Bumukas ang pintuan ng kwarto ko habang nag-aapply ako ng last coating ng mascara ko. Kunot noo akong tiningnan ng pinsan ko.
"Sabi ko sayo dapat ready ka na pagsundo ko sayo eh." Pagmamaktol nya sa akin. I just rolled my eyes.
"Kung sana kasi before an hour mo sinabi sa akin na lalabas pala tayo edi sana tapos na ako. Nag announce ka 30 minutes before mo ako sunduin." Pangangatwiran ko sa kanya. Pinagtaasan nya ako ng kaliwang kilay nya at umiling na lang.
"Papayag ka ba kung sinabi ko sa iyo ng mas maaga? Alam ko magdadahilan ka na naman para hindi sumama. Lumabas labas ka naman. Namumutla ka na dito sa loob ng bahay nyo." Tuluyan na syang pumasok ng kwarto ko habang hinahanap ko sa kama ang cellphone ko.
"Kung masyado ka pa lang concerned sa pale looking skin ko edi sana umaga tayo lumabas hindi ala una ng madaling araw." Singhal ko sa kanya. Nilapitan nya ako at iniabot sa akin ang hinahanap ko.
"Nasa ibabaw yan ng drawer mo." Kalmado nyang saad. Napabuntong hininga na lang ako. Hinawakan nya ang magkabilang balikat ko.
"You'll be okay. Nandito naman ako saka sina Jace eh. Para masanay ka ulit sa ibang tao. Weekdays ngayon wala masyadong tao sa bar na pupuntahan natin. Don't worry." Pangungumbinsi nya pa ulit sa akin dahil siguro narinig nya ang pagdadalawang isip ko kahit nandito na sya para sunduin ako.
"Fine. Let's go." Bago lumabas ng kwarto ay inayos ko muna ang suot kong dress. Not too revealing. Uupo lang naman ako doon at magmamasid.
Paglabas namin ng bahay ay nakita ko si Jace lang ang kasama nya. Agad nyang itinuon ang atensyon nya sa amin ni Vin.
"You look great." Jace muttered. Ngumiti lang ako sa kanya at sumakay na sa kotse. Nagtagal pa sila sa labas dahil inaantay pa ni Vin na matapos si Jace sa sigarilyong hawak nya.
Tahimik ang byahe namin. Ilang sulyap ang ibinigay sa akin ni Jace sa rearview mirror. Hindi ko alam kung alam ba ni Vin na nagpapa-theraphy din si Jace. I can't open that topic.
Nagpark si Vin sa tabi ng kotse ni Ian. May dalawa pang kasama si Ian pero hindi ko kilala. Hindi pamilyar sa akin. Pinagbuksan ako ng pintuan ni Jace at agad kaming nakihalo sa grupo nina Ian.
"Looking good." Bati sa akin ni Ian. Tinanguan ko lang sya at pumasok na kaming lahat sa bar.
Nagulat kami nang nakapasok dahil expected namin wala gaanong tao. Occupied ang mga table kung saan malapit sa DJ which is good dahil masyadong malakas ang music. May mga nagsisimula nang sumayaw sa gitna habang ang iba ay may sariling mundo.
Dinala kami ni Ian sa may gilid. Pinareserve nya daw iyon. Agad silang nag-order ng drinks. Beer lang sa akin at may ilang shots din silang napili.
Pinagmasdan ko ang paligid. Nakahinga ako nang maluwag dahil napagtanto kong wala naman akong nakikitang kakilala ko dito sa bar. Dumating na ang order namin at agad kong kinuha ang beer na para sa akin. This was my playground years ago and this I feel like I don't belong here anymore. It feels wrong.
Overwhelmed ako sa dami ng tao. Uminom ako mula sa boteng hawak ko nang tumabi sa akin si Jace. Inilapit nya ang mukha nya sa akin para marinig ko kung anong sasabihin nya.
"Are you okay? Madaming tao. Akala namin wala masyado kasi weekdays eh." Pasigaw na sabi nya dahil maingay ang paligid.
