Entry 14

8 0 0
                                        

I received a text from him. Informing me that they'll be on the beach front. Inayos ko ang suot kong shorts, iniisip kung masyado bang maiksi iyon. Baka rin hindi bagay sa akin ang suot kong cropped top shirt. Sa huli ay sumuko na ako sa mga iniisip ko. Nasa beach naman kaya ayos na ito.

Bumaba ako upang makapunta na sa beach front. Kinakabahan ako dahil mga kaibigan nya daw ang kasama nya. Mga kaibigan nyang kilala ko na. Huminga ako ng malalim nang natanaw ko syang iniintay ako malapit sa may bukana ng beach. Naka itim na t-shirt sya at kulay brown na shorts. Nang nakalapit ako ay sabay na kaming naglakad papunta sa mga kaibigan nya.

May table na naroon. May mga nakikilala akong mga mukha pero may iilan na tumatak talaga sa akin. Umiiling na agad si John habang papalapit kami. Yung iba naman ay tila gulat pa at hindi makapaniwala. Malamang iniisip nila na nababaliw na talaga ang kaibigan nila dahil nandito na naman ako at ipapakilala sa kanila.

Sinulyapan ako ng dalawang babae sa grupo nila. Agad nagbulungan ang dalawa at halata ang pagka-irita. Sino nga ba kasi ang hindi magagalit sa sitwasyon ngayon? Agad na naglahad sa akin ng upuan si Austin at pinaupo ako.

"Si Pau nga pala." Maiksing sambit nya. Wala ni isang nagpakilala. Nanlalamig ako habang tinititigan nila ako, hinuhusgahan ang bawat paghinga ko at kalaunan ay ang pagbuntong hininga nila. Tipid akong ngumiti.

Nahagip ng tingin ko si Gio. May awa sa mga mata nya. Oo alam ko. Hindi ko na dapat sinisiksik ang sarili ko dito. Huwag kayong mag-alala. Aalis na ako. Lagi kong sinasabi na aalis na ako pero heto ako ngayon, inaabutan ng beer ng katabi ko.

"Cheers." Wika nya. Agad kong inilapit ang bote sa bote nya at tumunog ng konti. Ilang sandali pa ay umugong na ang usapan nila habang ako, iniisip pa rin kung bakit nga ba ako nandito. Ano bang pakay ko? Saktan ulit sya? Bago pa mangyari ang aksidente ay ganoon na naman ang ginagawa ko. Nasaktan ko sya, hanggang ngayon ba naman na hindi nya ako maalala ay ganoon pa rin ang gagawin ko?

You're pathetic. Bulong ng isip ko. Sarkastiko akong napangiti sa sarili ko at sumimsim ulit ng beer. Lumingon sa akin si Austin. "Taga saang province ka nga?" Tanong nya sa akin. Sumulyap ako kay John na madilim ang tingin sa akin.

"Taga Laguna ako." Sagot ko sa kanya. Tumango naman sya at uminom din sa beer nya.

"San Pablo?" John asked, evidently mocking me. Nagtatanong sya kahit alam naman nya kung taga saan nga ba talaga ako. Tumango lang ako sa kanya. Kunot noo naman ang katabi ko.

"Paano mo nalaman? Sa laki ng Laguna ay alam mo na agad kung taga saan sya." Halos matawa si Austin. Mangha pa sa kaibigan.

"Lucky guess." Kibit balikat na sagot nya rito. Tinapik ni Gio ang balikat ni John at pareho silang sumulyap sa akin. Ang ibang mga kaibigan nila at nahuhuli ko rin sumusulyap sa akin, marahil hindi pa rin makapaniwala sa kapal ng mukha kong manatili pa dito.

"Tara, mag lakad-lakad tayo. Parang hindi ka na humihinga dyan." Anyaya nya sa akin. Siguro namumutla na nga ako dahil sa mga nangyayari ngayon. Tumango ako at dinala na ang beer na kanina ko pang hawak. Ganon din sya.

Tahimik lang kaming dalawa. Hindi ko alam kung bakit sobrang payapa ngayon na magkasama kami, pakiramdam ko ay kuntento na ako na maglakad lakad kami hanggang mamaya. Hindi ako mapapagod. Sinulyapan ko sya, deretso lang ang tingin nya.

Tumigil kami hindi kalayuan sa lamesa. Naupo kami sa buhanginan habang tanaw ang dagat. Hampas ng mga alon, tawanan ng mga kaibigan nya at ang malakas na tibok ng puso ko ang naririnig ko. Huminga ako ng malalim, hindi para sa akin ito. Hindi mo dapat maramdaman iyan, wala kang karapatang maging masaya.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko, pinipigilan ang pagkalat ng mapait na pakiramdam habang nag-iinit ang mga mata ko. Kahit ngayon lang, kahit sandali lang. Gusto ko lang maging masaya kasama sya kahit masakit. Pipiliin ko pa rin na nandito ako. Hahayaan ang sarili kong mahulog.

"I remember you. I saw you in my dreams." Bulong nya.

Serotonin Where stories live. Discover now