Pagpasok pa lang ng café ay agad kong naamoy ang mamahaling coffee beans. Nakakarelax kapag ganito. Maaga pa at tingin ko ay mainit na kape ang iinumin ko imbes na usual kong iced coffee.
Sumulyap ako sa katapat ko ngayon habang tumitingin sa menu. Agad kong napansin na bukod pa sa armband na nasa kanang braso nya ay may isa pang tattoo sa kabilang braso nya malapit sa siko. Pahaba iyon at mistulang kidlat sa madilim na kalangitan. Hindi ko napansin iyon kagabi dahil abala ako sa pagtitig sa mukha nya.
Ibinaba nya ang menu at agad na nagtama ang tingin naming dalawa. Tumikhim ako at iginala ang mata sa paligid. Cozy ang loob ng café at dahil maaga pa naman ay iilan pa lang ang mga customers na nakikita ko.
"Anong sayo?" Tanong nya sa akin. Tiningnan ko ulit ang menu at biglang nagbago ang isip ko. Mag iced coffee na lang ako para mas madaling inumin at nang makaalis na agad ako dito.
"Iced caramel macchiato and yung pinagmamalaki mong crossiant." Sagot ko sa kanya. Agad naman syang tumango at pumuntang counter para mag order.
Tiningnan ko sya habang nag-oorder. Malaki ang pinagbago nya kaysa sa huli ko syang nakita at nakausap. Halos hindi ko na sya makilala sa mga galaw nya at sa aura nya. He's into flings right now? Hindi man lang sumagi sa isip ko na magagawa nya yon. Saglit syang lumingon sa akin at agad naman akong nag-iwas ng tingin. I sighed. Bakit ba kasi ako sumama sa kanya dito?
Nakabalik na sya sa lamesa namin at agad ibinigay sa akin ang coffee at crossiant ko. Tinikman ko agad ang kape at walang duda na masarap nga.
"Try the crossiant. You'll love it." Pangungumbinsi nya sa akin dahil nakita nya ang reaksyon ko sa kape pa lang. Pinagtaasan ko sya ng kilay at sinunod ang sinabi nya. Isinubo ko ang kinuha ko gamit ang tinidor. Masarap nga din.
"It's fine. Mas nagustuhan ko pa rin ang kape." Walang gana kong sinabi. Tiningnan nya lang ako at tumango sabay kinuha nya na din ang hot coffee nya at sumimsim doon.
Malamang na mainit na kape talaga ang para sa kanya dahil siguro ay may hangover pa sya. Maraming nainom siguro ang isang ito kaya doon na lang nakapag check in sa motel kung saan ako-. Kumunot agad ang noo ko sa naisip ko. I really shouldn't care. Bakit ko pa ba iniisip ang mga bagay na ganun?
"Dyan ka lang pala naka check in na motel?" Tanong nya. Mukhang wala syang maitanong dahil hindi rin naman ako nagsasalita.
"Oo." Maikling sagot ko. As much as possible gusto ko nang ubusin ang kape ko. Kahit naman hindi ko na ubusin itong crossiant ay okay lang basta makaalis na agad ako dito.
"Are you alone?" Tanong nya ulit. Mataman nya akong tiningnan. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.
"Yes." Iginala ko ulit ang mata ko sa paligid. Maaliwalas talaga dito. "Where's your girl, by the way?" Dagdag ko. He smirked.
"What girl?" Pabalik na tanong nya sa akin. I scoffed. I can't believe this.
"Yung kasama mo kanina? Bakit hindi sya ang inaya mo mag breakfast?" Pinagtaasan ko sya ng kilay. Malamang nakikita na sa mukha ko ang iritasyon sa kanya.
"I don't do breakfast with my flings." Sagot nya sa akin at muling sumimsim ng kape nya. Halos mapapikit ako. So he's really doing flings now, huh? Agad na kumalat ang pait sa dibdib ko. Dapat talaga hindi na lang ako pumunta dito. Okay naman pala sya eh. Nakakapag fling na nga!
"Ilan ang flings mo?" Tanong ko ulit. He smirked again. Stop smirking you, asshole. Naiirita ako sayo.
"Why? Curious?" Tanong nya pabalik sa akin. I rolled my eyes. Uminom na lang ako ng kape at hindi na sumagot.
Habang tulala ako sa crossiant dahil iniisip ko kung kakainin ko pa ba iyon o hindi na bigla syang nagsalita ulit.
"Isa lang fling ko. It'll end eventually, then next ulit." He said while staring at me. Kumunot naman ang noo ko. Pakialam ko ba kung pagsabay sabayin mo ang flings mo? Hindi mo naman na ako naaalala eh dahil kung naaalala mo ako. Hindi mo gagawin yan.
I looked down. Pinipigilan ko ang kung ano mang pait na nararamdam ko. Ganyan talaga, Pau. Nawala ka eh. Naiwanan sya mag-isa. Ano ine expect mo? Intayin ka nya? Hindi ka nga nya maalala oh!
"So inaantay mo lang na magsawa ka sa kanya tapos hahanap ka ng ibang ipapalit? Paano kung nagustuhan ka nya?" Agad kong pinigilan ang sarili ko dahil ang dami ko nang nasabi. Fuck. I need to go now. Kung ipagpapatuloy pa namin itong pag-uusapan bakabkung saan pa mapunta.
"I was very clear to my flings about that. Wala silang maaasahan sa akin. All physical lang. Lust. Walang feelings. Kung magka feelings man sila that's their responsibility. Not mine." Seryoso nyang sagot sa akin. Napailing ako sa disappointment. This isn't him. This isn't the Austin that I loved.
"So you're a jerk now?" Matapang kong tanong. Nanlaki naman ang mata nya at agad natawa. Gagong to. Pinagtatawanan pa ako.
"Get to know me, para malaman mo kung jerk ba talaga ako or hindi." Natatawa nyang sagot sa akin.
"No, thank you." Malamig kong sagot. Sinulyapan ko sya ulit at humilig na sya sa upuan nya.
"You're curious about me, then you judged me and yet you don't want to know me. And in a span of what? Wala pa tayong isang oras dito. You're hurting my feelings." Naiiling nyang sabi habang may naglalarong ngiti sa labi nya.
Tinitigan ko lang sya habang sinasabi iyon. Last year ko lang sya huling nakita pero malaki na ang pagbabago nya. He's not looking at me the same way. He will not going to hold me again. He'll never say the same things again.
"Good"
Ngumiti ako ng pilit. Sinusubukang lebelan ang pagiging pilyo nya pero gusto ko nang tumakbo. Akala ko ako pa rin. Akala ko kung sakaling magkita kami agad nya akong makikilala. Akala ko lang pala iyon.

YOU ARE READING
Serotonin
Não FicçãoI wrote all of this about him. He'll never read any of it, so you can. I hope you enjoy it. He would've.