Entry 7

5 0 0
                                    

I decided to have a trip on my own. First time kong mag out of town nang ako lang mag-isa. I don't know kung saan ang destination ko.

Kunot noo kong tiningnan ang list ng mga routes ng mga buses para sa gabing na ito. Hindi pa naman ganon ka-late pero kokonti na lang ang mga tao. Pumikit na lang ako at kung ano ang unang makita ko ay iyon ang pupuntahan ko.

Subic. I sighed. Damn. Bakit ba iyon ang una kong nakita? Pwede naman sigurong mag Baguio na lang ulit ako. Tiningnan ko ulit ang list mga routes. Last trip na ang makukuha ko ngayon dahil anong oras na rin naman.

Agad akong pumunta sa ticketing booth at bumili ng ticket. Ang sabi sa akin ng cashier ay antayin na lang bus para sa 9PM trip. Umupo muna ako sa waiting area at nagmasid ng paligid.

Ang daming vendor dito sa terminal, may mga nag-aantay malapit sa bus, may isang pamilya rin sa likod na mukhang ba-byahe ng malayo.

Maya-maya pa ay dumating na ang bus na may signage na "Dau". Dito na rin daw ako sumakay at dadaan daw ito sa aking pupuntahan sabi ng dispatcher. Ipinakita ko ang aking ticket sa kundoktor at agad na din sumakay.

Umupo ako sa tabi ng bintana para matanaw ko ang dadaanan ko. Mas gusto kong magbyahe ng gabi para hindi mainit ang paligid at para na rin relaxing lang ang nakikita ko sa daan. City lights. Express way. Mga sasakyang nag-uunahan.

Agad din umalis ang bus. Nagsimula na ang byahe ko. Apat na oras. Ano ba gagawin ko sa ganitong kahabang byahe. Agad kong inilabas ang ear buds ko para makinig ng music. Mga kantang bigay nya.

Agad akong napailing. Bakit nga ba ako doon pupunta? Magba-baka sakaling makita sya? Upang kamustahin sya? Anong goal ko sa pagpunta doon? Hindi ko pa rin alam. Hindi ko naman sasadyain na hanapin sya. Titingnan ko lang yung lugar na ipinag-mamalaki nya sa akin dati pa. Ang hometown nya.

Sinubukan kong umidlip ngunit hindi talaga ako makatulog. Tiningnan ko na lang ang daan at inaliw ang sarili. Mga nagtataasang buildings hanggang sa nawala na rin ito sa aking paningin.

Bumibilis ang bus habang tumatagal. Mas gusto ko nga ito para hindi ko maramdaman ang byahe. Hindi ko namalayan na pababa na pala ako. Tatlong oras lang halos ang byahe ko.

Nagpasalamat ako sa kundoktor na tumulong sa akin na magbaba ng aking bag. Sa isang terminal nya din ako ibinaba. Kumpara sa Manila mas konti na ang tao dito ng ganitong oras. Mag aalas dose na rin naman ng madaling araw.

Umupo muna ako sa waiting area ng terminal para magpahinga at magvape habang iniisip kung saan ba ako mag-stay ng ganitong oras. Mag-iikot ikot na lang ako at maghahanap ng motel.

Konti lang ang nilakad ko dahil dikit-dikit pala dito ang mga hotels at mga motels. Kung ano lang ang una kong nakita ay doon na ako pumasok. Agad akong inasikaso ng receptionist ng motel. Ibinigay din sa akin ang susi ng kwarto.

Pagpasok ko ng kwarto ay agad kong binitawan ang bag na dala ko. Tiningnan ko muna ang bathroom at malinis naman ito. Pati ang buong kwarto ay malinis rin. Humiga muna ako saglit. Magpapahinga na kaya ako o lalabas pa ulit para mag-ikot ikot?

Tiningnan ko ang orasan na nasa may taas malapit sa TV. Maaga pa naman kaya napagpasyahan ko na lang na lumabas upang mag-ikot. Siguro bibili na rin ako ng kailangan ko katulad ng tubig at pagkain kung sakali man na magutom ako.

Presko ang hangin sa labas. Nagsisisi tuloy ako na hindi ako nagdala ng jacket sa byahe ko. Nagmamasid ako sa paligid nang mapadaan ako sa isang club. Na curious ako kung ano ang nangyayari sa mga clubs dito sa lugar na ito. Kagaya din ba talaga ng mga nai-ikwento nya sa akin dati?

Tiningnan ko ang suot kong dress. Bagay ba ito sa club? Parang hindi naman pero hindi naman talaga ako taga dito kaya sige okay na rin siguro ito.

Pagpasok ko ay agad kong narinig ang malakas na music. Jam packed na ang lugar kahit hindi pa ganoon ka-late. May mga taong nasa dance floor at mga nagsasayaw na. Ang iba naman ay nakikipag-usap sa mga kasama nila habang nakatayo at ang iba naman ay nakaupo lang, ine-enjoy ang music habang nainom.

Agad akong nagpunta sa bar area. Sinabi ko sa bartender na beer lang ang order ko. Agad naman syang tumango at ibinigay sa akin ang beer nang nakabaso na. Agad akong uminom dahil bukod sa uhaw na ako, nakaka-enganyo ang beer dahil sa sobrang lamig nito.

Kagaya ng naiku-kwento nya sa akin, ganitong vibe nga ang naibibigay sa akin ng club na ito. Dadalhin ko pa lang sa labi ko ang baso upang uminom ulit nang masagi ako nang nasa likuran ako. Natapon ng konti ang beer na hawak ko. Agad akong lumingon sa likod ko.

"I'm so sorry, Miss." He said.

I am shocked. Sa dami naman ng pwedeng lugar na makita sya dito pa talaga. Hindi ako makapagsalita. Takang taka nya ako tiningnan habang nag-iintay ng sagot. Huminga ako ng malalim bago sumagot. Pinagdadasal na di nya marinig ang kaba sa boses ko.

"I-It's okay." Nanginginig na sambit ko. Tiningnan nya ang basong hawak ko. Kunot noo nyang kinuha iyon.

"I'll buy you another one. Muntik nang maubos sa pagkasagi ko sayo eh." Nakangiti nyang sabi. Tumango na lang ako habang nakatingin sa kanya. Hindi pa rin makapaniwala na nandito sya sa harapan ko. His hair, his eyes, his voice, his fucking smile. Kagaya pa rin ng naaalala ko.

Tinawag nya ang bartender para mag-order ng panibagong beer ko. Hindi ko pa rin matanggal ang mga mata ko sa kanya. Humarap ulit sya at inabot na ang beer sa akin.

"Here's your beer. By the way, what's your name?" Tanong nya sa akin.

Hindi nya ako matandaan. Fuck. Hindi nya ako maalala. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Pinipigilan na maiyak. Good thing ba na hindi nya ako matandaan? But fuck. Bakit naman ganon?

"Pauline." Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. Ngumiti ako ng tipid sa kanya.

"Austin. Nice to meet you, Pau." Tinanggap nya ang kamay ko upang makipagkamay.

Serotonin Where stories live. Discover now