TOA 33 - Pandaren Izia
3rd Person's POV
Kasalukuyang inilalagay sa isang Lacrima na nakalagak sa Poli Mana ang mga katawan nila Queen Naia, King Rage at ng iba pang kasamahan nila na mga Hari at Reyna rin ng iba pang Region. Ang iba sa kanila ay mga malalakas na Elementians at may matataas na tungkulin sa Arkaios.
Umiiyak pa rin silang lahat at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Alam nilang hinahanap na sila ng mga Headmistress at Headmasters ng La Telmene pero balewala iyon sa kanila.
Nagpadala ng Aerial Message si Kazerine para ipaalam ang nangyari kay Headmistress Jewel.
"I've told you that this would happen." sambit ni Lady Astrean at bigla na lamang silang sinugod ni Frost.
"You have seen this? Bakit hindi niyo sinabi?! Sana may nagawa kami! Sana hindi umabot sa ganito!" walang pag aalinlangang sigaw ni Frost.
Humahangos tumakbo si Seren patungo sa kanyang galit na galit na kakambal.
"Frost, te....ka lang." awat ni Seren pero winaksi ng kakambal niya ang kamay niyang nakalagay sa balikat nito.
"If they only told us!" frustrated na sigaw ni Frost at napaupo siya sa sahig habang humahagulhol.
"Give us an explanation!" matapang na sabi ni Garnet at napairap si Lady Lachise sa kanya.
"Aletheia! Ikaw na nga kumausap sa mga yan! Baka masapak ko lang sila isa isa!" bulyaw ni Lady Lachise at nagwalk out.
"Sorry." panimula ni Lady Aletheia sa kanila.
"We saw this, the signs, the premonitions and the vivid clues in the dreams." dagdag ni Lady Lachise.
"Bakit hindi niyo sinabi sa amin?" nakakuyom ang mga palad ni Rainn na nagtanong.
"Kung sinabi niyo na may ganito silang plano o kung may mangyayaring ganito sana nakatulong kami!" sigaw ni Luken.
"Sana napigilan namin sila, sana may nagawa man lang kami." saad ni Perisse.
"Baka may iba pang paraan kesa sa ganito!" sigaw ni Llorelie.
"If we meddled, greater havoc will come. This is less unfortunate to what will happen if share to you what we saw and what we knew. Even your parents didn't know this." pahabol ni Lady Aletheia.
"LESS UNFORTUNATE?!" hindi makapaniwalang bulalas ni Kazerine. Magsasalita pa sana siya ng biglang may sumigaw.
"Asan si Kuya? Asan?!" narinig nila ang boses ni Headmistress Jewel sa labas ng kwarto.
"Headmistress huminahon ka po!" untag ni Yuko at sumunod ito na pumasok sa kwartong iyon.
"Ang Kuya ko! Si Ate Naia! Ginawa talaga nila!" hagulhol nito habang nakayakap sa Lacrima na pinaglalagyan ng wala ng buhay na mga katawan nila Queen Naia, King Rage at ng iba pa.
"Tita, alam mo rin ang tungkol dito?" hindi na rin napigilan ni Seren ang mga luha niyang nagpupumilit makawala.
"Oo, ka....ya gina...wang Academy ang La Telmene dahil sa utos nila." umiiyak na sagot ni Headmistress Jewel. Pinahid nito ang kanyang mga luha at inayos ang sarili saka tumayo.
"Utos nila?!" tanong ni Daphne.
"Utos nilang lahat, kami ang inatasan nilang magsanay sa inyo. Kaya kung mapapansin niyo, lagi kayong magkakasama sa mga laban, at ang grupo niyo ay hindi pinaghihiwalay. La Telmene Academy was built for all of you." dagdag pa nito at napaiyak muli.
BINABASA MO ANG
Twins of Arkaios
FantasyElementians (Feyare) Series #2 /ar-ke-yos/ as the battles continue evil can come in darker hue showers of meteor and ice witness with your own eyes Twins of Arkaios: © piersiciu, ALL RIGHTS RESERVED (2015) LANGUAGE: TagLish Status: Completed