"Okay lang ako." Maikli kong sagot sa kanya. Tumango tango naman sya habang nakatingin pa rin sa akin.
Nawala si Ian sa table namin dahil may kinakausap sya sa kabilang table. Yung dalawang kasama naman nya ay hindi ko na rin nakita kung nasaan. Kaming tatlo na lang ni Vin at Jace ang nasa table namin. I faced Jace.
"You should dance kaysa mabulok ka dito." Ngumiti sya at inilapit muli ang mukha nya sa akin.
"I don't dance." Natatawang sagot nya sa akin. "Ikaw. Ikaw dapat ang sumayaw doon para makakilala ka ng ibang tao." Dugtong nya pa.
Umiling lang ako at nilagok ulit ang beer ko. I am not ready for that. I don't even want to meet new people. I just want to drink and weigh my feelings about going out.
May isang lalake na lumapit sa table namin. Binati nito si Jake at Vin. Hindi ko narinig ang usapan nila dahil maingay nga ang paligid. Hindi na ako sanay sa ganito. Mas okay sa bahay nina Vin mag-inom. Kalmado lang.
Itinuro ng kausap nila ang isa pang table. Siguro niyayaya sila na pumunta doon. Isang long table ang nakita ko. Ilang babae din ang nakatingin sa table namin. Agad na umiling si Jace at sinulyapan ako.
Kinagat ko ang labi ko habang pinapaikot ko ang bote sa kamay ko. Kung hindi lang siguro ako kasama nandoon na sa sa table na yon. Agad akong tumayo para lapitan sila.
"What's going on?" I asked Vin. Binalingan ako ng kausap nilang lalake.
"I just want to invite you guys sa table namin since konti lang naman kayo. If that's okay with you? Highschool friend ako ni Ian." Page-explain nya sa akin. Nasa kalagitnaan pa lang sya ng sentences nya ay agad na akong tumango. Jace and Vin shared an awkward glances.
"You guys go ahead. Magpowder room lang ako." I said to them. Hindi na ako nagintay na sumagot sila.
My heart is pounding so hard. Making conversation with strangers. It is so hard. I always say that people exhaust me all the time but I am the problem. This fucking anxiety.
Agad kong binuksan ang pintuan ng bar. I gasped when I felt the chilling wind outside na bar. I feel like I'm drowning. Sharp inhale and sharp exhale. I feel like I can't breathe.
Kahit malamig sa labas pero pakiramdam ko pinagpapawisan ako. Hinahabol ko ang bawat hinga ko. Sumandal ako sa pader dahil pakiramdam ko tutumba ako.
"Do you smoke?" Biglang tanong sa akin ng nasa gilid ko. "Can I borrow your lighter?" Pinakita nya ang hawak nyang stick ng cigar sa akin. He looks familiar. Hindi ko lang alam kung saan ko sya nakita.
"W-what? No, I don't smoke." Hingal na sagot ko sa kanya. Kunot noo nya akong tiningnan.
"Yeah. Of course you don't. Para kang inaatake ng asthma eh." Sumandal din sya sa pader habang nakatingin sya sa hawak nyang cigarette.
"Breathe. On count of 3. One. Two. Three. Breathe." Bulong nya sa akin habang ako hindi pa naiintindihan kung ano ba ang sinasabi nya.
"Breathe in. One. Two. Three. Out. One. Two. There." Malumanay nyang bulong sa akin. Tiningnan nya ako habang sinusunod ko ang sinasabi nya.
Bumabalik na sa normal ang paghinga ko. Nagdie down unti unti ang palpitations ko. "O-okay. Oh my God." Bulong ko sa sarili ko.
He smirked at me at umalis sa pagkakasandal sa pader. "Gawin mo yan kapag inaatake ka ng asthma. It helps." Tiningnan nya ulit ang cigarette na hawak nya at tumingin ulit sa akin ng deretso habang nakangiti.
"Don't worry. I won't light this up." Tinalikuran nya ako at pumasok na sa loob ng bar.

YOU ARE READING
Serotonin
NonfiksiI wrote all of this about him. He'll never read any of it, so you can. I hope you enjoy it. He would've.