Entry 19

4 0 0
                                        

Naalimpungatan ako dahil pakiramdam ko ay may gumalaw sa gilid ko. Hindi ako sanay na may katabing malikot. Agad ko iyon nilingon at nadatnan si Mico na nakaharap sa akin, nagigising na. Fuck. Fuck! Dito nga pala ako natulog. Shit. Hindi pa ako nakakabawi ay umarangkada na naman ang sakit ng ulo ko. Nasusuka na naman ako dahil sa biglaang paglingon ko kanina.

Agad kong hinarap ang trash can. Wala naman na ako maisuka pero halos magkamukha na kami ng basurahan dahil magdamag na ito ang kaharap ko. Matinding hangover na naman ang pagdadaanan ko ngayong araw, ang mahimasmasan ay bumangon ako at nagpuntang comfort room. Nagsuka na naman ako habang inaayos ang sarili. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ako nagsuka.

Pagkabalik ko ng kwarto ay nakaabang na sa akin si Mico. Natatawa sya dahil hanggang ngayon ay nagsusuka pa rin ako. Ilang iling pa ang ibinigay nya sa akin bago ako sumampa sa kama. Maliwanag na sa labas. Agad kong hinanap ang mga gamit ko. Kailangan kong matingnan agad ang cellphone ko. Hindi ko na nai-message si Austin kaninang madaling araw. Agad akong nakonsensya dahil sa mga nangyari. Tangina, ano na gagawin ko?

"Nasa sasakyan ang mga gamit mo." Saad ni Mico habang inaayos ang magulo kong buhok. Kunot noo ko syang tiningnan. Kung anong huling pwesto ko kagabi ay iyon din ang paggising ko. Na-check ko ang katawan at pakiramdam ko noong nasa banyo ako at wala naman masakit sa akin. Dapat pa ba akong magtanong?

"Wala naman nangyari sa atin kagabi." Halos nga hindi na tanong iyon. Nagulat at natawa pa si Mico dahil sa sinabi ko.

"Walang nangyari. Anong akala mo sa akin? Patay ka nga kagabi. Chineck ko pa bago ako matulog kung buhay ka pa kasi hindi ka nagalaw." Sa tono nya ay parang na-offend ko pa sya. Tumango ako. Sinabi kong ihatid na ako sa bahay. Kailangan ko nang umuwi at kailangan ko na ang cellphone ko. Patayo na ako galing sa pagkakaupo at hinila nya ako pabalik sa kanya.

"Maya-maya. Ang aga pa naman eh." Bulong nya sa akin. Hindi ako nakaimik. Namamanhid ako. Kagabi pa akong ganito o noong mga nakaraang araw pa? Hindi ko lang napapansin. Pinagmasdan pa ako ni Mico bago patakan ng halik ang labi ko. Paano kung ganito din ako kapag nagkita kami ni Austin? Paano kung wala akong maramdaman?

Ipinikit ko ang mga mata ko at tinugon ang halik nya. Wala akong maramdaman kahit katiting na emosyon, agad akong nagsisi sa ginawa. Mali itong ginagawa ko. Tumigil ako sa paghalik, itinulak ko sya ng marahan at tumayo na agad. "Wala akong maramdaman sayo." Bulong ko. Nanlamig ako sa mga iniisip ko at ginagawa. Umiling ako sa kanya.

Kunot noo nya lang akong tiningnan. Naguguluhan pa habang patayo na rin. Magsasalita pa sana sya pero agad kong sinabi na kailangan ko nang umuwi at hinanap na ang mga damit ko. Hindi na naman sya nagpumilit pa. Tinanong nya din ako kung gusto ko muna kumain bago umuwi, tumanggi muli ako habang pababa ng hagdanan.

Ibinigay nya sa akin ang mga basang damit ko. Lumabas na kami ng bahay nila at agad sumakay sa sasakyan. Nasa backseat ang mga gamit ko. I checked my phone, buti at hindi lowbatt. Tiningnan ko ang mga messages na naroon. May iilan na pagmumura galing kay Mama, kay Naly na nangangamusta at kay Austin na nag-aalala. Fuck. Hindi pa ako makapagreply dahil iniisip ko pa kung anong sasabihin ko.

Kinakabahan ako habang nagtitipa ng mensahe para sa kay Austin. Kailangan ko magsinungaling. Magsisinungaling na naman ako, patong patong na nga ang mga kasinungalingan nagdagdag pa ako ngayon. Hindi sya pwede magalit sa akin, natatakot akong magalit sya sa akin dahil sa mga nagawa ko na namang pagkakamali. Hindi ako nag-iisip ng maayos. Even to myself I can't fucking justify this action.

Humingi agad ako ng tawad. Nag-explain ako kay Austin na si Naly at Allen ang naghatid sa akin pauwi. Hindi na ako nakapagreply dahil sa sobrang kalasingan. I told him not to worry. Nanginginig ang daliri ko nang pindutin ang send button. Huminga ako ng malalim at tumingin sa bintana. Agad na nagreply si Austin. Tiningnan ko ang oras at alas otso pasado pa lang ng umaga. Binasa ko ang reply nya.

Hindi sya nakatulog sa pagaalala at sa kakaintay ng reply ko. Fuck. Kinakain ako ng konsensya ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Tangina mo, Pau. Sabihin mo na sa kanya ang totoo. Tanggapin mo na lang yung galit nya. Hindi nakatulog yung tao sa kakaintay sayo tapos ano ginawa mo? Nakipaghalikan ka sa ibang tao! Gaano ka ba katanga at kagago?! Baluktot na nga yung ginawa mo pati yung dahilan mo baluktot pa rin!

Nilunok ko lahat ng iniisip ko at nagreply muli sa kanya. Nagsorry ulit ako at sinabi na okay lang ako. Mamaya ko na lang sya kukwentuhan sa mga nangyari kagabi at magpahinga na muna sya. Agad naman syang sumang-ayon sa akin. Sinabi nya sa akin na ayos lang na ngayon lang ako nakapagreply basta safe akong nakauwi. Nalalasahan ko na ang pait sa bibig ko. Sobrang guilty sa ginagawa. Napaka makasarili mo talaga, Pau.

Nagpasalamat ako kay Mico at agad bumaba sa sasakyan nya nang makarating na sa may kanto namin. Hindi ko na sya halos kinausap dahil sa dami ng iniisip ko. Naglakad ako papuntang bahay. Agad kong binuksan ang gate, naabutan ko si Mama na nagkakape. Hindi ko na halos marinig si Mama sa mga sermon nya dahil nag-aalala pa rin ako kay Austin. Ang huling reply nya ay magpapahinga na muna sya habang ako nalulubog na sa kumunoy ng kasinungalingan.

Serotonin Where stories live. Discover now