TOA 12 - Lionder Hill
Seren's POV"You can now open your eyes Cayrie." bulong sakin ni Haelles at naramdaman kong lumuwag ang yakap niya sakin.
Pagmulat ko ng aking mga mata ay isang magandang tanawin ang sumalubong sa akin.
Napatingin ako sa buong paligid at napagtanto kong nasa itaas kami ng isang hill na puno ng Dandelions at Lavenders. Malapit ito sa isang forest na hindi familiar sakin pero ayos lang, si Haelles naman ang kasama ko.
"Na saan tayo Haelles?" tanong ko sa kanya.
"Lionder Hill, Cayrie." sagot niya sakin saka ako lumingon sa kanya.
"OMP." I exclaimed dahil sa likuran namin ay mayroong isang puno na malaki na ang mga bulaklak ay Lavenders, parang Sakura Tree.
"Lionder, came from Dandelion at Lavender. Medyo malayo ito sa La Telmene pero ok lang, atleast dito walang makakakita sa mga gagawin natin." he said na ikinapula naman ng mukha ko. *SHT SEREN ALISIN MO NGA YANG GREEN THOUGHTS SA UTAK MO!*
Napailing ako sa naisip ko ng biglang Dinilaan ni Melon ang kamay ko.
"Oh, gising ka na pala." sabi ko at hinaplos ang balahibo nito.
"Shall we start?" tanong ni Haelles sakin at nag nod ako.
Bigla naman silang tumakbo ni Mango na ipinagtaka ko kaya nakitakbo narin kami ni Melon pababa ng Hill.
"Te....ka, saan ba tayo pupunta?" sabi ko na hinihingal.
"This is our warm up Cayrie! Run faster come on!" nakangiti niyang sabi. Yung ngiti niya, sobrang genuine na minsan lang niya pinapakita. Bumilis na naman tuloy yung pagtibok ng puso ko.
"Warm daw?" sarcastic na sabi ni Melon pero hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa pagtakbo kaso sobrang bagal ko.
Nauna na nga sa pagtakbo si Melon sakin kaya kahit na hingal na hingal na ako ay pinilit ko pa rin ang sarili ko.
Pagdating ko sa pinaka paanan ng hill, malapit sa entrance ng gubat ay nakita ko sila Haelles, Mango at Melon na naghihintay sakin.
"Papasok tayo diyan?" inosente kong tanong.
"Sa loob tayo ng Centaurlys Forest magsasanay." sagot nito at nag unat unat na para bang nagwawarm up talaga siya.
"Centaurlys Forest? Dyan nakatira yung mga Centaurs hindi ba?!" gulat kong tanong na may halong takot.
Nag nod lang si Haelles at ako naman ay nakapagat sa lower lip ko.
"Don't do that Cayrie. All we need to do is to defeat a centaur and that's it we're done in the first day of training." sagot ni Haelles at hinila ako papasok ng forest kasunod sila Mango ag Melon.
Kabadong kabado ako dahil nakakatakot ang mga Centaurs. Mga creatures na may head, chest and arms gaya ng isang tao pero ang kalahati ng katawan nila kagaya ng sa mga horse, pegasus or alicorn. Karaniwan silang may sibat or bow and arrows, at napakaseryoso ng mga itsura nila.
Hinigpitan ni Haelles ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya kahit papano ay naramdaman kong safe naman ako dahil kasama ko siya.
"Wag ka ngang kabahan! Hindi ba sabi mo gusto mong lumakas pa tayo? Kaya mo yan, andito lang kami." sabi sakin ni Melon kaya nilingon ko siya at ngumiti sa kanya.
Bigla naman kaming huminto ni Haelles sa pagtakbo at nagtago sa isang puno ng pine na ipinagtaka ko.
"Bakit ta.......hmp." magtatanong sana ako pero tinakpan agad ni Haelles ang bibig ko ng isa niyang kamay.
BINABASA MO ANG
Twins of Arkaios
FantasyElementians (Feyare) Series #2 /ar-ke-yos/ as the battles continue evil can come in darker hue showers of meteor and ice witness with your own eyes Twins of Arkaios: © piersiciu, ALL RIGHTS RESERVED (2015) LANGUAGE: TagLish Status: Completed