There was a notification on my phone that someone opened my Spotify account. Nanginginig ako habang tinititigan ang email sa aking cellphone. What the fuck is happening right now? Baka naman nagkamali lang? Baka nahack ako? Pero bakit Spotify lang ang nabuksan? Isa lang naman ang pinagbigyan ko ng account kong iyon. Siya lang. Tangina. Mahihimatay ata ako.
Pinakinggan ako ang mga kantang nasa playlist. Naiyak pa ako sa mga kantang ito. Yan ka na naman Pau. Umaasa ka na naman. He unfollowed you on social media. Wag ka na nga mag-ilusyon sa playlist na yan. Walang ibang intensyon yan. Malakas ang tibok ng puso ko habang nagtitipa ng mensahe para sa kanya. I thanked him for his playlist and I'm done with it. Right. Right? Mayroon na kaya syang girlfriend? Siguro naman dba sobrang tagal na naming hindi nag-uusap.
Kung meron na syang girlfriend ay kakalimutan ko na sya. Iyon na lang ba talaga ang iniintay ko? Paano kung wala? Anong gagawin ko? Niloloko ko na naman ang sarili ko, kahit malaman ko naman na may girlfriend na sya hindi naman ako makaka-move on eh. Tangina, ilang taon na nga oh!
Araw-araw na naman ang paguusap namin ni Austin. Ang pagpapasalamat sa playlist ay nauwi sa mahabang mga usapan gabi-gabi. Paulit ulit ang ganitong set up namin. Mawawala, babalik, mawawala ulit. Hanggang kailan ito? Kailan ulit sya mawawala?
"Naly, nag-uusap na naman kami ni Austin. Anong gagawin ko? Baka mamaya hindi na naman ito magwork out. Ayoko nang umasa. Mahal ko pa rin sya eh." Hinaing ko sa best friend ko habang kausap ko sya sa cellphone ko. Nakita ko ang mukha nya sa screen habang umiiyak ako. Ngayon na lang ulit ako umiyak sa kanya at sa ganitong bagay pa.
"Magiging masaya ka ba kung makakausap mo sya? Kailan ka ba huling naging masaya?" Tanong nya sa akin. Lalong nalukot ang mukha ko sa tanong nya. Fuck. Kailan nga ba? Huling magkausap kami? Siya pa rin ang dahilan. Tangina naman talaga.
"Hayaan mo naman ang sarili mo maging masaya." Dugtong nya pa na lalong nagpahikbi sa akin. Ngayon na lang ulit ako nag-open sa kanya dahil pakiramdam ko hindi ko na kaya.
Masaya na masakit ang pagdating ni Austin. Lagi nga lang may guilt sa puso ko tuwing mamahalin ko sya. Pakiramdam ko inaaksaya ko lang ang oras nya dahil alam kong kahit kailan, hindi nya ako matatanggap. Kaya hindi ko na rin sinabi sa best friend ko ang totoong sitwasyon namin ni Austin. Kung ano lang ang masaya at katanggap tanggap.
Ilang buwan pa ang lumipas, nagpa-plano na kaming magkita ni Austin. Sa loob ng halos tatlong taon naming magkakilala ngayon pa lang kami magkikita. Inanyayahan nya akong sumama sa kanya sa isang music festival. Agad akong tumanggi dahil sobrang matao doon. Ayoko sa sobrang daming tao. Nanliliit ako.
Nang araw na iyon hindi ko sya kinausap ng buong magdamag. Iniisip ko kung ipagpapatuloy ba namin ang kung anong mayroon kami. Ano nga bang meron kami ngayon? Ayoko naman syang tanungin kung kami ba kasi baka isagot nya sa akin ay "we are the world". Hindi pa nga kami nagkikita pero ganito na katindi ang nararamdaman ko. Paano pa kung magkita na kami? Huwag ko na lang kaya kausapin ulit? Panigurado naman na mawawala ulit sya. Ganoon naman lagi.
I'm stubborn. Kahit alam kong talo sa huli ipipilit ko. Ipipilit ko yung sarili ko sa kanya. Mahal ko sya. Makasarili ako. Alam ko sasabihin ng iba na pareho ko lang papahirapan ang mga sarili namin. Lalo na si Austin, pero anong gagawin ko? Pigilan ito hanggang sa mamanhid na naman ako? Would I rather do that than be happy?
May mga araw na, wala akong maramdaman. Hindi ako maayos but I made sure that Austin will not notice it. It's unfair but I thought I could go through this without anyone's help. I pretend to be okay that it became a reflex to me. I lied and it became my reality. It was gross. I am gross but I was happy. Pakiramdam ko sa tuwing pinipili ko si Austin ay pinipili ko ang sarili ko.
YOU ARE READING
Serotonin
Non-FictionI wrote all of this about him. He'll never read any of it, so you can. I hope you enjoy it. He would've.
