalik yung memories na meron sya. Kung nandito ka may possibility na may matrigger ka sa kanyang hindi magandang memory." Sumbat nya sa akin.
"Kagaya ng ano? Ng aksidente? O ako mismo? Baka maalala nya ako?" Puno n
ng hinakakakit ang boses ko. Suminghap ako at agad pinagsisihan ang sinabi ko."Hindi ka na nya maaalala. Ikaw na lang ang hindi nya naaalala sa lahat ng alaala na meron sya. Ikaw at ang aksidenteng nangyari. Go home, Pau. We don't want you here. You're not good for him." Tiningnan nya pa ako muli at umiling bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Alam ko naman na hindi na ako kailangan dito. Umasa lang naman ako na baka sakaling makita ko sya pero hindi naman sa ganitong paraan. Hindi ko na rin hihilingin na maalala nya ako.
Agad akong nag-ayos ng mga gamit ko. Tama naman si John eh. I'm not good for him. Kahit noon pa man. Bakit ko pa ba ipinipilit ang sarili ko dito? Napatunayan ko nang okay sya at masaya sa buhay nya ngayon. I should move on and continue my life.
Pagka check out ko sa motel ay agad akong dumeretso sa terminal ng bus. Agad napukaw ng atensyon ko ang byahe papuntang Norte. Nilingon ko ang bus pauwi ng Pasay. Napabuntong hininga na lang ako.
Going to a beach won't hurt right? Kahit makapunta lang ako sa isa okay na ako doon. Uuwi na ako bukas. Hindi man lang ako nakapag-ikot dito sa bayan. Hindi lang naman sya ang pinunta ko dito, yung lugar din ang gusto ko makita.

YOU ARE READING
Serotonin
Non-FictionI wrote all of this about him. He'll never read any of it, so you can. I hope you enjoy it. He would've.