TOA 17 - More Tag Battles
Seren's POV
Pabalik na kami sa Pentagon after ng lunch namin sa Cravium. A lunch without Haelles na pinuntahan agad si Rairi, Perisse and Luken na nasa clinic pa rin ngayon.
"Bro, pustahan naglalandian sila Luken at Pers." bulong ni Rainn na narinig ko.
"Lahat nalang pinagpustahan niyo. Kahit hindi naman laro, nilalaro niyo." I said to him coldly.
"Chill Renren. Wag mo ibuhos yang nararamdaman mo samin." sabi ni Skylar at inirapan ko siya.
"Selos ka Ren?" tanong ni Garnet at sinuntok ko siya sa braso niya.
"Jelly much." Kazerine said.
"I got attached to someone that I can't call mine." I said at nilaro nalang ang furs ng natutulog na si Melon.
"Grey Rainn Hydrakis and Nixie Llorelie Oasis!" sigaw ni Headmistress Vera.
"Let's go my dear Lors." sabing nakangiti ni Rainn.
Dumilim ang kalangitan at nawala na sa pwesto nila sila Rainn at Llorelie.
Hindi pa man lumalabas sila Rainn at Llorelie ay biglang yumanig ang Pentagon at biglang bumukas ang sahig ng Battle Arena at doon ay nakita namin ang isang malalim na Artificial Lake. Mas maliit ito kumapara sa mga natural na lake pero sakop nito ang pinakagitna ng Battle Arena.
Sa right side ay parehas na lumabas sila Rainn at Llorelie sakay ang water waves nila habang yung mga Eidolon nila ay lumilipad. Flying Dolphin for Llorelie while Phatine Shark for Rainn.
*(Flying Dolphin- nakakalipad ito kahit walang pakpak. Karaniwang harmless din at mabait sa lahat ng uri ng creatures under the sea.)*
*(Phatine Shark- Isang kakaibang shark na may matalas na fins and tail plus nakakalipad din ng ganitong creature. Mabangis ito at karaniwang namamalagi sa Phatine Sea.)*
"KYAAAAAAH ANG HOT MO PAPA RAINN!" sigaw ng ilan sa fan girls niya habang si Llorelie ay patay malisya.
Nagwala yung water sa loob ng circle kaya napadako doon ang attention ng halos lahat.
Mula doon ay mayroong lumabas at tumalon sa ere ng pagkataas taas.
"AN EETOPUS?!" sigaw ni Daphne.
*(Eetopus- isang water creature na gaya ng eels ay may lightning ability at gaya ng octopus ay mayroong 8 galamay.)*
"Tough enemy for them." bulong ni Flamey.
Mabilis na nakabalik sa Artificial Lake yung Eetopus at mabilis ding sumunod doon sila Rainn at Llorelie kasama ang mga Eidolon nilang sina Pann at Lime.
"One ability ng Eetopus ay ang mag camouflage kapag nakikipaglaban sa tubig." narinig kong sabi ni Frost.
"Enhanced Hearing Ability naman meron yung Eidolon ni Rainn kaya walang problema." sagot naman ni Heavenne.
Nagsimulang magwala muli ang tubig sa Artificial Lake at nakuha nagkaroon ang ilang bahagi noon ng kulay pulang matingkad at kulay dark blue.
"Blood." I said at tumingin sila sakin.
"Hala sila Lors at Rainn na?" narinig naming sabi ng bagong dating na si Perisse.
"Hoy bruha. Naligo ka na ba? Ang tagal niyo eh." sambit ni Garnet at mapanuring tinitigan si Perisse at Luken.
BINABASA MO ANG
Twins of Arkaios
FantasyElementians (Feyare) Series #2 /ar-ke-yos/ as the battles continue evil can come in darker hue showers of meteor and ice witness with your own eyes Twins of Arkaios: © piersiciu, ALL RIGHTS RESERVED (2015) LANGUAGE: TagLish Status: Completed