Entry 12

2 0 0
                                    

Mahaba ang naging byahe magmula sa bayan ng Olongapo hanggang Liwliwa. Mga isang oras din akong naaliw sa mga tanawin na nakita ko. Pagkababa ko ng bus ay agad akong nag-tricycle para makapunta sa beach na na-book ko. Mabuti na lang kahit nasa byahe ay nakapag-book agad ako marahil wala gaanong tao sa beach resort na napili kong mapag-stay-an.

I settled down in my hotel room. Decent naman yung room and spacious. Agad akong nagpalit ng shorts para maging comfortable kung sakaling maglilibot na ako mamaya sa labas. Inayos ko na din ang mga dala kong gamit. Kahit isang araw lang ako makapag-relax dito, ibigay nyo na sa akin ito.

Nagcharge muna ako ng phone ko at tiningnan ang tanawin mula sa window ng room ko. Payapa ang dagat at may mga ilang taong naglalangoy na. Hindi rin ganon kainitan sa labas. Napakaganda dito.

Pagkalabas ko ng room ay ilang turista pa ang nakita ko sa hallway. Mga pamilya, magkasintahan at mga magba-barkada. Nagbabakasyon din sa magandang lugar na ito.

I breathed the air. Ang sariwa ng hangin dito, parang malalasahan mo yung alat ng dagat. Palubog na halos ang araw. Hindi ko namalayan na ang tagal ko rin pala sa loob ng room ko. Agad kong kinuhanan ng litrato ang sunset gamit ang phone ko. Napangiti ako sa tanawin. Ganito sana palagi, wala akong iniisip na problema o kahit ano.

"Pau?" Banggit ng boses di kalayuan sa kinatatayuan ko. Kahit na halo-halo ang boses na naririnig ko mula sa mga taong nakapaligid ay hindi ko makakaligtaan ang boses na yon. Agad akong lumingon sa kanan ko.

"Akala ko ba uuwi ka na?" He said mockingly. Hindi mawala ang ngisi sa mukha nya. Napailing ako.

Kaya nga ako nagpunta dito para hindi ko na sya makita ulit tapos ngayon nandito na naman sya sa harapan ko. What a fucking joke.

"Konti na lang iisipin ko nang sinusundan mo ako." He laughed a bit. Nilingon ko ulit sya at pinagtaasan ng kilay.

"Not worth my time." I said without breaking my gaze on him. He smirked at me.

"Nag-dinner ka na? Let's have dinner. I'll treat you." He said na parang hindi nya narinig ang huling sinabi ko. Agad akong umiling. Why would I have dinner with him? Kaya nga ako nandito to getaway from him tapos makikipag-dinner ako?

"No, thank you. Hindi ako gutom." I said dismissively. Tinalikuran ko na sya para makabalik na sa hotel room ko. Ayoko nang humaba pa yung usapan.

"Why does it feel like you're avoiding me? We just met. It feels like you hate me." He whispered.

I froze. Nakalimutan ko yung dahilan kung bakit gusto kong bumalik sa room ko. Kung alam mo lang kung gaano kita gusto makasama. Kung alam mo lang, Austin.

"I don't hate you. I just don't wanna be with a stranger I just met." I whispered back.

Serotonin Where stories live. Discover now