Halos hindi ako nakatulog kagabi. Paulit ulit na tumatakbo sa isipan ko ang mga nangyari. Ipinilig ko ang ulo ko at tiningnan ang orasan. Alas otso na at nakahiga pa rin ako. Hindi rin ako nakakaramdam ng gutom.
Pinilit ko nang tumayo at maligo. Magkakape na lang ako sa labas. Kailangan na gising ako ngayong araw dahil gusto kong mag-ikot ikot. Sana naman hindi na magkrus ang landas namin sa gagawin kong pagiikot dahil paniguradong hindi ko mapipigilan ang sarili ko na kausapin na naman sya.
Agad kong kinuha ang susi ng kwarto at chineck kung may naiwanan pa ba ako na importante para sa araw na iyon. Nakatulala lang ako habang iniintay ang pagbaba ng elevator at nang bumukas iyon ay agad akong napahawak ng mahigpit sa bag ko.
Magulo pa ang buhok nya habang nakasandal sa loob ng elevator. Agad syang umayos ng tayo nang namukhaan nya ako. Tiningnan ko naman ang katabi nyang babae. May magandang katawan ito at mahaba ang buhok. Nakatuon lang ang pansin sa cellphone na hawak nya. Ibinalik ko ulit ang tingin ko kay Austin at agad na binawi ito habang papasok ng elevator.
Suot nya pa rin ang damit na suot nya kagabi. Halos naaamoy ko pa ang alak sa kanilang dalawa. Sa dami ng motel dito sa lugar na ito bakit naman dito nya pa napiling magcheck in? Nakakabinging katahimikan lang ang bumalot sa loob ng elevator. Tanging notification sounds lang ang maririnig mula sa katabi nyang babae.
Nang magbukas ang elevator ay agad akong lumabas para makalabas na ng mismong motel. Agad akong pinigilan ng receptionist.
"Miss, kailangan po ibalik ang susi sa amin kapag po lalabas kayo. Pakitandaan na lang ng room number para mamaya pagbalik mo." Page-explain sa akin ng receptionist. Agad naman akong tumango at iniabot sa kanya ang susi bago ko ulitin sa isipan ko ang room number.
Halos hindi na ako makahinga dahil pakiramdam ko napakasikip ng mundo ko tuwing nandyan sya. Agad akong lumanghap nang hangin paglabas ko habang patuloy akong naglalakad. Parang ayoko nang mag-ikot ngayon. Para akong nawalan ng gana. Gusto ko nang umuwi.
"Pau!" Sigaw sa akin sa likuran ko. Hindi ko lumingon at mas binilisan pa ang paglalakad.
"Pau!" Ulit nya pa ng pagsigaw. Tumigil ako ng paglalakad at kunot noo ko syang nilingon. Kinakalma ang sarili na sumbatan sya na may kasama syang iba. Akala ko ba mahal mo ako? Akala ko ba ako lang? Kinagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko. Hindi nya ako maalala. Wala syang idea kung sino ako.
"Grabe. Ang bilis mo naman maglakad. Nagmamadali ka ba?" Pinunasan nya ang pawis nya. Umiiling iling habang nakatingin sa akin.
"I'm sorry? Who are you again?" Patay malisya kong tanong sa kanya. Kumunot naman ang noo nya at agad na kinilatis ang mukha ko. Nagdududa sa pagpapanggap na ginagawa ko.
"Austin. Last night. Sa club." Pagpapaalala nya sa akin kahit obvious naman na naaalala ko dahil sa mga kilos ko. I acted like I was surprised.
"Oh! Oo nga. I'm sorry. Medyo madilim kasi sa club na yon hindi kita nakilala agad." Pagdadahilan ko. Kita pa rin na nagdududa sya sa mga sinasabi ko.
"It's okay. Madilim naman talaga kagabi." Sagot nya sa akin. Tumingin muna sya sa paligid bago bumaling sa akin.
"Nag breakfast ka na? Tara. Nagugutom na ako eh." Pag-aaya nya sa akin. Hindi pa man ako nakakasagot ay agad na naman syang nagsalita.
"May alam akong coffee shop na masarap ang croissant nila doon. Masarap din ang coffee. Malapit lang dito. Let's go." Sasagot pa lang ako ay naglakad na sya pauna. Hindi ko alam kung sasama ba ako dahil mukha akong baliw dito habang nakatingin sa kanya.
Nilingon nya ako habang patuloy na syang naglalakad. Nilingon ko ang entrance ng motel, iniisip na pwede pa akong bumalik sa kwarto ko. Nilingon ko sya ulit. Nakatingin na lang sya sa akin, iniintay na maglakad ako papunta sa kanya. Damn. Mabigat ang mga paa ko na sumunod sa kanya.

YOU ARE READING
Serotonin
No FicciónI wrote all of this about him. He'll never read any of it, so you can. I hope you enjoy it. He would've.