Namamahid ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa alak o dahil sa mga iniisip ko. Sinulyapan ko ulit ang cellphone ko. Hindi ko na halos makita ang message na nandoon. Habang maingay ang paligid. Inabot ko ang isang kahang sigarilyo sa tabi ko. Lowbatt na ang vape ko. Tanga mo, Pau.
Namamahid ako. Sinindihan ng katabi ko ang sigarilyo. Ngumiti ako at tiningnan ang mga tao sa paligid ko. Sinulyapan ulit ang cellphone ko. Kailan ka ba mawawala? Kung kailan hindi ko na kaya? I puffed on my lit cigarette. I inhaled it. Tanga tanga mo, Pau. Wala kang kwenta.
Namamanhid ako. Nagkayayaan nang lumangoy. Kahit walang damit ay lumangoy ako. Papalapit sa akin si Mico. Hindi ako makagalaw. Pumikit ako ng mariin. Pinipilit na ngumiti. Ang tanga talaga. Agad akong lumubog para makakawala. Hindi naman siguro ako malulunod. Kaya ko pang lumangoy. Gusto ko nang humiga.
Umahon ako at umupo sa gilid ng pool. Nahihilo pa rin. Akala ko maiibsan ng tubig ang pagkalasing ko, mukhang lalong lumala ang pakiramdam ko. Tanga mo, Pau. Wala kang kwenta. Sumisigaw na ngayon sa utak ko ang kaninang bulong lang. Lumapit ulit sa akin si Mico at hinalikan na ako. Wala akong maramdaman. Namamanhid ako.
Ilang sandali pa bago ko sya itinulak. Nangingiti sya habang tumatayo ako. Magpapatuyo na ako. Wala rin naman kwenta ang paglalangoy, lalo lang sumama pakiramdam ko. Umupo ako, nilalamig. Ininom ko ang tubig na nasa lamesa. Hindi inalintana ang mga matang nakamasid sa akin.
Pakiramdam ko bumaligtad ang sikmura ko. Agad ako lumayo sa cottage malapit sa damuhan. Isinuka ko ang mga ininom kanina. Agad na lumapit si Mico sa akin. Dahan-dahan nyang tinatapik ang likuran ko dahil sa hirap na pagsusuka. "Magpahinga ka na muna sa amin. Lasing na lasing ka na" bulong nya. Agad muli akong nasuka. Lumapit na din sa akin si Naly at hinagod ang likod ko.
"Uwi na tayo, Pau." Sambit ng best friend ko. Agad akong umiling. Kung uuwi akong lasing lalo kaming hindi magkakaayos ni Mama. Hindi ako pwedeng umuwi ng lasing. Ayokong umuwi.
Inilayo na ako ni Mico kay Naly. Iniyakap sa balikat ko ang kanyang tuwalya at pinainom ulit ako ng tubig. "Pagpapahingahin ko muna si Pau sa bahay. Lasing na lasing na." Agad na hinagip ang mga gamit ko. Ilang sandali silang nagdiskusyon at sa huli natagpuan ko ang sarili kong sakay sa kotse ni Mico.
Lalo akong nahihilo sa paraan ng pagda-drive nya. Hinawakan ko ang braso nya at sinenyas na tumigil sya. Naramdaman ko ang pagbagal ng sasakyan, agad kong binuksan ang pintuan para sumuka ulit. "Ang dami mo kasing nainom." Natatawa nyang sabi habang hinahagod ang likod ko.
Nakarating kami sa bahay nila. Agad akong iniakyat sa kanyang banyo. Isinarado ko ang pintuan at nagsuka ulit ako. Pakiramdam ko isinusuka ko na ang bituka ko. Agad akong naghubad para magbanlaw. Umaasa na maibsan man lang ang pagkalasing ko. Marahan akong kinatok ni Mico. "Pahiramin kita ng damit. Iaabot ko sayo."
Hindi ako nagsalita at mabilisang inabot ang mga damit at tuwalya. Kapag nakapagpahinga siguro ako ng kahit konti pwede na ako umuwi. Mawala lang ang pagkasuka ko. Pikit mata akong nagpunas ng katawan at ipinulupot sa buhok ko ang tuwalya. Mabilisan akong nagbihis. Narinig ko lang na babanlawan ni Mico ang mga damit ko at isasampay. Itinuro nya sa akin ang kwarto nya at agad akong nagtungo roon para humiga.
Wala nang laman ang utak ko habang nakahiga roon. Sobrang hilong hilo ako at hindi makagalaw. Ilang sandali pa ay pumasok na sa kwarto si Mico. Binuksan nya ang aircon at ilang sandali pa ay tumabi na sa akin. Bumaligtad ulit ang sikmura ko. Nagmamadali akong lumabas para magpunta sa comfort room. Agad akong sumuka ulit. Sumunod ulit sa akin si Mico para asikasuhin ako.
Bumalik ulit ako sa kwarto nya para humiga. "Dadalhan kita ng tubig. Saglit lang." Tinabunan nya din ang katawan ko ng manipis na kumot. Tanging ugong lang ng aircon ang naririnig ko. Pikit mata habang umiikot ang mundo. Bumukas ulit ang pintuan ng kwarto. Tinapik ako ni Mico para makainom ng tubig. Naramdaman ko din na naglagay sya ng trash can malapit sa gilid ko. Humiga ulit ako. Ilang sandali pa ay nasusuka na naman, humarap ako sa kaliwa ko para hanapin ang trash can.
Fuck. Sobrang sama ng pakiramdam ko. Dumapa na ako ng pagkakahiga nang nakaharap sa side na may nakalagay na trash can. Gusto ko na lang matulog. Tangina talaga. Kailan ba titigil ang pagsusuka ko. Hindi na ako uminom ulit ng tubig dahil alam kong isusuka ko rin iyon. Ilang beses pa akong nagigising dahil sa pagsusuka at tuluyan nang nakatulog.
YOU ARE READING
Serotonin
Non-FictionI wrote all of this about him. He'll never read any of it, so you can. I hope you enjoy it. He would've.
