TOA - Special Chapter: RaiLie

4.6K 123 40
                                    

Special Chapter: RaiLie

Llorelie's POV

Nasa Araceli kaming lahat, ako, Seren, Garnet, Kazerine, Heavenne, Perisse, Daphne and of course Tanya. Pinaayos ang Araceli at nilagyan ng isang malaking gazebo na malaya naming napupuntahan anytime we want to.

Nagtatawanan ang lahat at pinagtatampulan ng tukso si Daphne dahil magkasama sila ni Terran kanina sa Dorm Room niya.

"Ayiie, ano bang ginawa niyo?" pagtatanong ni Perisse.

"Pers! Party ito ni Tans, stop the topic about me and Terran." malamig na sagot ni Daphne at nagtawanan kaming lahat.

"May secret ako girls." paninimula ni Tans.

"What?" tanong naming lahat.

"Nagpapakipot lang ako dati kay Janus! Akala ko kasi napilitan lang siya sa arranged marriage." natatawa niya sabi at lahat kami ay nakisabay sa tawa niya.

"Sabi na eh!" sigaw ko at natigil sila.

"What? Nahulaan mo yun?" hindi makapaniwalang tanong ni Seren.

Tumango at bigla akong nahampas ni Garns sa likod.

"Pft. Seryoso ka Lors? Sa sobrang pagkaslow mo na gets mo yun?" sabi niya at nag pout ako.

"Hindi ako slow!" sigaw ko sa kanila.

"Come on Lors, di mo nga mahalata na seryoso sayo si Rainn eh! Akala mo ata biro lang ang lahat sa inyong dalawa." ani Kazerine at nailing ako.

"I know his game very well. At dahil mahal ko naman siya, sinusulit ko na ang mga panahong ako pa ang gusto niyang makasama. Huwag lang sana siyang magsawa agad." sabi ko at hinagod ni Heavenne ang likod ko.

"You've been together for months Lors. Can't you feel his sincerity?" saad ni Tanya at nailing ako.

"How can I? Eh ngayon nga bigla bigla nalang siyang di nagpaparamdam. The last time I saw him was couple of days ago!" halos maiyak na ako sa pagsasabi noon.

"Malay mo may surprise lang pala for you di ba?" sabi ni Daphne.

"Ugh, I don't want to ruin this party girls. I need some time alone to think." tumango silang lahat sa akin at umalis ako.

"Be back for the foods Lors!" natawa ako ng bahagya sa sinigaw ni Heavenne at pumunta ako sa Celium Forest.

Nalabuntong hininga ako ng malalim. Sayang at wala si Lime, may lakad din ang mga Eidolons namin dahil kakatapos lang ng training nila sa Waterlus Region.

Wala tuloy akong makausap at walang makikinig sa mga rants ko.

"LORS!" napalingon ako sa sumigaw at nakita ko si Flamey na hinihingal.

"Oh? Bakit andito ka? Maaga pa para sunduin si Garns." sabi ko pero umiling siya.

"I'm looking for Rainn." napakmot ako sa aking batok ng marinig iyon.

"He's not with me right now." nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya na ipinagtaka ko.

"Tsk. Ang slow mo talaga! Nawawala si Rainn!" halos isigaw na ni Flamey iyon sa akin at kumalabog dahil sa kaba ang aking dibdib.

"I'll look for him too!" nagmamadali kong sabi at naglabas ng isang Water Wave saka sumakay doon.

Nilingon kong muling si Flamey na ngayon ay nakatitig sa akin habang nakangisi.

Twins of ArkaiosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon